Jade's POV Maigi kong sinuri ang kapit ko. Nagdalawang isip pa akong tanungin si Hilaw pero busy sya ngayon sa pag-aayos ng mga device at laptop nya. Hindi naman nya siguro to kailangan, diba? Butas na eh, so automatic di nya to nagagamit. Mukhang mayaman pati sya kaya hindi na nya to kailangan. Binalewala ko na lang yun at di na inabala pang pansinin. Nilagay ko yun sa may gilid para hindi na maisama sa mga tinutupi ko. Sa kinatagalan, at marami-rami rin ang damit na kailangan nya, ay nagtataka na talaga ako nang makakita akong HINDI lang dalawa kundi marami pang katulad nun. "Aba?" kunot noong tanong ko sa sarili nang makakita ulit ako ng isa pang ganun. Ano ba to, style? Bakit parang iniipon nya? Alam ko naman ang underwear at damit ng panglalaki dahil may tatay ako at ako ang taga

