Jade's POV Sa tala ng buhay ko, ang masasabi ko lang, hindi ako swerte sa mga guards. Lagi nila akong hinahadlangan. Mapapatunayan ko yan sa lahat ng oras, at sa buong kwentong ito. "MANONG!! TEKA LANG!" pilit kong pagkalas sa kamay ng mga gwardya. Biruin mo yun, masyadong pang upper class pala 'tong subdivision na to at inakala nilang gala daw ako kaya hindi nila ako pinapapasok. Ang haba-haba na nga nang tinakbo ko tapos dito pa ako titigil?! Ang dami namang hara at sagabal sa pagkikita namin ni Hilaw! Nasaan ba naman kasing planeta yun?! "Miss! Bawal nga po dito!" paghatak nila sa may balikat ko. Ano, kakaladkarin nila ako papalabas? "Kuya! May kakilala ako dyan!!!" desperado kong turo sa may gate. "Miss! Kanina mo pa yan sinasabi!" muli nila akong hinatak. Mapupudpod na nga yun

