Single’s Drama: Her Weakness

2503 Words
Jade's POV "Ano, iho? Are you okay na ba? Ang laki ng smile mo today, ah." panunukso ni Ate Nurse. Tinutoo nya yung sinabi nya na maghahatid sya ng gamot. Buti na lang talaga at hindi kami naabutang kumakain kanina. Bali yung rules nila sa dinala kong ulam at kanin. Dapat daw kasi sabaw lang. "Haha, yeah." mahinang pagtawa dun ni Hilaw bago nakangiting tumungo. Malisyoso tuloy akong tinginan ni Ate Nurse ng may nakakalokong ngiti. "I did have a good morning today, and probably will have a good day too." dagdag pa nya. Lumawak pa lalo ang ngiti ni Ate Nurse. "Kitang kita ko nga eh. Masarap ba ang umagahan mo?" pagtatanong nya. Obvious na gusto nyang alamin ang response ko sa deal namin. "Yeah." simpleng sagot ni Hilaw at lumingon sa akin. "My girlfriend cooked for me." Nakaupo kasi ako dito malapit sa kama nya at dahil sa nakacrossed armed akong nagmamasid sa kanila ay napahigpit yun, kaya napatigil ako ng isang segundo sa paghinga. Wag ganyan Hilaw. Parehas tayong laglag dyan pagnalaman nya yung niluto k——teka! Paano nya nalaman niluto ko yun???! Baka mamaya alam din nyang si Weng ang nagbalot nun??!! Don't tell me naandun din sya nung naluluto ako at nakikipagkwentuhan???!! "Oh, kaya naman pala." pagsulyap ulit sa akin ni Ate Nurse at binigyan ulit ako ng nakakalokong ngiti. "Ang swerte mo naman iho. Ang bait pala ng girlfriend mo." Ate ha!!! Di na kailangan ng ganyan! Sumusunod naman ako kahit walang puri! At tsaka, mabait talaga ako, kaya nga ako naandito, diba? "I know." pagtingin ni Hilaw sa kabuoan ko. Kung makangiti naman akala mo ang ganda ng nakuha nya. Napairap na lang ako. "Bulag." bulong ko. "Haha, osya, alis muna ako." pagliligpit ni Ate at tinangay ang cart na dala nya. "Babalik ako mamaya para kuhaan ka ng dugo ha." Dugo??? Okay, no big deal. Pagkibit-balikat ko. "Sige po." pagsagot ko dito. Hinatid ko sya sa may pinto bago ko hinarap ang pakay. "Oi, Hilaw." pag-upo ko ulit sa pwesto ko kanina. "Kukunan ka daw ng dugo. Okay ka lang ba dun?" "Yeah." mahinang sagot nya. Nawala ang ngiti sa mata nya at parang nag-aalala. Naku! Takot pa ata!!! Wag kang mag-alala Hilaw, sasamahan kita. Desidido kong tinignan sya. Malakas ang loob kong nakipagbiruan sa kanya habang nag-iintay kami ng oras. Kaso nung dumating na ulit si Ate Nurse parang nawala lahat ang inipon kong good mood. Dapat pala sa sarili ko ang tinanong yung tanong ko sa kanya kanina. "Hilaw." mahinang daing ko dito. "Tuturukan ka na." at nag-aalalang tinignan si Ate na inaayos pa lang ang mga gamit. Chill Jade!!! Naku! Hindi!!!! Malapit na, kunting minuto na lang! ATE WAG KANG MATATAPOS! MAG-AYOS KA LANG DYAN! "Hala, Hilaw." madiin kong kapit sa braso nito at sinalubong ang tingin nya. Nakakaawa nya akong tinignan. Grabe, pati sya takot din. "Ayos lang yan." pagsusumamo ko dito. "Jade, I'll be fine." hinimas nya ang ulo ko. "Don't worry." Kunot-noo ko 'tong tinignan. Huh? Baka don't worry nya sarili nya. Hindi kaya ako yung tuturukan. Siguro nanghihingi sya ngayon ng lakas ng loob. Tinanguan ko sya. "Hilaw, kagat lang yan ng langgam." Alam kong useless yun dahil yun din ang sinabi sa akin noon ni Kuya Mike. Part timer pa lang sya noon sa resto namin, highschool sya at elementary naman ako. Parehas pa kami ng school noon kaya pinasamahan ako ni Papa sa kanya para sa vaccine injection. Tandang tanda ko talaga yun, sinabi din nya sa akin yung mga katagang yun pero nang maturukan na ako, talagang hindi ko ineexpect na HINDI YUN KAGAT LANG NG LANGGAM!!! Isang masakit na KUROT ang naramdaman ko nun, sobrang hapdi at namaga yun nung kinabukasan! Grabe talaga!!!!! Hindi ko pa rin makakalimutan yang nangungurot na langgam na yun!! Ngumiti to sa akin. "Jade, calm down." pagsapo ng isa nyang kamay sa mukha ko. Mabilis ko namang binaba yun at nilapat ulit sa kama. "Wag, Hilaw. Tuturukan ka dyan kaya wag mong galaw-galawin yan. Baka di dumaloy ng maganda yung dugo mo at magkapasa ka pagkatapos." pag-eexplain ko sa kanya. Naranasan ko to kaya gagawin ko ang pagpapayong walang nagbigay sa akin noong panahong pinakang kailangan ko yun. Kung alam ko lang ang gagawin noon, edi sana nagabayan ko rin ang sarili ko nung nagkaganyan din ako. "Wag ka nang makulit. Inhale, exale." pinakita ko kung paano huminga ng hangin. Sinenyasan ko sya na gayahin. May ngiti sa mga labi nyang di maitago. Napatitig ako dun. Tsk', okay lang yan! Kunting yabang, okay lang! Ganyan din ako dati noong hindi ko pa alam yung turok-turok na yan. Sige, wag lang syang iiyak sa akin mamaya. Pero okay lang, hindi ako umiyak noon kaya tanggap ko pa rin kung gagawin nya. Baka kasi di nya kayanin. "Jade, it's fine." pagkapit nya sa akin gamit ng kamay na kapit ko. "Do you wanna take some fresh air outside?" nag-aalala nyang tanong. Mabilis kong inilingan yun. "Hindi, dito lang ako. Ako kasama mo kaya sasamahan kita." mahigpit kong kinapitan ang kamay nya. Dumapo naman ulit ang isa nyang kamay sa mukha ko at dahan-dahang hinaplos yun. "You cute little thing." -_- Akala ko, you poor little thing. Ganun kasi ang mayayaman, diba? Gago lang. Siya na nga yung tinutulungan at pinapalakas ang loob, sya pa 'tong ganyan. Bakit ba laging sa akin binabaling ang topic?!!! Sya kaya 'tong tuturukan!!! Kahit naman tinutulungan ko sya, gising pa rin naman ako sa reyalidad. Akala nya siguro machachansingan nya ako. "Hahaha, mukhang mas takot pa yata yung girlfriend mo, iho." pagtawa ni Ate Nurse bago hiningi ang kamay ni Hilaw at tinignan ako. "Iha, okay lang yan. Hindi naman ikaw ang tuturukan. Hahahah, mabilis lang to." Ayan na nga!!!! Magsisimula na! Mabilis kong binalingan si Hilaw. Sinalubong nya ng may ngiting hindi sigurado ang mga mata ko. Tila ba sinusuri nya ang expresyon ko, ngunit parang tinitignan nya ako ng tagusan sa kayang makita ng mga mata. Parang kinikilala nya ako sa pamamagitan nun at inaabot ang pinakang tinatagong takot ko. Nagiging kalmad—— "Simulan ko na ha." pagpapaalala ni Ate.  Hindi, hindi ako pwedeng maging kalmado nito!!! Sa di malamang dahilan ay napatayo ako at kinapitan ang kamay na tuturukan nya dapat. "Ate, wag!!! Masasaktan sya!" pikit mata kong pagtaklob sa pulsuhan ni Hilaw. "Hindi langgam yan!" "Naku," gitlang saad ni Ate at nilayo ang pangturok bago tumawa ng malakas. "Hahahaha, hala, iho! Dapat pala pakalmahin mo muna yung girlfriend mo! Hahaha." ANO, AKO!???? Ba-bakit——Nakakahiya!!!! Napaupo tuloy ako.  "Hilaw~" pagdaing ko dito at binaon ang ulo sa braso nyang kapit ko. Medyo namamadyak na rin ang isa kong paa. Involuntary yun, isang natural na reaction dahil sa hiya at dahil na rin sa pangyayaring nagaganap. "Jade, Jade." mahinang pagtawag niya kaya medyo sumilip ako. "Wanna take a breath outside?" malumanay na tingin nya sa akin. Grabe, ang gwapo nya!!! Yan na lang ang pansinin mo, Jade!!! Lokohin mo na sarili mo para di mo mapansin yung gagawin ni Ate. Kundi, mapapahiya mo lang ulit nyang sarili mo!!! "Ayaw ko." manihang pag-iling ko at muling tinago ang mukha sa pagkaka-obob. "Geh, teh, go na." pagsinyas ko sa kanila nang hindi sila nililingon. "Hahahaha, ang cute ng girlfriend mo, iho. Wag kang mag-alala, iha. Bibilisan ko. Tsaka, hindi ko naman sasaktan jowa mo. Hahaha." muling pagtawa nya. "Ikaw lang ang makakagawa nun, diba iho?" Ano yun, lyrics? Kung sinong mahal mo, sya lang ang pwedeng makasakit sayo? Hindi ata lahat ganun. Iba na pagphysical kong sinaktan ang nagsabi nun. "Of course." mahinang tugon ni Hilaw at pasimpleng ginalaw ang hinlalaki nya kaya tumama yun sa pisngi ko. Nang nilingon ko sya ay wala akong nakitang takot o sakit sa itsura nya. Malumanay pa rin syang nakangiti at tanging nakatingin lang sa akin na parang walang ginagawang kung ano sa kanya. His thumb keeps on brushing sa pisngi ko tila parang pinapakalma ako nun. Ngunit, mas pinapaalala nya ang dahilan ng pagbilis ng puso ko. "Masakit?" mahinang pagtatanong ko at para malaman ang sagot ay kusang nilingon ko si Ate na tinuturukan na sya. "Aisssh." di ko kinaya. Retreat! Mabilis kong iniwas ang tingin ko bago sinilip ng paunti-unti ulit. "Shh, it's not, Jade." pagsagot nya. Ay, e-eh, sa pagkakatingin ko ay masakit. Naku! Nakalubog na yung karayom. Paano kung naputol yun? Edi nasa loob nya yun pupunta????!!!! My Gosh! Wag ganyan Jade! Be strong, matatapos din yan! "Oh, ganto lang yun, iha." pagpapakita ni Ate at tsaka pinalitan yung parang capsule na lalagyanan ng dugo. "Oh, tapos isa pa." Grabe, Ate! Gano ba kadaming dugo ang kailangan nyo?!?! Bakit ang dami nan?! Kitang putla pa 'tong kasama ko tapos i-vavampirang galawan nyo pa dito! Ano na lang matitira sa kanya?!!! Buto?! "Okay lang yan." paghaplos ko sa balikat ni Hilaw. Baka kasi tinitiis lang nya ang sakit. Papa ko nga eh, nag-iiyak, sya pa kaya. "Matatapos din yan." Medyo natawa sya sa ginawa ko pero nang lingunin nya ako ay may pekeng sakit na nakasulat sa mukha nya. "I know, thanks for being here." ngunit sumablay ang pagtatago nya nang sumilay ang mga ngipin nya sa pagngiti. Tamo to, ang peke talaga. Bahala syang mag-iiyak sa loob nya. "Oh, tapos na." pagtayo ni Ate. "Ganun lang kadali. Tamo di nyo na napansin dahil sa sobrang kainlove-an nyo. Hahaha, bagay na bagay kayo." pagturo nya pa sa amin. Dumikit ang malagkit kong tingin sa kanya. Wala na ang mga karayom at may bulak na rin ang pulsuhan ni Hilaw. Isang malaking bigat sa dibdib ko ang nawala dahil dun. Hay~ buti naman success at tapos na. Pero bagay, ano yun? Kakatapos lang ng problema tapos pag-iisipin pa ulit ako ni Ate. Aba, parang gusto na talaga nya kaming umuwi ah. "Sige, aalis na ako." sinundan ng mata ko ang pagsara ni Ate Nurse ng pinto at dahil sa tunog na ginawa nun ay kaagad bumalik sa pagkaderetsyo ang aking utak. Okay, pwede ng huminga. Inhale, exhale. Kalma na, Jade. Dun ko lang napansin ang init sa kamay ko, pawisan pala yun. Kukunin ko na sana para punasan nang may bumawi dun. Tumaas ang kilay ko sa kamay na nakasaklob dun. Kay Hilaw na kamay. Chansing na naman.  Mukhang hindi lang ako ang bumalik sa dating sarili, at mukhang pati si Hilaw ay balik loob na rin sa pagiging loko nya. "Why? You don't like it now?" natatawang tanong nya dahil sa binigay kong reaction dito. Talagang inemphasized pa nya yung now. "You seemed to like it earlier. You even gave me light kisses on them." Ha? Nanglaki ang mata ko dun. Light kisses???? Ano daw?! "Oi, magtigil ka nga!" suway ko dito. "Di ko gagawin yun." Di ako ganun kachansing! Sya lang!!! "I thought we improve on holding hands now." nakakalokong saad nito at mas hinigpitan pa nya ang kapit sa kamay ko. Pinanlakihan ko sya ng mata. "Magtigil ka nga." paghiwalay ko pero ayaw nyang bitawan kaya mas naging aggressive ako. "Aba, Hilaw! Kilabutan ka nga sa ginagawa mo!" masama ko syang tinignan. "Bitaw." Ngunit tinawanan lang nya ako. "Haha, for now? Okay." Akala ko bibitawan na nya ako pero nagulat ako sa paghatak nya, nagkatinginan kami. "But next time, it'll be hard to. And for soon enough, I might can't never. So for now, I'll let your hand go." Dahil dun, naging malalim ang tinginan namin. Wala akong masabi, natuyo ang lalamunan ko. Di ko na lang namalayang natangay na pala ako ng mga brown nyang mata. Tila buhay na buhay ang mga yun sa pagkakatitig sa akin at dahil dun, alam kong hindi pangako o isang basta-bastang binitawang salita ang sinabi nya. Alam kong hindi na rin basta kamay ko lang ang pinag-uusapan ngayon. Malinaw na tumutukoy yun sa pwedeng mangyayari sa future, na di namin parehong pwedeng mapipigilan. Malalim 'tong isang to. Yun lang ang masasabi ko. "Ang drama mo." at tinulak ko ang buong mukha nya gamit ng kamay. Tinawanan lang nya muli yun ng malakas. "Hahaha, Jade, I thought you'll be kind! I just got my blood drawn." madramang saad nito. Natural, kung hindi sya magbibiro magiging awkward kami. Yun lang naman ang paraan nya para di kami magkahiyaan tuwing gumaganyan sya. Bakit ba kasi kailangan pa nya yung sabihin? Ang ewan lang. "Magtigil ka nga!" tinulak ko ang sarili papatalikod para gumulong ang upuan ko papalayo sa kanya. Nagstretch muna ako ng mga binti. "Alam mo, di pa nga tayo pormal na nagpapakilala sa isa't isa tapos gumaganyan ka na naman." weirdo ko syang tinignan. Ginantihan nya ako gamit ng pagngisi. Ayan na naman yang side nyang yan. Loko-loko talaga. "You know I don't want us to be friends, right?" pagtataas nya ng kilay. May naglalarong pagkapilyo sa ngiti nya. Ayan na naman po tayo. Running in circles, no? Gusto kong makipagkaibigan, ayaw naman nya. Gusto kong magpakilala pero iba ang paraan nya. Gusto ko ng normalan, gusto naman nya ng abnormalan. Gusto ko basic building ng interaction sa kanya katulad nang kung paano talaga mangilala ng ibang tao. Samantalang, siya, ang gusto tawid bakod kaagad sa mga personal space namin at sari-sariling buhay. Sa madaling salita, deretsyo sa kung saan nya gusto, which is sa di pangkaraniwan. Kung baga parang nangtritrip lang at di seryoso. Sa sarili kong interpretation, kaya hindi ko alam kung dapat ko bang seryosohin ang mga sinasabi nya. Don't wanna be friends, huh? "Paano mo naman gagawin yan?" paghahamon ko. Gusto ko lang alamin kung ano ang plano nya. Kung magpapatuloy kasi syang ganyan, baka maghinala na naman ako soon. "Of course, by your way." maangas nyang sagot. Kita ko ang confidence sa kanya kahit hindi sabihin, at di rin mapapagkailang alam nya kung paano gamitin yun. Oo gwapo, di na matatanggi yan. Kaso di sya yung tipo ng lalaki na gusto ko. Yung totoo, mas gusto ko yung mga lalaking tahimik pero matatalino at may angas ng konti. At sa totoo lang, di ako naniniwala na nanliligaw nga sya sa akin. Sabihin na nating sya o kahit sinong gwapo, feeling ko hindi pa rin ako maniniwala. Wala rin kasi akong tiwala sa mukha ko, aminado naman akong simple at hindi din ganun kagandahan. Halata naman sa group of friends ko, diba? Ako lang ang walang jowa, dahil tama nga si Geo, last pick ako. Mas una silang pwedeng pansinin kesa sa akin. Hmmm--huh? Malalim kong sinuri si Hilaw. Di kaya ginagawa nya lang to dahil may gusto sya sa kaibigan ko??? Duff ba ako para sa kanya?!!! Nakakatawa at ayaw magpapigil ng utak ko sa ideyang yun. Sabagay, hindi ko na masisisi ang utak ko kung panay ganto ba naman si Hilaw. Hay! Ganto nga siguro ang parte ko sa kwentong to. Akala ko akin, yun pala tiga-sulat lang ako. Nakakatawa. "My way." pag-ulit ko sa sinabi nya nang hindi pinuputol ang seryosong tinginan namin, bago tumango. Napatingin ako sa iba para ngumiti. "Okay!" masayang saad ko at muli syang tinignan. "Ano bang pangalan mo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD