MELISSA P O V Nagising Akong may mabigat na naka- dagan sa T'yan Ko. Nang imulat Ko ang Aking mga Mata ay si Cris pala. Naka- yapos ang Kanyang Braso at naka- dantay pa ang Isang Binti. Dahan- dahan Kong tinanggal ang Braso N'ya at Binti. Nagtaka pa Ako kung Nasaan Ako, dahil hindi Pamilyar ang Silid na kinaroroonan Namin. Pero maya- maya lang ay nag- sink in na sa Akin kung Bakit Kami nandito at kung Kaninong Kwarto ito. Bumalik nga pala si Cris Hacienda Nila at isinama Ako. Tatayo na sana Ako para pumunta sa Banyo nang matigilan Ako at mapa- titig sa Canvas Board na nakatayo sa Gitna Nitong Kwarto N'ya. Nangingilid na ang mga Luha Kong unti- unti Akong lumapit sa Canvas, pina- daanan Ko pa ng mga Daliri Ko ang bawat Kulay ng Pinta. Naka- ngiti Akong napa- tingin sa mahimbing na natutu

