DANNICA LAZARDE POV:) Pagkatungtong na pagkatungtong ko palang sa stage, naghiyawan na ang lahat. Slow motion na naglakad ako papunta sa gitna. Di mawala sa mga labi ko ang matamis na ngiti dahil kanina. Kinikilig pa rin kay dahil kay Sir Don. Nang nasa gitna na ako ng stage, humarap na ako sa maraming taong nanonood. Nakikita ko ang lahat na mga estudyante na nanonood ngayon. Panay chi-cheer lang yung mga kaklase ko halos maubusan na sila ng boses sa kaka-cheer. Mukhang ako yung may malakas na audience impact kesa sa mga kasali. Ganoon ba ako kasikat at kakilala di campus? Di naman ako pala-labas ng room bakit dami nakakakilala sakin? Dahan-dahan lang ako lumakad at nag-rampa. Di naman ako masyadong makagiling. Timang lang? Naka-gown ako uy! Nakita ko sa may gilid si Professor Do

