Jade's POV Nang magpagtanto ko sa sarili ang sinasabi nina Cheska, ay wala na akong inaksaya pang oras. Nagpahatid kaagad ako sa kanila pauwi. Pagkababang-pagkababa ko palang ng sasakyan ay mabilis ko na kaagad tinutungo ang papasok ng resto. ["Hello, Jade?!"] Natatarantang saad ni Cheska sa kabilang linya ng telepono. ["I know you're excited right now, rushing to tell your feelings to Kean. I'm proud of you, BUT SERIOUSLY!!!! IKAW TALAGA ANG MAGCO-CONFESS??!"] Natawa na lang ako sa sinabi nya. Tinawagan talaga ako ng bruha para sabihin yan? Hahaha. Pasyensya na, ako lang nagplano nito kaya hindi ko na sila napansin kanina ni Liam. Wala naman akong problema kung ako ang magco-confess ngayon. Ang daming beses nang ginawa yun ni Hilaw, kaya dapat ako naman ngayon. Part ko na rin kasi a

