Jade's POV
Gago talaga to! Kahit kelan talaga, Hilaw! Gagawin pa talagang pang chansing 'tong bagong usapan namin. Pero okay na kami ng ganto. Wasohan.
"Sa madaling salita walang plastikan." paglilinaw ko.
"No other ill intentions." dagdag pa niya. Malalim namin sinuri ang isa't isa. Seryoso akong nilalamon ng mga titig nya. Samantalang sya ay nakangiti sa mga malalim kong tingin. Mahirap talagang alamin kung sineseryoso ba nya ang bago naming usapan. Pero at least ngayon may pangkakapitan na ako para hindi sya pag-isipan ng masama.
"New beginning." pagsaad nya ng nasa iniisip ko.
"Tama." kaya naman muling umunat ang kamay ko at inabot ang sugat nya. Madiin kong ilubog ang daliri ko dun.
"Ow, Jade." mabilis nyang inilag yun at dahil sa natural na reaction, gusto pa nya ata akong balikan. Kaya bago pa nya ako makapitan ay tinulak na kaagad ng mga paa ko ang sarili kong bangko para gumulong papatalikod.
"Ha-ha-ha." pangloloko ko dito. Napanguso na lang ako para itago ang mga ngiti ko.
Masama nya akong tinignan. Akala mo naman galit, eh bakit nakangiti?
"I didn't know you're such a bully, Jade."
Naging proud ako dun. Naman! Salamat sa mga kuya ko. Tama nga si Papa, sila ang nagpalaki sa akin. At last pwede ko na rin ipagmalaki at gamitin yun sa rebuttals.
"Ako pa-h!" pagchin up ko bago pinagpagan ang balikat. "Easying easy. Magaling akong mangasar."
"Haha." pag-iling nya ng may pekeng galit sa akin. "Then you'll run after, hmmm?" pagtingin nya sa may baba ko at ginaya ang pagkakataas nun.
Aba, gumaganyan na ang Kuya nyo! Hahahaha. Mukhang walang tago-tago na nga sa amin. Bago to.
Yung ngiti nya kasi, hahahaha. May halong inis. Alam nyo yung mga pikunin na hindi daw pikon at mga nakangiti, pero yung totoo pinapatay ka na nila sa utak nila, ganun! Ganun ngayon si Hilaw. Kaso yung pagtingin nya sa mga pinipigil kong pagtawa ay parang hindi nya kinatutuwa. Tutol ata sa pagiging masaya ko.
"Oo naman!" masigla kong pagsangayon. "Ako yung tipong bully na malakas mangasar tapos-phhh," hindi ko na matuloy yung sinasabi ko. Magcra-c***k pa sana ako ng joke, pero asar na asar kasi ngayon yung mukha nya. Panalo talaga. "Tapos tatakbo-hahah, ganun."
Grabe! Di ko na kinaya at natatawa na talaga ako!
"Hahahaha." pagpalo ko ng mahina sa hita ko.
Kahit di sya magsalita alam kong gusto na nya sabihing "Ang saya no." Ini-imagine ko yun sa tuno ni Vice, at papatayin pa ata ako ng utak ko bago ko makita nun. Pano kasi, yung facts pa lang na hindi sya marunoong mag-Tagalog ay talagang papasabugin na kaagad ako sa tawa.
"Ha-ha-ha." hilaw nya akong sinasabayan sa pagtawa. Eto na dapat yung point na sasabihin nya yung linya ni Vice, pero-hahahaha. Natatawa talaga ako!
"But you don't want to get the consequences." gigil nyang dugtong. Dun ko lang naramdaman ang pagpisil ng kamay nya sa hita ko, abot pa rin pala nya ako. Madiin yun pero hindi naman ganun kasakit. Tama lang para malaman kong naaasar sya. Syempre, success yun sa part ko.
Akala nya siguro sya lang ang may kayang gawin yun. Pasalamat sya at nagpipigil akong balikan sya sa mga pangaasar nya dati.
Naku kung hindi ko lang talaga gustong ikeep yung mabait na image ko noon at nalaman kong gusto pala nya ng walangyaan. Baka matagal ko nang pinulbos to sa pangaasar. Baka nga kung hindi ako nagpigil nung unang kita namin, baka may matinding puot na sya sa akin ngayon nadadalhin nya hanggang sa pagtanda nya. Hahahahaha.
Iniwas ko ang sarili sa kapit nya. "Hahaha, oo! Kaya nga mabilis akong tumakbo." tinuro ko sya. "At hoy, usapang consequences ba?! Ay yung mga kuya ko ang kausapin mo. Tignan lang natin. Hahaha."
"Coward." pag-ismid nito at iritang sinisilip ulit ako sa gilid ng mata. "You'll chocked on your own air."
Nanlaki ang mata ko nang ngumuso sya while looking like parang kayang manakit ng tingin nya.
"Asar na asar boy?! Hahaha." mas napapalo ako sa hita ko. "Oi, naiiyak na ko! Hahahaha."
Akala nya sya lang ang may baon? Sus, sisiw. Mga simpleng pangaasar pa nga lang to. Wala pang warm-up to. Kinder level pa lang.
"Hahahaha, ano na Hilaw? Wala bang marunong mangasar sa State? Hin--" di ko na natuloy. Hinablot nya kasi ang mismong paa ko at pinatong yun sa may kama para tuonan at ipitin sa may gilid nya. Tsaka ako kiniliti. "Huh-hahaha, hin--di-ka---"
"Come here." pilit nyang pag-abot sa kamay ko kaya hinawi ko yun gamit ng karate chop. Hilaw naman ang kulit! Hahaha.
"Oi! Hahaha, na--tuto. Hahaha." pagpapatuloy ko. Basahin nyo na lang ulit sa itaas para maintindihan nyo. Mas focus ako ngayon sa pag-iwas.
"Where you going, huh?" mahigpit na pagkapit nya sa braso ko bago ako hinila, papahiga na kasi ako sa upuan ko. Ang loko kasi ayaw din tumigil kaya ang choice ko na lang ay malaglag sa upuan para makatakas. Hindi din kasi ako makatayo dahil iniipit nya yung isa kong paa.
"Tama na!" paghatak ko sa kamay ko pero ayaw nyang bitawan yun at mas hinahatak pa ako papalapit. "Hahaha, grab--eh, galit na galit? Hahah-mmmmpph---ah--haha-hmm." mahabang daing ko. Mas kiniliti nya kasi ako at ayaw ko namang makinig yung tawa ko sa kabilang kwarto kaya natikom ko ang bibig ko. "Hahaha---Ayaw ko- haha, na! Haha---"
"What? What? Hmmm?" pangmama-mock nya at mas kiniliti ako. Naging marahas tuloy ako sa pagkalas sa kanya.
"Ayaw ko-h, hahaha, na-h. Ple-h" grabe kinakapos na ako sa hininga. "Pleas---ah-ayaw ko na!!!" naging tunog daing yun. Ayaw ko na! Eto kasi yung tawa na pagtumatagal hindi na kakatuwa pero natawa ka pa rin dahil sa may nangkikiliti nga sayo.
Pero mas naging ganado si Hilaw at pinantayan ang pagpiglas ko. Mas napalakas din ang hatak nya sa akin. "Teka! Haha-wait! Plea---ah!-" naputol ako nang bigla nya akong nakabig. Ang lakas nun.
"Hhmmmp!" pagpatay ng tawa ko nang madiin kong naipikit ang mga mata ko sa gulat nang pagkabagsak ng katawan ko.
Dahan-dahan akong nagmulat para mapakiramdaman ang sakit sa katawan, ngunit sinalubong lang nun ang mga mata si Hilaw. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa magkabila nyang mata, at ganun din naman ang ginawa nya. Tila sinusundan din nya sa mga tingin ko. Medyo kumislot din ang kanyang kilay, naweirduhan ata sa akin. Ganun din ako, dahil sa ngiting naiwan sa mga mapupula nyang labi. Hindi na sya putla.
Teka, bakit ba yan ang pinapansin ko?
"Please what, Jade?" paghabol nya sa tingin ko. Nanlaking tinitigan ko sya ng deretsyo. Nakita nya kaya kung saan ako nakatingin kanina????!!! Kaya para icheck, wala sa sarili kong binalik ang tingin sa tinitignan ko kanina.
Nakompirma kong tama ako dahil mas tumaas ang isang gilid ng labi nya. Kumalas ako pero wala akong matutuunan dahil nasa likod nya ang dalawa kong kamay na nadadaganan nya ngayon.
"Bi-h-taw." kapos kong saad. Ayaw kong makipaghingahan sa kanya. Magaslaw kong ginalaw ulit ang katawan ko pero humigpit ang kapit nya. Naalarma ako dahil nakapulupot ang mga kamay nya sa likod ko. Naramdaman ko tuloy ang buong katawan ko. Hay!!!!!!! Nakakahiya! Sa kanya pala ako bumagsak. Jade, naman!
Madiin akong napapikit. Gusto ko sanang silipin ang pwesto ko ngayon pero tumama lang ang baba ko sa dibdib nya. Whoooo! Bakit ba inattempt ko pa?!
"Ha-ha-ha." hilaw at mayabang nyang tawa. "What, Jade? Please what?" ngising nyang saad kaya iniba ko ang tingin pero dahil bumagsak yun sa mukha nya ay napatingala ako para tumingin—-sa ita--as?
"You—-"
"---Hmmmp." paglaki ng mata nya nang lumapat ang labi ko sa gilid ng labi nya. Tumigil ang paghinga namin parehas. Wala ni isa ata ang mag-aakalang mangyayari yun kaya nagkatitigan lang kami.
Tumigil ang oras para sa akin at tanging ang malakas lang na t***k ng puso ko ang nakikinig ko. Pinipilit kong pinapakiramdaman ang pagtaas ng dibdib ko dahil sa pagtawa ko kanina, pero parang ang dami ng nangyari dahil hindi ko na maramdaman yun. Kahit yung paghinga ni Hilaw, hindi rin halata, tumatama lang yun sa----pis-ngi ko. Patay!
Mas diin ko ang pagkakatikom ng labi ko, ngunit napagtanto ko lang din at naramdaman ang paggalaw ng labi nya. Hu!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Sana magteleport ako! Bakit ko ba ginawa yun?!! Ayan tuloy parehas kaming naging aware sa pagkakalapat nun.
Kaya bago may gumalaw ulit sa amin ay tinuon ko na ang mga siko ko at kahit hindi pwede ay gumulong na lang ako sa tabi gamit ng push ng tuhod ko.
Ngunit hindi lang ata ako ang nakaisip na gumalaw dahil tinulak din nya ako.
"Ay!" napakapit ako sa may bed sheet. Napalakas kasi ang tulak nya. Hilaw naman -_-'.
Pero bago pa ako malaglag ay naalalayan nya na ako gamit ng nagpapanic nyang kamay na humabol sa akin. Hindi ko na alam kung saan-saan yung dumapo sa katawan ko dahil sa pagdausos. May nasa bewang ko nung una, sa gilid ko, at pataas. Basta kung saan-saan. -_- Bago kumapit sa braso ko.
"Ther--e yo-u go-." pagtapik nya at iwas ng tingin.
Mabilis akong tumango dun at bumitaw na rin dahil naituon ko na naman ang mga paa ko sa sahig.
"Sa--la-" medyo tumatalon kong saad at pilit na bumabalanse. "Mat."
Napatigil ako nang maagaw ng pinto ang attensyon namin.
"Hi." masayang bati nung pumasok at tumungo para sa kunin ang cart nyang dala. "Akala ko nanunuod kayo dahil sa ingay ny--" mabilis na umangat ang tingin nya sa amin. Umawang ang bibig nya bago nagpabalik-balik ang tingin nya sa amin ni Hilaw. Kumunot ang noo ko dahil sa pagsusuri nya kaya napatingin ako sa-----MY GOSH!
Magulo ang kama. Tanggal ang kabilang cover nun sa kabilang side at nakatakloob sa bewang ni Hilaw, pero hindi sakop nun ang kabila nyang binti nya, at nakalabas ang kanang paa nya. Medyo tabingi din ang damit nya at kita ang collar bone. Dun nagpanic ang mata ko.
"Hala Ate." mabilis kong saad pero hindi sinalubong ni Ate Nurse ang mga tingin ko at tumungo.
"Ay sorry!" pag-urong nya ng hindi tumitingin. "Sige, babalik na lang ako mamaya. Pasyensya na kung naistrobo ko kayo."
Namutla ako ng lumabas na sya.
ATE NURSE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! MALI KA NG INIISIP!
Sirang sira na ang reputasyon ko sa mata nya. Grabe, naman! Bakit ngayon pa sya pumasok?! Wrong timing naman oh!!!
Jade, naman! Paano mo sya masisisi?! Kahit sino hindi maiitanggi ang mahiya kung ganto ba naman ang madadatnan. Sa itsura palang ni Hilaw na medyo mapula ang mukha ay parang mukhang nirape mo na.
Tapos kapit ko pa yung kumot na ginagamit talaga nya kanina, na nalalaglag ngayon sa kama yung kalhati. Dun kasi ata ako kumapit nung naitulak ako ni Hilaw kanina. Magulo din ang buhok ko at medyo hinihingal din habang nakatuon ang isa kong kamay sa may tuhod dahil sa biglang pagtayo kanina. Dun ko naisara ang pagkakaawang ng bibig ko at tsaka binitawan ang kapit.
Ang weird lang ay kung ano ang iniisip ni Ate. Kasi ngayon ko lang narealize na nasa tabi naman ng kama si Hilaw nakaupo, malapit sa akin, kaya kung iisipin man. Saan ako nakapwesto dyan? Right, right! Eh nasa kabilang side yung free space tapos naandito naman ako sa sahig, malayo dun. Tsaka nakaupo ako Sa tapat ni Hilaw at naandito sa sahig.
Imposible talaga, right? Kahit nasa isip pa nyang may relasyon kami imposible lang talaga yung iniisip nya.
Napa-iling na lang ako habang pinapagpagan ang tuhod dahil sa pagkakaluhod. Muli naman akong inalalayan ni Hilaw na nakaupo sa kama, sa katapat ko.
"Whoo, nakakatakot." pag-iling ko at nanginig ang katawan dahil sa maduming ideyang yun. Kaso natigil ako nang makita kong nakatingin sa akin si Hilaw. Iniwas ko ang tingin ko. "May kukunin lang ako." turo ko sa kung saan at nagderederetsyo dun kaso nabangga ng tuhod ko ang maliit na lamesa dun. Pader lang pala ang naandun.
"Dito pala." pagtalikod ko sa may higaan ko pero mali, walang gagawin dun kaya nag-ikot ako para hanapin ang banyo. "Dun, dun." deretsyong tingin papunta sa may washroom dito sa hospital.
"Ay-aray." mahina kong kapit sa may tuhod ko. Chizzzz, napalakas ata ang pagtama nun sa may lamesa.
Napasandal na lang ako sa pinto ng banyo nang makapasok ako.
"Hay~" pag-irap ko sa kawalanan. "Bwisit."
Aba, nakakarami na yung gantong sitwasyon! Una sa pisngi lang tapos ngayon level up?! Whooo, nakakakilabot. Wala naman sa akin yung mga ganyang bagay---tsk! Sino bang niloko ko?!?! Big deal yun, dahil NAKAKARAMI NA. Kung isang beses pwede pa pero yung nasusundan, nakakaalarma. Ngayon pa't nagnew-new beginning pa kami, tapos biglang gagatungan ng awkwardness? Hala! Kailan ba kami magiging normal?
Napakapit na lang ako sa labi ko. Considered as first kiss na ba yun? Pero sa gilid lang naman ah! Hindi buong labi!!!!! Paano kaya yun? Haysssssst! Pano ko ba malalaman? Ang hirap kasi at pagwala pang experience sa mga jowa jowa na yan. Yan tuloy, hindi ko alam. Sana pala may kahit isa man lang akong sinagot dati nung highschool. Edi sana may mapapagtanungan ako. O di kaya may, alam nyo yun, may standard akong masusundan. Yung makocompare-ran.
Ano ba yan, kanina nag-iisip ako kung paano ko sya tutulungan sa love life nya, tapos ngayon pumapapel na kaagad ako? Jade naman, maawa ka sa pride mo.
Siguro dapat medyo lumayo ako ng konti at dumistansya ng physical. Kailangan namin ng safe zone na pwedeng maging limitation sa physical contact namin.
"Tama." pagtango ko sa sarili. Pero siguro sa akin lang yun. Hindi naman nya alam yung iniisip ko kaya ako na lang yung lalayo. Medyo weird na rin kasi yung pagiging close namin. Sa out of nowhere nang galing. -_- Sabagay, ano pa ba ineexpect ko?! Sa out of nowhere nga lang kami nagkakilala.
Jade, bakit ba kasi di mo na lang tanggapin na di talaga kayo normal ni Hilaw? Halata na nga diba? Sa pagkakakilala nyo pa lang. Tamo, pati pangalan, Hilaw pa rin ang tawag mo kahit alam nyo na yung pangalan ng isa't isa. Di nga kayo normal at nauna pa yung nickname. Patunay yun na nagsimula kayo sa feeling close.
Feeling nyo kasi matagal na kayong magkakilala kung umakto kayo. See, kasalanan mo din. May part ka, girl.
Tsk! Pati konsensya ko nahihirapan sa kalagayan namin at sinisisi pa talaga ako mismo. Bwisit! Kailangan kong sigurong gumawa ng listahan ng dapat gawin para iwasan yang mga di normal na nasimulan namin ni Hilaw.