Kinakabahan ako habang naglalakad patungo sa likurang parte ng hotel. Nag text sa akin si Jacob kanina at sinabi na dumating na raw sina Avi kaya bumaba na raw ako kung wala na akong ginagawa kaya nandito na ako ngayon at haharapin na sila. Malakas ang bawat kalabog ng puso ko noong nakita ko ang kumpol ng tao sa may restaurant at alam ko na agad na ang mga kaibigan ko iyon. I look around to look for Jacob ngunit hindi ko siya nakita. Habang naglalakad ako patungo sa mga kaibigan ko ay isang pares ng mata ang dumapo sa akin. I gulped as my eyes and Andrix eyes met. Titig na titig siya sa akin habang umiinom siya ng tubig. “Oh my God, Davi!” tili ni Avi habang tumatakbo papalapit sa akin. Tipid akong ngumiti at sinalubong siya ng yakap. Mahigpit ang ginawa niyang pagyakap sa akin, ganoon

