Single for New Introduction

3236 Words
Jade's POV "Ano bang pangalan mo?" rekta kong tanong. Hindi ko kasi alam kung bakit puro paligoy-ligoy sya sa introduction namin na para bang ayaw nya talaga kaming magkakilala. Napaawang ang bibig nya dahil sa tanong ko. Di nya ata inaasahan yun. May sandali pang lumipas at napalitan din yun ng isang malawak na grin. "I thought you'll never ask." Ako nga rin eh. Di ko nga sana gagawin kung hindi lang tayo laging nagkikita. Bakit ba naman kasi pumunta ka pa dun sa resto namin at naghugas? Wala naman akong masasabi sayo kung nagpakita ka lang sa school namin at sa resto ng sunod-sunod na araw, pero yung makipag-usap pa sa akin at gawan ako ng lunches tapos dagdag pa etong pangngayaring to? Kailangan ko na talagang malaman ang pangalan mo. "Osige, para madali." inabot ko ang kamay ko dito. "Jade Ocampo." Tinanggap nya yun at magaan na kinapitan. Pinaglalandas nya ang hinlalaki sa taas ng likod ng palad ko. Sa lambot palang nun, na nagsilbing kabaliktaran nang akin, ay halata ko na kaagad ang pagkakaiba namin. Makahulugan nya akong tinignan ng may ngiti sa mga mata. "Kean Mendez, Ma'am." mas lumawak ang ngiti nya habang marahan na tinataas-baba ang magkakapit naming kamay. "Finally, please to meet you." Kean Mendez, parang nakinig ko na yan dati. Di ko lang alam kung saan kaya mas tinitigan ko ang itsura nya at inalala kung saan nga ba. Hinalungkat ko na ata ang utak ko sa pagbrebrain storming pero katulad ng iba kong test nung elementary, wala na akong maalala kung walang connection na magpapaalala. Kean Mendez? Parang nakinig ko na talaga yan. "Jady, do you know this guy from the other school? He's asking for a friend request." Dahil sa curiosity ay napatingin ako sa cellphone nya. Naka-open pala dun yung account ko, at bumungad sa akin ang mukha ng isang sasakyan. Oo, isang sport car. Ano kaya ang makikilala ko sa picture na to, yung brand ba dapat? Napalinga ako sa kanya. Loko to ah. Ano naman ang kinalaman ko sa sasakyan? At dahil parang na-gets na nya yung naiisip ko ay kaagad nyang tinuro yung pangalan. "Eto, Jade oh. Kaloka." halos matawa-tawa ako sa loob ko dahil dun. Binasa ko naman yung pangalan dun. Kean Mendez? "Aba, malay ko." pagsasawalang bahala ko. Kasi kung meron mang mas may posibleng makakilala sa aming lahat dito, ay siya yun. Siya kaya ang may pinakang maraming friends dito. Sanay na din naman ako na binubuksan nya ang account ko para gamitin sa pang-iistalk nya. Si Cheska ang kausap ko noon, yan ang unang beses kong nakinig ang pangalan ni Hilaw. Sa pagkakatanda ko yan din yung simula ng mga araw na nakakatanggap ako ng mga lunchboxes. Kung gayun, edi kilala na nga ako ni Hilaw matagal na. Pero bakit sya nagpipilit na magkakilala kami kung kilala na nya ako? Tsaka saan? Eh noon ko lang rin at tsaka ngayon ko lang nakinig ang pangalan nya. Dalawang beses pa lang, kaya paano nya ako nakilala? Oo nga, paano sya nakapagpadala sa school ko? Paano rin nya nalaman ang pangalan ko? Si---sila Cheska, sa mga kaibigan ko. "You're full of sh't Jade, you think you're the savior of your friends?" nginisian ako nito. "Hahaha, don't make me laugh, Jade. You'll never gonna be that, because you know what. Among your friends, you're always the duff. The last pick, kaya di ka nagkakaboyfriend eh. To be honest, may chance ka sana, if everyone is taken. Hahaha, you're just their shadow. You're nothing without your friends." malalim ako nitong tinignan ng deretsyo sa mata at may lumalawak na ngisi. "You can't change that. You're a loner. That's what I think you are." Natandaan ko na naman yung sinabi ni Geo. Tama nga sya. Imposible akong makilala kung hindi dahil sa mga kaibigan ko. HIndi ko inalis ang pagkakatingin ko kay Hilaw. Hindi ko aakalaing sya pala yung nasalikod nung sport car profile na nagtry magfriend sa akin. Hindi ko aakalaing ganito pala ang mukha nung taong nag-aaksaya ng oras para sa akin. Plain lang ang mukha nya, kung mag-iimagine naman ako ay mukha lang nya sa pagtulog nya ang nakikita ko. Hindi ang mukha nya nung nagsinungalin sya sa mga guard, o yung nakakaloko nyang ngiti, mukha nyang may sakit, at lalong hinding hindi ang mukha nya ngayon. Tanging yun lang. Yung mukha nyang payapa at nakapikit, walang halong kahit ano, purong katotohanan. Hindi yun ganto, kung saan pinapakita nya lang sa akin ang gusto kong makita. Hindi yung may mga gantong expresyon na nagtatago, nakangisi at parang laging nananalo laban sa akin. Yung parang ang saya na inuuto ako. Hindi yung may gantong kasinungalingan na gusto lang nya akong gamitin. "Yeah, nice to meet you." blangkong tingin ko at binaba ang kamay bago siya tinalikuran. "Linisin natin yang kamay mo. Masyadong dumudugo. Sobra ka kasing naggagalaw." Kinuha ko lahat ng kailangan. Bulak, alcohol at band aid. Tahimik ko lang kinaladkad ang bangko ko. Buti na lang at may gulong talaga to kaya walang malisyang nakatabi ako kay Hilaw sa may kabilang side nya. "Hey." mababang saad nya nang kunin ko ng dahan-dahan ang kamay nya. "What's with the sudden silence?" naghalo ang di kasiguraduhan at masiglang boses sa linya nyang yun. Malamang, Jade naman. Anong alam nan sa iniisip mo? For sure, maiilang yan at mabibigla sa kadramahan mo, gaga. Napabuntong hininga ako bago sya sinulyapan ng mabilis at ginawaran ng ngiti. "Ah, wala lang. May naisip lang ako." pag-amin ko. Girl, try mo namang magsinungaling. Wala kang kathrill-thrill sa buhay eh. Magrebelde nga daw, diba?! "Why? What's wrong with my name?" inuga nya ang kamay nya. Sinyales ata yun na dapat ay lingunin ko sya, pero di ko ginawa. "Have you heard it before?" Naku, kung tanda ko man eh dapat pati yung tanong sa isip ko nasagot ko na. Umiling ako. "Hindi pa." tinaas ko ang bulak na may alcohol para bigyan sya ng sinyales na ilalagay ko na yun. "Then, why did you act all different hearing my name? It all did start when you asked for my nam--ah! Ow!" iniwas nya ang kamay nya sa akin. Pano di dadaing, eh diniin ko yung bulak sa may sugat nya. Noted, may alcohol yun. "Wag mong ilayo!!!!" paghabol ko sa kamay nya napilit nyang nilalayo. "OW! JADE!" pagpigil nya sa akin. Napatayo tuloy ako para di nya tuluyang mailayo yun. Natural, mas malakas sya sa akin kaya mas maglalaban ako. "Wag kang makulit!!! Ganyan daw talaga ang sugat sabi ni Kuya Mike!!! DAPAT MASAKIT!!" ganti kong agaw sa kanya. "Too much!!! JADE! OW!" may tunog babala ang boses nya kaya napabitaw ako. "Oh, ayan na!" tinapunan ko sya ng masamang tingin. "Tapos na!" Bwisit to!!! Sa akin na naman mangsisisi! Sawa na ako dyan! Lahat na lang sila! Bwisit!!!! Next time talaga maghahanap na ako ng matinong kausap! "Jade?" mahangin nyang saad na may bahid ng pakairita. Nakakunot ang noo nya at halatang di nagustuhan ang ginawa ko. Napangiti na lang ako sa loob ko. Ano? May tinatago ka palang ganyan. Kaya mo rin pala mairita. Bakit hindi ka nagsasabi? Talagang pinaninindigan mo yang pagiging mabait mo ha. At last, lumabas din! Puro ka talaga kasinungalingan, Hilaw! Maghanda ka na at sisiguraduhin kong hindi lang pangalan mo ang makikilala kong ugok ka! Pati lahat lahat ng pakay mo sa mga kaibigan ko. Barkada ko pa talaga ang tinarget mo ha! Babalatan talaga kita ng buhay! Kaya itago mo na sa pinakang malalim na parte mo o di kaya dyan sa bungo mo ang pinakang baho mo, DAHIL MAG-AAWAY TALAGA TAYO SOON. Sisiguraduhin ko yan! Babawian kitang loko ka!!! Ako mag-iinitiation sayo para makasali sa grupo namin nang parehas naman tayong may pakinabang sa isa't isa. "Ganyan ang ginagawa ng Kuya ko pagnaglilinis ng sugat." taas noo kong sagot sa walang buhay na tono. Alam kong kaparehas yun ng mukha ko ngayon—na may murder look. "Band aid mo." pag-abot ko sa kanya. Akala nya siguro ay sasaktan ko sya kaya medyo umiwas pa sya. Talagang lumayo ka sa akin at talagang sasaktan kita. Pero enjoy the moment hanggang naandito pa, ika nga nila. Dahil yan din tiyak ang gagawin mo soon, ang lumayo. Magkukusa kang bwisit ka! "Alright!" halos nagulat ako nang nilahad nya ulit ang namumula nyang kamay. "Here, kindly please put it." bait ah! Ano akala nya, mabilis akong mapaamo? Ano, porque't may sugat sya? Mabilisan kong binuksan ang seal ng band aid at walang ni ano-anong dinikit yun sa may turok nya. "Yan, tapos na." pagpalo ko dito nang hindi ganun kalakas pero tama na para mapaaray ulit sya. Whooo! Hinga lang Jade! Talagang kakainin ako ng galit kong to! Bwisit kasi sya!!! Dapat wala ako dito eh! Sarap igisa nitong si Hilaw nang tuluyan nang mapakinabangan. Nakakainis talaga! Dapat nasa mga kaibigan ko ako ngayon at nasa school. Dapat tahimik ang buhay ko ngayon kung hindi dahil sa kalokohan nya!! "Jade." pagtawag nya ng kaladkarin ko ulit ang upuan ko papalayo. "Are we good?" HA! Talagang sasabog ako dyan sa tanong na yan!!!!!!!!! HAY! Mabilis na tumayo ang mga paa ko sa pagtugon para sa ikakabuti ng marami. "Where are you going, Jade?" sunod na tanong nya. Aba, boy! May buhay ako! Tikom bibig ko 'tong hinarap. Nagmistulang robot ako sa pagkikimkim ng galit na gusto nang sumabog sa katawan ko. "Dyan lang. Sa labas." maigsing tugon ko. Ano susunod ka pa??!! Ha?! Bawal kang tumayo at lumabas dito!!! "Why?" Dun ko na sinukat ang mga tingin nya. "Wala tayong ibang gagawin dito kaya lalabas ako." pagpapaalala ko. Magsasalita pa sana sya pero inunahan ko na sa pagtaas ng kamay ko. "Wag kang mag-alala, dyan lang ako sa labas. Di ako lalabas ng mismong hospital." Kaagad akong tumalikod dahil lubos na pinagmamasdan nya ang mga galaw ko. At dahil sa pride ko, ayaw kong magpabasa. Ngunit, may napagtanto ako kaya humarap ulit ako. "Nagpaalam ako, ha." may pagka-sarcastic yun pero wala akong pake at tinahak na lang ang papalabas. "AH!!!" pag-ubo ko na may halong sigaw. Alam kong nagtinginan ang mga nagulat na tao sa akin dito sa may hallway pero nagderederetsyo lang ako papunta sa banyo. Nang makapasok na ako sa isa ay pinuntahan ko kaagad ang sink at marahas na pinihit ang gripo. Naghilamos ako. Ilang beses kong binasa ng paulit-ulit ang mukha ko. Bwisit sya!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Ano ba talaga ang gusto nya!??? Ayaw magkipagnormalan ng Hilaw na yun! Ano kayang balak nya?! Sabagay, ano bang ineexpect ko? Wala naman talagang gagawing matino yun. Simula pa lang naman noong una, diba? Wala na syang tamang rason kung bakit sya nagpakita sa resto kaya for sure gagawin lang nya akong duff para makuha ang gusto nya sa mga kaibigan ko. Gagawin lang pala akong daan. Hay, naku! Ang tanga mo talaga, Jade!!! Natikom ang bibig dun ni Geo. "Okay, it's all up to you, Jade. Just make sure, you know who you're going with. Let's go guys." pagyaya nya sa mga kabarkada nya na hindi umimik at tanging binibigyan lang ako ng mga tingin---tingin na may halong loko. Ngayon alam ko na kung bakit nya sinabi yun. Siguro alam na nyang mas may malaking pahamak ang pagsama ko kay Hilaw. Dapat pala naniwala na lang ako sa kanya. Dapat ngang kinikilala ko yung sinasamahan ko. Same school sila kaya siguro kilala nila ang reputasyon ng isa't isa. Dun palang pala sa simpleng sinabi nya, dapat binigyan ko na nangkahulugan. Dapat pala nagdobleng ingat ako kay Hilaw at naging hindi kampante. Bwisit kasing Hilaw yun. Maghahanap lang ng love life nang gagamit pa ng tao. Pero sino kaya sa barkada ko ang gusto nya? Tsk', wala naman talaga akong problema kung sana ginawa nya ng malinis o di kaya di na nya ako sinali, at nagsabi na lang kung sino yung gusto nya. Wala sanang problema ngay--- "Oo nga no." pagkausap ko sa sarili ko at tinignan ang basa kong imahe sa salamin. Pwede ko naman syang tulungan, magiging friends pa kami, if---IF magiging puro ang intensyon nya sa kung sino man ang gusto nya sa barkada ko. Oo, pwede yun. Magiging tiga pagitan na lang ako sa kanila para magkakilala sila. "Right." pagtango ko ng may determination. Wala namang masama dun. Malay mo loner lang pala si Hilaw. Sabagay, hindi sya nagtatagalog kaya baka yun din ang dahilan kung bakit sya naiilang makipagkaibigan. Tama! Kumalma ako sa conclusion na nabuo sa utak ko. Hay~ ano bang inaarte ko dito? Dapat nga maging masaya ako dahil ako ang magbibigay ng connection sa barkada ko. Kailangan ko nga lang sigurong bantayan si Hilaw at balaan para hindi sya magbasta-basta sa kabarkada ko. Paniguradong mawe-weirduhan nyong mga yun. Ako pa nga lang, di na sya umobra. Sa kanila pa kaya? Mga judgemental pa naman yung mga yun. Siguro i-guide ko na lang sya papasok sa loob group of friends namin at sa diskarte. Buti at single ako. Naging way ko kasi yun para makita ko lahat ang mga type nila. Sige! Patulan ko na para naman may makakita rin ako ng happy ending! I'll be your cupid, Hilaw. Moody na kung moody, pero masaya akong nagpasok pabalik sa kwarto ni Hilaw. Nagsasarado pa lang ako ng pinto nang may tumawag sa akin. "Jade." walang nagbago sa puwesto nya. Mga 15 minutes lang akong nawala kaya alam ko kung ano yung iniwan ko dito ay ganun pa rin, at walang nagbago. Ngumiti ako dito. "Bakit?" paglapit ko sa may higaan ko dito sa tabi. Matalim nyang tinignan ang bawat galaw ko. "So you calmed down?" Matalas ang dulo ng tono nya kaya napatingin ako sa kanya nang makaupo na ako sa pwesto ko at pinulot ang bag para may maayos naman ako. "Yeah." "That's great." sarcastic yun. "Now, can we talked about it?" "Alin?" pagmaang-maangan ko. "Wala naman yun. Ako lang talaga." at muli kong hinalungkat ang bag ko para makakuha ng notebook at makapagbasa sana ng lectures. "Stop that." madiin nyang saad kaya nabitawan ko ang kapit ko at tinignan sya ng matalim. "That's very unfair, Jade. I let you calmed down in your own way. Now, let me calm down in my own way." pagpukaw nya sa buong attensyon ko kaya minabuti kong binaba ang kapit kong bag. "Let's talk about it." "Okay." simpleng sagot ko. "Ano bang gusto mong malaman?" Tinuro nya ang sarili nya. "I'll ask questions, you answer them." pagturo nya sa akin. Ayos ah! Laging nasa kanya ang mga condition. Tsk', ang linaw talagang hindi kami pwedeng maging magkavibes nito. Magkabaliktad talaga kami. Lahat ng nakakakilala sa akin alam na hindi ako nakikipagsabayan sa mga gantong usapan. Lalo na sa mga sigawan, kaya ang pagkatahimik ko ngayon ay sign na halatang pinagbibigyan ko lang sya. Aminado akong, oo dati. Mabilis nyang natritrigger ang pagsigaw ko, pero malakas lang talaga ang boses ko. At tsaka, hindi nga kasi ako sanay ng may pumapatol sa akin kaya minsan natri-thrillan ako. Okay lang naman, ang minsan. Tama, minsan. Kaya ngayong alam ko na ang gusto nya, pwede na akong makipagpormalan. Pwede ko na rin ipakita kong ano ang pwedeng kaayawan sa akin. Hindi naman ako plastik eh, sadyang di lang komportable sa mga bagong kakilala. Nakamoved out na rin sya sa stalker stage. Okay na ako dun. "Okay." wala na naman akong magagawa kaya sige na para daw kumalma sya. "Why sudden outrage?" kunot noong tanong nya. "May naisip lang." mabilis kong sagot. Mas tumalas ang tingin nya sa akin. "Tell me." kita ko ang paghinga nya ng malalim. Ano sya judge sa korte kung makahingi ng katunayan? Napaliwas ako ng tingin. "Okay. Narealized ko lang na pwede pala tayo maging magkaibigan pero ang tigas ng ulo mo, kaya nainis ako kanina." pagsabi ko ng totoo. Partly, pero hindi lahat. "Is that it?" pagsusuri nya sa akin kaya napatango ako. "I thought I already cleared that. I told you, I don't wanna be frie---" "Alam ko, kaya nga dapat itigil mo." pagputol ko sa kanya. "We're good, Hilaw. Wag lang haluan ng mga yan, katulad ng mga sinasabi mo. Hindi maganda yung machansing, lalo na't kakakilala palang natin. Medyo sagabal kasi yun sa pagiging close natin." "But aren't we okay now? I thought knowing each other would clear off the awkwardness between us." nagtatakang tanong nya. Mukha syang nawawalang bata, halatang di nya naiintindihan yung mga nangyayari. Naku, Hilaw, kung alam mo lang. Yan din ang mukha ko all this time sa pangangapa ko ng mga dahilan mo. But now, I'm one step ahead dahil alam ko na ang ibang plano mo ngayon. "Oo naman." pagsagot ko. "Pero pwede naman tayong magnormalan. Alam mo yun, pwede tayong maging magkaib----" "Yeah, we could restart. Is that what you want?" pagputol naman nya ngayon sa akin. Naitikom ko ang bibig ko bago nagtango. "Okay, you can do what you want. But can you please remove whatever you assumed about me? I know I have bad impressions, since we don't have a formal introduction." "Okay." tutal sa kanya naman lagi nang gagaling ang mga conditions kaya wala na rin akong magagawa. "Tatanggalin ko lahat yan. At kung gusto mo wala namang magbabago, pwede pa rin tayong maging close. Yung mag-usap ng ganto? Pwede naman. Pero sana maging pure yung pakikisama natin sa isa't isa." malinaw kong pag-eexplain sa part ko. Natawa naman sya. "Pure? Didn't I mentioned that don't think bad about me?" Loko talaga to, gusto pa talaga akong baliktarin. Nawala din dun ang pagkaseryoso ko. "Wala akong sinabi. Yan lang yung part ko." habol ko. "Okay, are we good now?" paglilinaw nya. "Restart?" paglahad nya ng kamay. Napalapit ako dun. Tsk', lagi talaga sya ang magkocondition. "Restart." Tinanggap ko ang kamay nya, ngunit nagulat ako sa paghatak nya sa akin. Akala ko tuluyan akong matutumba sa kanya, ngunit may mainit na kamay ang sumalo sa may bewang ko at dun pumulupot. Mas kinabig pa ako nito. Naramdaman ko ang mainit nyang hininga sa may tenga ko. "I believed we're not friends, let's stay with unknown label." naramdaman ko ang pagdiin ng mga daliri nyang nakapit sa akin at ngumiti sa may pisngi ko. "I'll be bad for good, so it won't be an impression but will be in your expectation. Okay?" pag-uga nya ng konti sa akin. Mukhang na-gets nya ata ang plano ko. Reverse? Okay, ayaw nya na maging magkaibigan. Okay naman kaming maging magkaaway. Sige, magsimula tayo sa ayaw natin. Geh, pilosopohin mo at panindigan ang lahat ng kasamaan mo para wala na talaga akong i-expect na mabuti sayo. Mas madali yun. Challenging, oo, pero nakakabahala kung bakit ayaw nya talagang magi kaming magkaibigan? "Okay." medyo lumayo ako dito. "I hope wala ka ring i-expect sa akin. Hindi tayo magkaibigan, kaya imposibleng maging mabait ako sayo." Napangisi na lang ako ng medyo kumunot ang noo nya sa pagpisil ko sa likod ng band aid na nilagay ko kanina. "Nice to meet you." pagdiin ko pa. At katulad ng binigay ko sa kanya ay ngumisi din sya. "Right, but that's not how I greet." at mabilis nyang nilapit ang mukha sa akin, hinalikan nya ako sa may pisngi. "This for sure will be on your expectation." Nagpatindig ng balahibo ko ang pagdampi ng hininga at labi nya dun, na ngayon ay hindi na tuluyang lumalapat. Pero nagsisilbing isang malaking babala para maalarma ako. Delekado talaga sya. Mamalasin talaga ako sa lalaking to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD