“Are you really sure that you are fine?” tanong niya sa panglimang pagkakataon. Isang tingin ang ginawad ko sa kaniya dahil sa naiinis na ako. Nakarating na kami sa hotel nila at iginaya niya ako patungo sa magiging kwarto ko. Ngayon naman ang gagawin namin ay mamamalengke dahil may kulang pa raw na ingredients at wala pa silang stocks. Ang hotel nila Jacob ay malapit sa dagat at may pool din iyon sa likod. Hindi masyadong malaki ang kanilang hotel dahil nagsisimula pa lang daw sila at sinusubukan ang magiging takbo ng kanilang negosyo bago sila mag-invest pa. “Isa pa na tanong, Jacob,” nayayamot kong sabi sa kaniya. Patungo kami ngayon sa parking lot ng kanilang hotel upang kumuha ng bike na gagamitin namin sa pamimili rito sa poblasiyon. Ang sentro ng Mambajao ay tinatawag na poblaci

