Chapte 20- Ano kayang pinagkakaabalahan ni Cedric?

1475 Words
Nabulabog ang pagtulog ni Nikki nang makarinig ng ingay na nagmumula sa labas kaya agad siyang napadungaw sa bintana. Tanaw niya mula roon si Kassey habang kinakalampag ang bakal na gate. Para itong wala sa sarili na nagsisisigaw sa labas. Mayamaya pa, tumigil ang sasakyan ng barangay at bumaba ang ilang lalaki na naka-uniporme ng tanod. Kasunod nila ang mga babae na base sa suot na uniporme ay mga representative ng DSWD. “Cedric, lumabas ka riyan! Ilabas mo ang anak ko,” sigaw ni Kassey. Pilit itong inaawat ng mga babae at ng mga barangay tanod pero patuloy pa rin ito sa pagkalampag ng gate. Mayamaya pa natanaw niyang humahangos palabas si Cedric kasunod ni Manang. “Kailangan mo pa ba talagang umabot sa ganito, Kassey? Napaka-eskandalosa mo,” agad na sabi ni Manang nang magbukas ng gate. “Bakit? Nahihiya kayo? Kung ibinigay niyo lang agad ang anak ko hindi tayo aabot sa ganito,” sigaw ni Kassey. “Misis, kumalma po kayo. Pag-usapan mo natin nang maayos ito,” sabi ng isang matabang babae na hindi na nalalayo ang edad kay Manang. Napabuga ng hangin si Cedric na noo’y pilit kinakalma ang sarili. “Sa loob na lang ho tayo mag-usap,” aniya atsaka niya iniluwang ang pagkakabukas ng gate. Nang makarating sa sala agad na nagpaalam si Cedric para kunin ang bata. “Bihisan mo ang bata. Paki-empake mo na rin ang mga damit niya,” walang emosyong sabi ni Cedric nang makapasok sa silid. Napaawang ang mga labi ni Nikki. “A-Are you sure?” Naupo si Cedric sa gilid ng kama atsaka ito mariing napahaplos sa mukha. “Do I have a choice?” nangingilid ang luhang tanong nito. “You can file a case against her. Patunayan mo na hindi niya deserve na maging ina. Ikuwento mo sa kanila kung paano inabandona ni Kassey ang anak niya." Napailing si Cedric. “Kung ‘yung ugali niya noon ang ugali niya ngayon, hindi ko talaga hahayaan na makuha niya ang bata. Bago pa dumating ang araw na ‘to. Naipa-check ko na kay Louie ang status ng buhay ni Kassey ngayon. Maging ang ugali ng asawa niya. Totoong maayos na ang buhay niya dahil mabait at matino ang napangasawa niya. Kaya kahit papaano, hindi ganoon kabigat para sa akin ang bumitaw sa bata. Recently lang nang malaman nila na walang kakayang mag-anak si Paul, ang asawa ni Kassey, kaya nagkaroon ng lakas ng loob si Kassey na sabihin ang tungkol kay Migui. Totoo ang sinabi ni Kassey na tanggap ng asawa niya ang bata kahit hindi pa niya ito nakikita. In fact, namili na raw ito ng mga gamit ng bata habang nasa US sila.” Napayuko si Cedric. “Masakit sa loob ko na ibalik ang bata pero ayoko rin namang magpaka-selfish not to give him to her mom. Masyado pang bata si Migui. Kailangang-kailangan niya pa ang pag-aaruga ng tunay niyang ina.” Bahagyang napangiti si Nikki. Napahanga kasi siya sa binata. Ramdam niya ang bigat ng loob nito pero mas nanaig ang pagmamahal at pagmamalasakit nito sa bata bilang ama. “Bibihisan ko lang ang bata,” aniya atsaka niya ito iniwan. Todo ang higpit ng yakap ni Cedric sa bata nang iabot niya ito. Hindi na rin napigilan noon ni Cedric ang sarili at napahagulgol na rin ito ng iyak. “I’m sorry, Baby. Hindi ka na ipaglalaban ni Papa. You’ll be much better with your mom,” bulong niya sa bata. Hindi maiwasang maluha ni Nikki habang pinapanood niya ang mag-ama. Oo, mag-ama. Dahil totoo namang nagpaka-ama si Cedric sa bata. Nilapitan niya ang mga ito atsaka niya niyakap. Sa sandaling panahon ay natutunan niya ring mahalin ang bata kaya ganun na lang ang pag-agos ng luha niya. “Are you sure, hindi na natin siya ipaglalaban? What if, mali ka nang akala? Paano kung mapahamak si Migui?” Hilam sa luhang napangiti si Cedric. Kinabig siya nito atsaka siya hinalikan sa noo. “It won’t happen. Trust me. He will be fine with them,” ani Cedric. Napasibi na lang siya at muling napayakap sa mag-ama. "Ingatan mo ang bata, Kassey. Kapag nabalitaan ko na pinabayaan mo 'yan, aapila ako sa korte at sisiguraduhin ko na hindi mo na makikita ang bata," banta ni Cedric nang iabot niya kay Kassey ang bata. Nangingilid ang luhang napayakap sa kanya si Kassey. "Thank you sa pagmamahal mo sa anak ko. Sorry sa lahat nang nasabi at nagawa ako. Natakot lang ako na baka hindi mo ibigay sa akin ang anak ko." Ginulo ni Cedric ang buhok ni Kassey. "Ayusin mo na ang buhay mo, ha?" Napangiti si Kassey atsaka tumango. Nang gabi ring iyon nilunod ni Cedric sa alak ang sarili hanggang sa magkanda-suka-suka na ito sa sobrang kalasingan. Biglang napaigtad si Nikki sa pagkakahiga sa sofa nang sipain ni Cedric ang pinto. “Cedric!” tanging nasambit niya nang makita niyang sumubsob si Cedric sa sahig. Dalidali siyang tumayo at lumapit sa binata. “Bakit nagpakalasing-lasing ka naman nang ganyan?” aniya habang inaalalayan niya itong tumayo. “Huwag mo na akong intindihin. Matulog ka na, ayos lang ako,” anito nang maihiga niya ito sa kama. “Ano’ng ayos? Tingnan mo nga ‘yang hitsura mo? Naliligo ka na sa suka, ang baho-baho mo,” aniya habang hinuhuburan niya ito ng t-shirt. Saglit siyang pumasok sa banyo at kumuha siya ng towel at bathrobe para maihubad niya na rin pati ang short ni Cedric pero naghihilik na ito nang makabalik siya. “Pasaway!” nakatulis ang ngusong bulong niya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng awa sa kalunos-lunos na hitsura ng binata. Kasalukuyan na niyang nililinisan ang mukha ni Cedric nang umungol ito at bumaling sa kanya. Pigil ang hininga niya noon sa takot na baka magmulat ito ng mga mata. Nakaupo kasi siya sa tabi nito at bahagyang nakadukwang kaya halos malanghap na niya ang hininga nito. Pinupunasan na niya ang dibdib nito nang bigla nitong hawakan ang kamay niya. “Matulog ka na sabi. Ayos lang ako,” nakapikit na sabi nito. Napabuga na lang siya ng hangin. Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito atsaka niya ito kinumutan. Nang magising siya kinabukasan, wala na si Cedric sa tabi niya kaya mabilis siyang napababa sa kama. Patakbong bumaba siya ng hagdanan atsaka siya dumiretso sa kusina. “Si Cedric?” aniya nang masalubong niya si Joy. “Ay, Ma’am pumasok na po,” sagot nito. “Bakit hindi niya ako ginising? Wala ba’ng ibinilin sa inyo?” “Wala po, eh.” Parang wala sa sariling humila siya ng silya atsaka siya naupo. “Mag-almusal ka na,” ani Manang nang pumasok sa kusina. “Manang, wala po bang ibinilin si Cedric sa inyo?” muling tanong niya. “ Magpahinga ka muna raw sa bahay. Saka ka na lang daw bumalik sa opisina,” ani Manong habang kumikilos sa kusina. “Okay lang naman po ako. Hindi naman po ako napagod sa biyahe. Okay lang po ba na sumunod ako sa opisina?” “Ikaw ang bahala. Nandiyan naman si Dado kung magpapahatid ka." Napangiti ang dalaga. “Thank you po,” aniya sabay tayo. “Oh, aano ka? Hindi ka pa ba kakain?” “Maliligo muna po ako. Mabilis lang po ako, Manang,” aniya sabay takbo pabalik sa kwarto. Napangiti na lang si Manang sabay napailing. Wala si Cedric sa opisina nito nang makarating siya sa kompanya kaya tinapos niya na lang ang mga naiwan niyang trabaho. “Ma’am Nikki, alam po ba ni Sir na darating kayo?” tanong ng isang office staff na noo’y kanina pa pa-tingin-tingin sa kanya. Nakaupo lang ito sa isang cubicle malapit sa pwesto niya. Napangiti ang dalaga. “Actually, hindi. Gusto ko lang siyang sorpresahin.” Alanganing napangiti ang babae. “Nasa out of town po kasi si Sir Cedric ngayon, Ma’am. Binisita niya po ang actual shooting ng isang commercial.” Napatango-tango ang dalaga. “Ganun ba? Sige tatawagan ko na lang siya.” Napabuga ng hangin si Nikki. Dinukot niya ang cell phone niya sa bag atsaka niya tinawagan si Cedric. Pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Nakailang dial na siya pero hindi pa rin sinasagot ng binata. “Baka po busy, Ma’am,” sabi ng babae na kaninang kausap niya. Hindi pa rin pala ito bumibitiw ng tingin sa kanya. Alanganing napangiti ang dalaga. “Ano ulit ‘yung name mo?” kunwa’y tanong niya. Lumuwang ang pagkakangiti ng babae. “Maritess po, Ma’am,” may pagmamalaking sabi nito. “Bagay sa’yo ang name mo,” pigil ang ngiting sabi niya. “Talaga po, Ma’am?” nakangiting tanong nito. Napailing na lang si Nikki sabay napangiti. “Hindi ba siya aware sa meaning ng name niya? Hitsura palang marites na. Pirming nakasabang ang tenga.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD