Biglang umingay ang buong art room hudyat na nandito na an gaming professor. Malakas ang bawat kalabog ng puso ko noong narinig ko ang sinabi nilang dalawa. I want to ask them more questions but I don’t have a luxury of time to do that dahil nasa harapan na namin ang professor. “Good morning class. We are going to practice sketching today,” she said with all smiles. “We contacted a famous model to be our model for today, but…” she stopped and smiled apologetically at us. Ang mga kaklase ko ay nagsimulang gumawa ng ingay dahil ang ibig sabihin ni Ma’am ay isa na naman sa amin ang magiging modelo para sa sketching. Tuwing hindi dumadating ang mga kinokontak nilang modelo ay wala silang magagawa kung hindi mag-improvise at kami ang automatikong magiging modelo ngunit wala ni isa sa amin ang

