THIRD PERSON P O V Mga Tauhan na din ang nag- ayos ng mga Lamesa at Silya sa paligid ng harapan ng Bahay ng Pamilya Perez. Mga Kasambahay naman Nila ang naka- assign sa mga Pagkain na nasa gilid, may Buffet Table pa Silang inilagay. Nakahain ang mga niluto ng mga Tauhan, may Dalawang Lechon pa. Semi Formal lang naman ang mga suot Nila. Naka- bestida ang mga Babae, naka- Polo Shirt naman ang Kalalakihan. Unang nagsalita si Senyora Imelda, nagpapa- salamat at umuwi na daw ang Kanyang Anak. Pinag- pasalamat din ang pagkakaruon N'ya ng Sariling Pamilya. "Sana magkaruon na Ako ng Apo sa Kanila," pagtatapos na Speech ni Senyora Imelda, kaya umugong ang masayang tawanan at kantyawan sa paligid. Namula naman ang magkabilang Pisngi ng Guro. Malaki naman ang pagkaka- ngiti ng Masahista dati.

