Bumaba ako matapos ang ilang oras pagtambay sa loob ng kwarto. Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko tungkol sa pagbubuntis ko ngunit buo na ang loob ko na huwag ipaalam kay Andrix ang tungkol dito. Hindi pa rin ako sure kung sasabihin ko ba sa mga kaibigan ko ang tungkol dito ngunit iniisip kong hindi ko na lang muna ito sasabihin dahil hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang tungkol sa amin ni Andrix. “Did you cry?” salubong sa akin ni Jacob habang papasok ako sa restaurant kung nasaan siya kanina. Tinignan ko siya at umiling ako. Alam kong halata na umiyak ako pero ayokong aminin iyon dahil nahihiya ako. I’m planning to tell Jacob but now that I am here ay nagbago agad ang isip ko. “Umiyak ka,” panunukso sa akin ni Jacob. Inis ko siyang tinignan at umiling ulit sa ka

