Nahulog ang hawak kong soda dahil sa gulat ko sa kaniyang sinabi. Umawang ang labi ko dahil may gusto akong sabihin ngunit tinakasan ako ng boses ko. Lily. It’s her. “Oh,” tanging sagot ko sa kaniya at balisang yumuko upang kunin ang nahulog kong soda. I heard her sighed. Hinawakan ko ng mas mahigpit ang coke sa kamay ko kahit na kinakabahan ako sa mga oras na ito. What is she doing here and why do she knows me? “I bet you know Andrix dahil kilala mo ako,” may panunuya sa boses niya habang sinasabi iyon. I smacked my lip and sparingly smiled at her. Hindi ko alam ang aking gagawin at sasabihin sa kaniya. Lily is here. Ang babaeng nagiging dahilan kung bakit ako iniiwan ni Andrix mag-isa. “Ah, si Andrix. He’s my senior,” kinakabahan kong sagot sa kaniya. Hindi ako makatingin sa kaniy

