Jade's POV Malinis ang kwarto at parang hindi man lang nagamit. Nilinis pa nya bago sya umalis, ibig sabihin hindi pa sya nakakalayo. Hinugot ko kaagad ang cellphone ko sa may bulsa. Patawarin na lang ako ni Cheska ngayon dahil kahit nasa mamahaling restaurant pa sila ay kailangan nyang tumayo ngayon at sunduin ako. Ngunit ganun na lang ang pagkabigla ko nang makitang tumatawag sya. "Hello?" pagsagot ko at mabilis na tinahak ang papalabas. "Kailangan ko ng ri---" ["Hello, bruha ka!!!! Your guy is leaving, don't you know that?!!!"] Sigaw nito sa kabilang linya. ["Wala kang mapapala dyan! Kaya kung gusto mong magconfess ay lumabas ka na!!!!! Naandito na kami ni Liam sa labas ng resto nyo!"] Tama nga sya dahil nakita ko ang sasakyan ni Liam na nakaparada sa tapat ko. Binaba ko ang tele

