DANNICA LAZARDE POV:) "Dannica, alam mo minsan gusto ko na mag-resign sa pagiging teacher. Mukhang ayaw ko na. Di ko nasusunod yung damdamin ko kasi bawal." makahulugang sabi ni Sir. "Bakit naman sir? Sayang! Ikaw pa naman paborito kong teacher." sabi ko at uminom na naman. Lasing na talaga ako. Kanina pa ko umiinom parang ako lang naman kasi yung umiinom. Alas 7 ata ako nagsimula uminom, ngayon alas 9 na. Habang nagkukuwentuhan kami ni Sir, panay inom ko lang. Nakadalawang wine na ata ako. Kumuha pa kasi kanina si Sir. Sabagay, ang takay ko pala sa wine. Hahaha. "Kaso bawal naman ako mag-resign sa pagiging teacher..." sabi lang ni Sir. "Bakit naman, Sir? Mas mabuti ngang wag kana umalis. Wala na kami ng mga kaklase kong guwapong Teacher. Kawawa naman kami. Hihihi." halata nang las

