Jade's POV
Nginitian ko sya. "Morning." mahinang bati ko.
Mainit na umiihip ang paghinga ko sa pisngi nya. Tila isang sirkular na bumabalik yun sa akin dahil sa lapit namin. Ramdam ko din ang pagtigil ng hinga nya. Tanging nakatingin lang sya sa akin sa gilid ng mga mata. Nilingon nya ako subalit dahil sa pagdampi ng ilong nya sa pisngi ko, at labi ko sa pisngi nya, ay tumigil sya half way.
"Jade." nagmala tunog babala yun. Alam kong sa kabila ng pagkapoker face nya ay nabigla sya sa ginawa ko, na nakatago lang lahat sa likod ng mga tingin nya. May something tuloy na ngumiti sa kaloob-looban ko.
Sus! Ayaw pa umilag, sya rin pala hindi rin komportable. Sya 'tong nagda-da moves pa, hindi rin naman pala kayang panindigan. Hahahaha.
Ikakahiya ko pa sana ang ginawa ko dahil sa akalang nag-over the bakod ako sa personal space nya, pero dahil sa reaksyon nya, parang sulit naman pala.
Hahahaha. I feel like nasa upper hand ako. Feeling ko sya naman ngayon ang pwede kong pagtripan.
Yes! Makakaganti rin.
"Oh, bakit? Mabaho ba hininga ko?" paglapit ko pa lalo dito. Hindi ko talaga maitago ang ngiti ko dahil mas lalong lumitaw ang pagka-ilang nya.
"Ah-no." napatid ang hininga nya bago umiling ng dahan-dahan, sinisigurado nyang hindi lalapat ang pisngi nya sa akin. "Uh-mmm, do you need something, Jade?" pagsilip nya muli sa akin.
Hahaha, hindi makagalaw ang loko. Buti na lang at nakaligo na ako kanina nung umuwi ako. Biruin mo yun, may face to face palang mangyayari. Buti nakapag-tooth brush na ako.
"Wala naman." lumawak ang ngiti ko. Lumayo naman sya sa muling paglapit ko. "Bakit nalayo ka? Good morning oh." at ngumuso pa akong lumalapit sa kanya. Di nya siguradong kinapitan ang balikat ko para pigilan ako. Hahaha.
"Ye-ah, go-good morning." hilaw nyang saad habang nakangiwing nakatingin sa labi ko. "I-I, can I have my personal space, please?"
Hahaha, takot na takot lang? Ganto ka pala ha, Hilaw! May pang laban na rin ako!!!!
"May space ka pa naman ah. Tsaka, akala ko ba close tayo? Anong nangyari?" pagnguso ko sa pekeng malungkot na expresyon.
Muli nyang sinundan ng tingin ang bawat galaw ng bibig ko sa pag-imik. "Ye-ah, we-'re close but, ah-, umm, this." pagturo nya sa gahiblang pagitan namin. "Is what I meant, it's too close."
Maang-maangan ko yung tinignan. "Oh, may problema ba? Ayaw mo ng kiss?" pagtutunog bata kong pag-iinarte. Wala eh, masarap mangasar.
Umawang ang labi nya bilang pagsagot ngunit wala dun lumabas na boses. Umiling na lang sya.
"Ayaw mo?" pag-ulit ko at mas lumapit pa. Katunayan nga nan nakadikit na ang bewang ko sa metal na gilid ng kama nya. Nakatuon na rin ang dalawa kong kamay para sa suporta.
Sa sobrang lapit namin ay kitang kita ko ang pagkainis nya nang madiin syang napapikit bago sinalubong ang tingin ko.
"Jade, do you really want me to?" walang pikit nyang saad. Hala, bakit naging seryoso to bigla?
Ano ba Jade, yes or no? Yan kasi, ang lakas ng loob mo, diba? Gumanyan-ganyan ka pa, eh alam mo namang halang ang bituka ng kausap mo at kayang baligtarin ang pangyayari. Ikaw pagtritripan nan! Ano, susugal ka? Ikaw kasi! Panindigan mo na din, naandyan ka na naman!!!
Napalunok ako. "Pwede naman, kaya sulitin mo na at good mood ako ngayon. Mamaya mawawala na yan." paghahamon ko.
Tumaas ang kilay nya bago sumilay ang ngiti. "Are you sure?"
Anong ningingisi nya dyan? Mapang-abuso.
Aba, hindi lang pala ako ang naghahamon. Lakas nya ha at ayaw talagang magpatalo. Ang yabang lang.
"Umm." pag-oo ko. Bring it on Hilaw. Hindi ako uurong sayo. Kahit awkwardness di mo makikita. "Oh." pagturo ko sa may pisngi ko. Come on, palakasan tayo ngayon ng loob.
"Alright, better take a once in a while offer." pagbulong nya.
Lakas loob kong pinantayan ang tingin nya. Tinaas nya ang kamay para kapitan ang baba ko. Malamig yun ngunit may mainit na connection ang dumaloy mula dun. Nakakabigla at hindi ko alam kung ako lang ang nakakaramdam nun, pero ang panandalian ding pagkabigla na lumipas sa mukha nya, ang nagpaalam sa akin na di lang ako ang nakaramdam nun.
Naramdaman din kaya nya?
May ngiti pang sumilip sya sa akin na para bang chine-check ako kung okay ba talaga ako sa ginagawa nya.
Hinayaan ko lang sya at sinulit naman nya yun para ibaling ang mukha ko paparahap. Nagtama ang paghinga namin at nagtitigan.
Ano to, amuyan ng hininga? Aba, kagigising palang namin. Pabahuan ba? Angas nito ah. Sana pala hindi ako nagtooth brush simula kahapon.
Naibalik na lang ako sa reyalidad nang may mainit na lumapat sa pisngi ko. Nahugot ko ang paghinga ko.
Nasa gilid ko sya at panandalian akong hinalikan sa may pisngi. Gusto ko sanang lumunok pero ayaw kong mahalata nya ang epekto nya sa akin. Ramdam na ramdam ko kasi ang mainit nyang paghinga dun. Tumigil sya ngunit nakadikit pa rin ang tungkil ng ilong nya sa pisngi ko. Dahan-dahan at maingat na kumukuskos yun--na sinasadya nya.
Hindi ko alam kung dahil sa lakas ba ng t***k ng puso ko kaya't medyo umuuga ako ngayon o sadyang gumagalaw sya. Parang nanglalambing kasi ang galaw nya. Parang nang-aamo, parang dinadama.
"A good morning indeed, Jade." mababang saad nya at mas pinagpatuloy pa ang ginagawa. Naramdam ko din ang ngiti nya sa paglapat nun sa pisngi ko.
Palihim akong napalunok. Nang-iinit ngayon ang pisngi ko. May naiiwan ding kakaibang pakiramdam dun na hindi nawawala. Mas lumakas ang t***k ng puso ko.
Ano, okay na ba? Ang drama naman nya.
"Okay na?" pagharap ko sa kanya. Tumupi kaagad ang lakas ng loob ko nang nasalubong ko nang KAMUNTIKAN ang mga labi nya.
Buti na lang talaga at mukhang mabilis na nagising ang diwa nya at nahatak nya kaagad ang batok ko upang maidiin ako sa pisngi nya sahalip na sa---ehm, sa dapat iwasan.
"A-h, good mor—ning d-ehnn." naputol yun dahil nakabaon ang labi ko sa pisingi nya. Halos huminga na mismo ako sa balat nya.
Ano ba yan!!!!?! Ano to, balikan lang? Puro beso-beso ba?
"Yeah," pagbitaw nya sa akin. At dahil makapal ang apog ko ay di ko pa rin pinutol ang tinginan namin kahit na medyo awkward yung nangyari. Pero malabong maramdaman ko yun. Lahat ata ng mga Kuya ko sa resto naganto ko na dati.
Beso-beso lang pala eh. Ganto din nung highschool ako at miski hanggang ngayon meron pa rin. Ang pinagkaiba nga lang, pinipilit kong i-apply lahat yung rason na yun kay Hilaw para di ako kabaduhan, ang labo kasi ng lahat. Sa iba okay naman, walang malisya. Sa kanya parang ano, parang—ah basta! MARAMING MALISYA! Makahulugan, ganun. Hindi normal. At higit sa lahat, kabado ako kahit wala naman dapat ikakaba!!!
Normal lang naman yung ginawa ko, diba? Noong bata din ak---wala pala akong mga tito at tita para gawin yung mga yun. Tsaka, mahiyain nga pala ako.
Tsk! Ah basta, normal to! Oo, ganun nga. Tsaka, good vibes lang Jade!!!! Ito yung sabi ni Weng! Yup!! Yup! Bawe lang! Tama, yun lang yun. Keep it on the good mood hanggang matapos yung araw para bayad ka na dun sa 7 hours waiting nya kahapon.
Huminga ako ng malalim at ngumiti. "Kamusta ang pakiradam mo? Okay lang?" magtatanong na lang ako para takluban ang hiya. Pilit ko pa ring binabalik ang normal na paghinga, kahit yung totoo, namumula na siguro ako ngayon.
Tumango naman sya bago tumawa ng konti. "Yeah." mahangin nyang saad.
"Hay~" kapos hiningang napatingin ako sa malayo. Hindi ako makakasurvive kung ganyan sya. Idagdag pa na nandyan na naman yung bedroom voice nya.
"Haha, you shouldn't ask for it, Jade." mahinang pagtaawa nya. Tinatawanan nya ako?!
Anong akala nya, kaya nyang i-reverse ang plano ko? Pwes, hindi papayag ang pride ko!
Beso lang yun, hindi halik. Walang halong kahit ano. Tama! Yun lang yun!
Patay malisya kong nilingon yun. "Ang alin?"
"That." pagturo nya sa akin at sa pisngi nya. "That'll be very uncomfortable for you."
Nagtaka ako dahil sa tunog may kasiguraduhan sya. Pano nya kayang sabihin yan? Eh, di naman nya ako lubos na kilala.
At bakit 'for you lang'? Bakit, normal sa kanya to kaya sya komportable?
"Ha? Hindi ah, okay ako dun." kabaliktarang meaning ko. Pero ewan ko ba, basta ayaw kong isipin nya na kayang kaya nya akong kilalanin. "Ginawa ko lang yun, good mood ako eh. Kaya wag mo nang tanungin, baka mabad trip pa ako." pag-iwas ko ng tingin.
Oo, ba-bad tripin lang ako nan. Di ko naman ginagawa yun miski dati eh. Ayaw ko lang talagang sabihin sa kanya na bumabawi lang ako.
Naku Weng!!!! Ano ba yang mga payo mo? Parang kakainin lahat ang pride ko! Ganyan ba talaga humingi ng tawad?!
Akala ko pagtawad meaning dapat less. Eh, bakit parang nagbibigay ako ng sobra-sobra at pati ipon ko para sa sarili nasama na sa pambayad? Ano to? Scam lang? Siguro. Feeling ko lolokohin din ako ng lalaking to soon.
"Are you okay?" pagtanong ng kaharap ko na tinanguan ko. "Then, why are you here?"
Offensive, yun ang rating sa akin ng tanong na yun. Talaga ngang papaasimin ni Hilaw ang mood ko ngayong araw na to. Mukhang bumabawi nga sya ng ganti. Ultimo yung kaninang hamon sa paghalik sinabayan nya kaya malabong papalagpasin nya yang tanong na yan para hindi mangasar. Nagstay na nga, natanong pa.
"Bakit? Ayaw mo ba na naandito ako?" balik na tanong ko.
"No, but I thought since you have classes today, you can't be here. You made that clear yesterday." seryosong saad nya bago pilitang ngumiti. "It's okay Jade, you can go."
Ang kulit naman nito. Kung kelan naman nagdesisyon na ako tsaka pa sya mag-gagaganyan. Dapat kahapon nya yan sinabi o di kaya kanina para nakaderetsyo na ako sa school, kung ayaw nya rin naman pala ako dito.
"Paano kung ayaw ko?" pagganti ko at pinantayan ang mga tingin nya. Subalit, sahalip na magseryoso ay tumungo sya, ngumiti at tumawa ng mahina.
"Jade, I did just accept what happened yesterday." at tsaka to umiling. "Don't get my hopes up."
Juiceko! Di ko na alam kung saan papunta ang usapang to!!! Bakit ganyan sya magsalita?!
Don't get my hopes up???!! Ano yun?! Para saan?!!! May iba pa ba kaming pinag-uusapan. Papasok lang eh, ang dami pang sinasabi.
"Hilaw." babala ko dito. "Hindi love life ang pinag-uusapan natin dito."
Deretsyo naman nya akong tinignan sa mata. "There's no either way, Jade. We're talking about whether you will stay or not. It's the same thing." at malalim akong tinignan na parang may inihahatid na mensahe. "Practically, joke or not, they're just all the same things to me when it comes to you."
Grabe ang makahulugan ng mga sinasabi nya! Pang teleserye lang ang peg! Minsan talaga dederetsyohin ko na sya dyan sa mga sinasabi nya.
Di ko alam kung script writer nga ba talaga 'tong kausap ko o artista na? Ang labo naman kasi. Di ko alam kung atat bang magkajowa to o talagang nagbebenta lang ng sarili. Tsk', anong tingin nya sa akin, easy?
Ang lalim ng mga sinasabi nya talaga, akala mo naman nakakita na ng forever.
"Ewan ko sayo." tumayo na ako at baka maging mala-defense pa ang mangyari. Tinakbuhan ko nga ang school para iwas sakit ng ulo pero di ko naman alam pati pala dito mapapa-isip pa rin ako ng mala pang thesis.
"Basta, I'll stay." madiin kong sabi. "Wala ka ng magagawa dun."
Bahala na sya kung saan nya gustong i-apply yung sagot ko. Joke or not, sya na ang bahala. Buhay ko to kaya gagawin ko ang gusto, at wala akong pake kung ayaw nya ako dito. Hindi rin naman ako magiging pabigat sa kanya dahil kaya ko ang sarili ko.
"Oh." pagbigay ko ng maligamgam na tubig sa kanya. "Kakain na rin tayo mamaya."
Ngayon lang ako makakaranas kumain kasabay sya simula noong na-hospital sya, which is pangatlong araw na nya dito. Katunayan nan puro sabaw lang kami nung nakaraang araw, pero ngayon pwede na daw sya kumain ng medyo mabigat. Yan ang sabi, ahem, ang sabi ko.
Kaya naman inayos ko na yung mga pagkakainan namin.
"Yung seryoso, ano ba talaga ang akala mo kahapon?" rektang tanong ko habang pinapatong sa table nya--sa board na nakadikit sa kama--ang mga pagkain. Kanin at ulam kami ngayon kaya medyo madaming kailangang ipre-prepare.
"I thought you're going to the washroom then will come back. But later on, as you took more time, I thought you did go home to take a shower before coming back here." at umipod naman sya para makaupo ako sa may tabi nya. Nahihirapan kasi akong ayusin yung table, medyo mahirap yun galawin at mabigat.
"Oh, bumalik naman akong ligo ah. Bakit inaway mo pa ako?" pag-ayos ko ng puwesto sa ispasyong binigay nya. "Oh." inangat ko ang kutchara na may pagkain sa harap nya. Tinanggap nya yun.
"Cause you came at 5pm, not on my expectation." mabagal ang naging pagnguya nito. "But it's fine, you always make amends for it. We're good now."
Wow!!!! Buti pa sya kaya nyang sabihin yan! So sya na pala ang magdedecide kung okay kami o hindi, depende sa tantrums nya. Ayos ah!
"Amends? Paano?" sa pagkakatanda ko kahapon puro sigawan kami, as usual.
"Hmmm?" habol kong tingin dito nang hindi sya nagsalita. Kaso ang loko nakatingin na nakatingin sa akin habang nakangiti. Medyo nalaglagan tuloy ako ng kanin sa pagsubo ko.
"Oi, i-tihgil muh nga yan." pagtaklob ko sa bibig ko habang nagsasalita.
Kitang kumakain tapos pagtritripan na naman ako. Boy, ano lang, nuod sine? Napairap na lang ako sa inis. Wala talagang mapapala dito.
"Hahaha, you make amends yesterday. Didn't you said that you rushed to do your assignments to come here? That made the amends." pagkumpirma nya bago nginisian ako. Napatigil tuloy ako sa pagsubo ng pagkain.
"Yun naman pala eh! Bakit may pahug-hug pa?" bwelta ko. Napaka-uncomfortable kasi talaga nun! Kainis to! Daming alam!!!
Pumungay ang mga mata nya dahil dun. "Jade, you were wet from the rain yesterday." at tinapik ang hita ko, dahil parehas kaming naka-ndian sit dito sa kama nya. "I felt bad for throwing tantrums, like what you said."
Kupal to!!!
"Itigil mo yan nang magkaayos tayo, ha? Oh." pagtapat ko ulit ng pagkain sa kanya.
"Don't worry, I'll do better next time so it'll be more than that." pagngiti nya ng determinado.
Tignan mo to. Talagang pangiti-ngiti pa! Sabi na't ayusin tapos biglang magtatapon ng ganung salita. Ano to, walangyaan?
Hindi ko na lang pinansin ang mga banat nya at iniba ang usapan sa napansin ko.
Nilapitan ko sya nang malapitan. "Ikaw ba, gusto mo ba yung pagkain o hindi?"
Mabilis namang kumunot ang noo nya habang hindi pa rin nawawala ang ngiti. "I like them, why?" pagsingkit ng mata nya.
"Eh, bakit ang bagal mong ngumuya? Naiilang ka ba?" malumanay na tanong ko. "Gusto mo dun na lang ako kumain? Para naman makakain ka ng maayos." pagturo ko sa tatlong magkadikit na silyang mental. Yung tinutulugan ko.
Ngayon lang kasi talaga kami nagkasabay kumain ni Hilaw dito. Yung mga nakaraang araw naman, hindi ako masyadong kumakain kahit sinasabayan ko sya, kaya iba pa rin to. Harap-harapan kasi kami ngayon tapos magkatabi pa sa kama nya, kaya di ko rin alam ang dapat kong gawin. Natatakot ako, at iniisip kung nasasakop ko na ba ang personal space nya o baka naman hindi lang talaga angkop ang galawan ko para mailang sya.
"No." pagkapit nya sa braso ko. Gumalaw na kasi ako para bumaba sana ng kama. Dahil dun ay muli kong ipinalakpak ang kamay ko para pagpagan yun sa may hita ko, at para na rin bumasag ng katahimikan. Inayos ko pabalik ang puwesto ko.
"Are you?" pagbalik nya ng tanong. "Are you uncomfortable with me?" deretsyong tingin nya sa akin. Light ang kulay ng mga mata nya dahil sa pagtama ng ilaw galing sa bintana. Napakaganda nun, light brown. Parang caramel color.
Jade! Ano na!??? Nahypnotized lang???
Mabilis akong napatungo at tumikim. "Ahem." muli kong kinapitan ang kutchara at tinidor. Ngunit na natiling nakatigil ang mga yun sa di ko paggalaw. Muli akong sumulyap kay Hilaw ng may tapang. "Hindi naman, okay ako." ibinalik ko ulit ang tingin sa ginagawa. "Tara kakain." pagyaya ko.
Okay, Jade, hinga lang. Tao lang din yan, walang bago. Gwapo lang.