One week seems like one day. Ito na siguro ang pinakamabilis na isang linggo ng buhay ko. Mas matagal pa siguro ang one minute planking kumpara sa isang linggong nakakulong ako rito sa condominium ko. Gusto ko pa sanang manatili rito sa condo ko ng mas matagal dahil ayaw ko pang lumabas at harapin ang mga problema ko.
Tamad akong tumayo upang kumuha ng tubig sa ref dahil nauuhaw ako. I didn't have a good sleep since then, and I don't have any appetite to eat anything. Matamlay akong naglakad papalabas ng kwarto ko ngunit nahagip ng aking mga mata ang sarili ko sa salamin ng aking dresser. Pinagmasdan ko ang mukha ko roon at kitang-kita ang malaki kong eyebags dahil sa pag-iyak at halata ang pagod sa aking mukha.
I sighed. Kailangan ko na talagang kumain dahil nangangayayat na ako. I looked like skin and bone right now kaya dapat kumain ako kung ayaw kong mamatay. Simula noong mangyari iyon hindi pa ako nakakatikim ng pagkain dahil puro tubig lang ako. I lost all my strength and willpower to eat at gusto ko nalang mamatay.
I opened my door and quickly went into the refrigerator upang makakuha ng tubig. Sinalinan ko ang dala kong baso at ininom iyon. The water taste so bland, kagaya ng buhay ko.
Nag-unat ako at napagdesisyunang buksan ang bintana sa condo ko upang makakita naman ako ng kaunting araw para magpa-araw na rin dahil nanghihina na ako kakahiga pero nagulat ako matapos buksan iyon at nakitang dapit hapon na pala.
Hinila ko ang upuan malapit sa dining table ko at tinignan iyon. Napansin ko ang cellphone ko sa lamesa kaya tinignan ko iyon at napagtantong lowbatt pala. Imbes na umupo na sa upuan ay pinili kong kunin ang charger sa kwarto ko upang macharge ang cellphone ko. Isinaksak ko iyon sa gilid ng lamesa kung nasaan ang saksakan at hinayaang ma charge ang cellphone.
Nakatulala ako habang tinitignan ang kulay kahel na langit. I'm just sitting, appreciating the view with empty thoughts and a blank mind. I want to rest my brain even for a minute dahil madalas nang sumakit ang ulo ko dahil sa pag-iisip ko sa pinagdadaanan ko ngayon.
I sighed, my phone started ringing. Tinignan ko iyon habang nagtatalo ang utak ko kung sasagutin ko ba ang tawag o hayaan na lamang ngunit sa huli ay sinagot ko pa rin iyon.
"Oy, oy, oy, sumagot na si Davi," rinig kong boses ni Ari, kaibigan ko.
"Hello, Davi?" boses naman iyon ni Avi, isa ko ring kaibigan.
They're not twins. We're just all friends. Best friends, to be exact.
"Hmm," I responded.
Since that incident, I didn't touch my phone kaya hindi ko namalayang low batt na pala ito.
"Ay, p*tngina buhay pa, Ari," sigaw ni Avi.
Napangiti ako dahil sa narinig. I bet they're worried about me.
Avery Isabelle Lopez, Avi for short, is the most carefree and popular among the three of us. She's a social butterfly at halos lahat kaibigan niya sa school kaya minsan ayokong sabay kaming lumabas during lunch dahil hindi na kami nakakakain ng lunch.
"Sure, ka? Hindi si Davi 'yan," sagot naman ni Ari.
Napailing ako dahil sa sinabi ni Ari.
Althalia Bria Gonzaga, or Ari for short, is the mom of our group. Siya iyong tipong kaibigan na uunahin ang kapakanan ng ibang tao kaysa sarili niya. She's very sweet and caring. Siya iyong palaging nagpaparemind sa mga dapat namin gawin, and she's very emotional kaya ayokong nag-aalala siya sa akin dahil iiyak lang siya bigla.
"Hello, si Daisy Meave Torres po ba ito?" tanong ni Avi.
Kumunot ang noo ko. Napasinghap nalang ako at napailing dahil sa kalokohan nilang dalawa.
"Yes, this is Davi, Avi," matamlay kong sagot.
Ayaw kong mas lalo silang mag-alala dahil sa boses ko ngunit anong magagawa ko kung wala talagang lakas ang katawan ko at halos magkasakit na ako.
"Hala, Ari, mamatay na yata si Davi," sigaw ni Avi.
Nakarinig ako ng pagkahulog ng kung ano at napalitan ang boses ni Avi.
"Davi, this is Ari. We're on our way to your condo," she said in hurry.
Gusto ko sana silang pigilan ngunit hindi pa ako nakakapagsalita ay pinatay na nila ang tawag. I don't want them to see me like this. I looked like a mess, and that would hurt them.
Hindi kalayuan ang condo ko sa school kaya kinakabahan ako dahil alam kong darating na sila ano mang oras mula ngayon. They have a spare key dito sa condo ko dahil minsan tumatambay sila rito tuwing wala ako kaya mas domoble ang kaba ko.
"Wow, hot mess," rinig kong sabi ni Avi kaya napalingon ako sa pintuan at nakitang papasok sila.
Siniko siya ni Ari kaya napatahimik siya ngunit halata sa mukha niya ang pang-iinis sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin habang nginitian ko naman si Ari. Sumipol si Avi kaya napatingin ako sa kaniya.
"Bakit nang nabroken ako hindi naman ako ganiyan kaganda katulad ni Davi?" pagsasalita ulit ni Avi.
Sinirado ni Ari ang pintuan sabay sipa kay Avi. Napailing nalang ako sa kanilang dalawa. My heart's beating so fast and loud right now na gusto ko nalang magtago sa kwarto upang hindi ko sila makita at makausap.
"Anong plano mo? Isang linggo ka ng absent, Davi," pag-papaalala sa akin ni Ari habang naglalakad sila papunta sa akin.
I sighed and looked at them. Hinintay ko silang makaupo sa upuan sa harapan ko bago ako magsalita.
"I just need more time," nakangiti kong sabi.
"We know, Davi. But, you need to come to school already dahil wala na kaming maipalusot ni, Ari," reklamo ni Avi sa akin.
Siniko ulit ni Ari si Avi kaya napatingin siya rito. Nagkatinginan silang dalawa na tila ba hindi nagpapato sa isa't-isa.
"Ano? May palusot ka ba? Sinabi na natin sa lahat ng prof na umuwi si Davi ng probinsya dahil namatay ang lola niya kahit two years ago na noong namatay si Lola Fely," dagdag ni Avi.
Napasinghap si Ari sa sinabi niya. Napahawak ako sa sentido ko habang iniisip ang naging palusot nilang dalawa.
"We can just make more excuses, Avi. Davi if needs more time, hindi madali ang pinagdadaan niya ngayon," sagot naman ni Ari.
"Jeez, fine," pagsuko ni Avi.
"I'm sorry, Davi. Avi and I are just so worried about you. Alam namin na hindi madali ang pinagdadaanan mo ngayon ngunit nag-aalala lang kami para sa grades mo," Ari apologetically said while looking at me.
I can see how worried they are just by looking at their faces. Gustuhin ko mang pumasok na ay hindi ko pa rin kaya.
"I'll try tomorrow," sambit ko.
Avi reached for my hand and caressed it.
"Try to unwind, Davi. You need to vent your frustration and emotions hindi iyong nagkukulong ka lang rito," she said.
Tumango ako sa sinabi niya. She's right. Sa isang linggong pananatili ko rito ay wala rin itong naging mabuting epekto para sa depression ko.
"Hindi na kami mag tatagal, Davi. We just came here to bring you food and supply dahil nag-aalala kami sa iyo. We didn't hear anything from you since that day, and you're not answering our calls. Buti nalang chismosa itong si Avi kaya nalaman namin ang nangyari," Ari explained to me.
Napatingin ako sa may sofa at napansin ang mga paper bag na naroon. I apologetically smiled at them.
"Ang sakit mo naman magsalita, Ari. Hindi ako chismosa, kusa nilang sinabi ang nangyari sa akin dahil alam nilang best friend ko si Davi," Avi defended herself.
Napangiti ako sa sinabi niya.
"We won't force you to tell us anything. We'll wait for you to open up basta just always remember na nandito kami para sa iyo," Ari emotionally said.
Tumayo siya at mabilis na pumunta sa akin upang mayakap ako. Sumunod naman si Avi kaya nagyakapan kami. I didn't bother to speak, and no one bothers to talk. We just hugged, and I can feel how warm they are. I'm so lucky to have them.
Sa kalagitnaan ng tahimik naming pagyayakapan ay marinig kaming hikbi.
"Hindi ka masayang ka bonding, Ari," Avi sarcastically said.
We ended our hug at nagtawanan kami ni Avi habang si Ari naman ay hindi mapigilan ang sarili sa pag-iyak.
"I'm going to be fine. Wag nga kayong masyadong OA. I'll be going to school tomorrow kaya tumigil ka na sa pag dradrama, Ari," I assured them.
Tumango si Avi habang su Ari naman ay pinupunasan ang mga luha niya.
"Thank you," naiiyak kong utas.
Napatingin ako kay Avi na pinipigilan rin ang sarili sa pag-iyak.
"Uwi na tayo, Ari. Mag-iiyakan lang tayo rito," natatawang sabi ni Avi.
I nodded. Tama nga naman siya.
"See you tomorrow, babe," Avi sweetly said, then kissed my cheeks.
Ari also kissed my cheeks and bid goodbye. Hinatid ko sila sa pintuan ko at noong mawala na silang dalawa ay bumalik na naman ako sa dati.
I sighed. Pumunta ako sa kwarto at umupo sa kama ko. I don't want to be here anymore. I've been here for a week ngunit mas lalo lang akong na-de-depress. I quickly stand up and go to the bathroom to take a bath. I'm going to the club tonight. I need to unwind, just like Avi said.
Mabilis kong tinuyo ang buhok ko gamit ang blower habang nag-iisip ng susuotin ko. I don't own many clothes. I only have t-shirts and pants. I barely used skirts pero mukhang meron naman ata akong maisusuot kung maghahanap lang ako. I've been in clubs quite often dahil kay Avi, we're always hanging out with her famous friends pero umuuwi lang din ako agad, and this will be the first time that I'm going there alone.
Pumunta ako sa closet at naghanap ng pwedeng maisuot. I grabbed a black fitted skirt and paired it with a white cami top. Hindi ako ang bumili ng mga ito kung hindi si Avi dahil nga wala akong naisusuot kapag pupunta ako sa gimik niya. Kinakabahan ako sa susuotin ko ngunit sinuot ko pa rin iyon. I fixed my medium long thick brown hair just to be presentable. I put some cheek and tint to add some colors to my face, then set my thick brown using a brow soap then I'm ready to go.
Hindi kalayuan sa condo ko ang Lifestyle District kaya naglakad nalang ako papunta roon. Kailangan ko lang naman tumawid sa kalsada upang makarating roon kaya mas mabuti pang maglakad nalang kaysa mag taxi pa ako. I checked my things in my small pouch and grabbed some leather jacket para hindi ako ginawin sa pagpunta ko roon.
I quickly went out and started walking. One of the guards looked at me from head to toe, tila ba naninibago sa suot ko. I awkwardly smiled at him at nagpatuloy sa paglakad. Maingat akong tumawid sa kalsada at hindi paman ako nakakarating sa lifestyle ay naririnig ko na ang malakas na music na galing roon. Hindi pa masyadong madalim kaya kitang-kita ko pa ang mga matang nakatingin sa akin habang papasok ako sa loob ng lifestyle.
Mabilis akong naglakad papunta sa bar table upang makapagsimula na sa pag-inom ko. Kaunti pa lamang ang mga taong narito kaya hindi gaanong busy. Wala akong planong maglasing dahil uuwi lang rin ako ng maaga ngayon.
I ordered a cocktail glass and drank it right away. Pinagmasdan ko ang paligid at nakita ang iilang kakilala ko. I tried to hide my face because I don't want them to see me. One man pointed at me kaya mabilis akong umiwas ng tingin at nag order nalang ulit.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiinom ngunit ang alam ko lang ay nakarami na ako. The music started to get louder and louder as time goes by. Marami na rin ang mga tao sa loob na nagpapatunay na nakarami na nga ako.
"Excuse me, Miss," I heard someone say.
Napahawak ako sa ulo ko dahil nagsisimula ng sumakit ito. D*mn, naparami nga talaga ako.
Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko habang nakahawak ang mga kamay ko sa sentido ko. Naningkit ang mga mata ko sa nakita ko. He's hot. He's the actual definition of tall and handsome.
"Hmmm," tanging sagot ko.
"Are you Cathy?" he asked me casually.
Tinaasan ko siya ng kilay.
Standing in front of me is a tall, handsome man with light brown skin. He's pretty muscular, and I bet he goes to the gym. He has mid-length, curly, dark brown hair, which suits him perfectly. He has an oval face with a perfectly angled jaw, a small nose, large and pinkish lips, and almond light brown eyes. He dressed fine, he's wearing khaki-colored trousers paired with a black round neck shirt, and he had some necklace and a watch. His aura screams f*ck boy vibes, and my systems are already giving me warnings about him.
"Who's Cathy?" takang tanong ko matapos kong masuri ang buong anyo niya.
He smiled at me.
"My date. I bet you're not Cathy. I'm sorry, Miss," he apologetically said.
Sa paraan ng kaniyang pag ngiti ay napatunay ko nang f*ckboy talaga siya. The way he stands, the way he dressed, the way he talked screams danger.
"It's fine," I simply replied.
Ngumiti ulit siya at kinuha ang cellphone niya galing sa bulsa niya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagawa niya iyon. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa kong paninitig sa kaniya ngunit ang mga mata ko ay parang naka glue sa kaniya kaya hindi ko magawang hindi siya tignan.
I saw him clicked the call button at nilagay ang cellphone sa tenga niya. He must be calling Cathy, his date. Napairap ako, I didn't know why, but I feel annoyed. Binalik ko nalang ang tingin sa baso ko at nakitang ubos na ang laman noon. I ordered another drink and promised myself to go home after this shot.
"Are you alone?" I heard him talk.
Napahawak ako sa puso ko dahil sa gulat. He smoothly sits beside me kaya napatingin ako sa kaniya. Tinignan ko siya upang malaman kung ako ba ang kinakausap niya o may katawag siya.
"I'm talking to you," he chuckled.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"I'm alone. Stop talking to me. I don't talk to strangers," pinal kong sabi.
He grinned and looked so amused by me. I fake a smile and drink my last glass for tonight.
"I'm Andreus Dixon Serafino, you can call me Andrix, and you are?" aniya habang kinukuha ang inorder niyang alak galing sa bartender.
Hindi ako sumagot sa tanong niya kaya tinaasan niya ako ng kilay. I sighed and answered him because I'm bored.
"Where's Cathy, your date?" tanong ko.
I'm just curious about that girl. I thought they were dating. That's why I'm wondering why he's here talking to me.
"I don't know. I canceled her," he casually said as if it was just nothing.
Kumunot ang noo ko sa narinig ko. Did he cancel their date? Is he for real?
"Wow," natatawa kong sabi.
He shrugged and drink.
"Let's stop talking about her. Let's talk about you. What's your name?" he asked me again.
Ang buong atensyon ko ay nasa kaniya. He looked so serious while asking me kaya sinagot ko na lang ang tanong niya.
"Daisy Maeve, just call me whatever you want," I casually said.
Nakatuko ang siko ko sa counter top habang pinapahinga roon ang masakit kong ulo habang nakatingin ako sa kaniya.
"I love daisy," he said out of nowhere.
"Share mo lang?" mabilis kong sagot.
He laughed.
"Nah, seriously. I love daisies," mas seryoso niyang sabi.
Ngumiti siya at tumalikod kaunti upang kumuha ng yelo sa may gilid niya. My eyes are busy looking at his back, but one thing caught my attention, his tattoo, it's daisy.
"Sure," tanging sambit ko habang ang mga mata ko ay nakapako sa likod ng kaniyang leeg.
He glanced at me, and I looked away. Bigla akong namawis dahil sa tatto niya. Having a daisy as a tattoo is normal kaya hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksiyon ko.
"Wow, hindi ka ba talaga naniniwawala?" he said while putting some ice on his drink.
I looked at him again. Naniniwala naman ako sa kaniya ngunit hindi ko alam kung bakit ang buong sistema ko ay nagsasabing masama siya para sa buhay ko.
"I don't know. I really don't trust easily," wala sa sarili kong sambit.
"My baby's having a trust issue. That's bad news for me," he murmured.
Kumunot ang noo ko. I don't know if he's talking to himself o sinadya niya talagang marinig ko iyon.
I want to believe him because I think he's nice and we could be friends. Ito ang unang pagkikita namin ngunit bakit ang buong utak at sistema ko ay umaayaw na agad sa kaniya. He seemed harmless, but I know he got some f*ckboy vibes, but I think he's cool, and we can get along as friends, I don't know.
Tahimik lamang akong nakamasid sa kaniya habang sinisimsim niya ang alak niya. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang labi niyang nakalapat sa baso. His lips looked so soft, ang swerte naman ng baso. My heart suddenly drops when he gazed at me, leaving me unable to breathe. Umiwas ako ng tingin habang pasimpleng pinapaypayan ang sarili ko.
I can feel the heavy s****l tension in the atmosphere, and it's getting hotter and hotter. Hindi ko alam kung epekto lang ba ito ng alak o attracted ako sa taong ngayon ko lang nakilala.
D*mn, Davi. Get your sh*t together. Ganyan ka na talaga ka tuyo't pinagnanasaan mo nalang ang kung sino-sino?
Hindi ako makagalaw nang maramdamang tumayo siya at naglakad papalapit sa akin. I can feel him behind me. Ang nakalugay kong buhok ay inayos niya at ginawang ponytail. He accidentally touched my neck, and I quickly felt the electricity gushing to my body. F*ck, nahihirapan na akong huminga.
Hindi ako makagalaw. Para akong tuod na nakaupo habang hinihintay ang susunod niyang gagawin. My mind is clouded because of that simple touch.
Nakahawak pa rin siya sa buhok kong ginawa niyang ponytail. Hindi na ako halos humihinga dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. I think I'm going to die because of this sensation. My breath shortens when I felt his hot breath in my neck and behind my ear.
"I have a lot of daisies at home. You wanna come and see it?" he whispered, sensually.