The night summer breeze brushed past my sundress as I walked down the lane. Today is a big day for him and I wanted to show my support. Tahimik akong nakatayo sa harap ng waiting shed habang nag hihintay ng taxi.
May dala akong bouquet sa aking kamay habang pinagtitinginan ako ng mga tao. Hindi ko alam kung bakit nila ako tinitignan sa mga oras na ito. Hindi ko malaman kung dahil ba sa suot kong bestida o dahil ba may hawak akong malaking bulaklak.
Hindi ko na binigyang pansin ang mga mga mata nilang nakatingin sa akin. I feel confident and beautiful right now kaya wala dapat akong ikahiya. Huminto ang isang taxi sa aking harapan kaya mabilis akong sumakay roon upang makaabot ako sa tamang oras.
Hindi pa ako nakapasok at nakaupo sa loob nang tanungin ako ng driver, "Saan po kayo, Ma'am?"
"Xavier po, Kuya," sagot ko.
Maingat akong umupo para hindi magusot ang damit ko. I want to look beautiful for him. Gusto kong kapag nakita niya ako ay magiging proud siya na ako ang girlfriend niya. I want to show everyone that I deserved him and prove that I'm more than enough.
"Thank you po, Kuya. Keep the change," maligaya kong sabi habang inaabot kay Kuya ang bayad.
Huminga ako nang malalim bago binuksan ang pinto. This is it, ito na ang araw na matagal kong pinaghandaan.
"Thank you po, Ma'am," nakangiting sagot ni Kuya.
Tipid na ngiti ang ginawad ko habang tinitignan siya. Pumikit ako nang marahan sa huling pagkakataon. Ito na talaga, wala ng bawian pa.
Bumaba ako sa taxi habang pinagmamasdan ang venue. Nasa labas pa lamang ako ng Xavier Civic Center ngunit hindi ko na maiwasang mamangha sa ganda ng lugar na ito.
Nakatunganga lang ako sa harap ng pintuan at hindi mawari ang nararamdaman. I didn't see him for almost a year for this photo exhibit kaya hindi ko maitago ang kaba at excitement ko dahil sa wakas ay makikita ko na ang pinaghirapan niya at sa wakas ay makikita ko na rin siya.
Habang papasok ako sa venue ay pinagtitinginan ako ng mga tao gamit ang kanilang mapuniring mata may ibang nagbubulungan pa nang masilayan ako may iba ring tumatawa habang pinagmamasdan ako. Gumapang ang hiya sa aking puso dahil sa kanilang reaksiyon. Hindi ko alam kung bakit kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao ngunit hindi ko nalang pinansin ang mga 'yun ngunit habang patagal nang patagal ang kanilang mga titig ay natutunaw na ako.
"OMG! She's here," rinig kong bulong ng isang babae.
Napalingon ako sa kaniya ngunit imbes na umiwas siya ng tingin ay pinagtaasan niya lang ako ng kilay.
"Grabe, If I were her hindi na ako pupunta rito. Nakakahiya," sagot naman ng katabi niya habang nakatingin pa din sa akin na tila ba nandidiri.
Hindi ko makayanan ang mga mapanuring mga mata kaya binilisan ko ang aking paglalakad upang makarating na ako sa loob ng function hall kung saan ang exhibit.
Hingal na hingal ako noong makarating ako sa pinto. Tumigil ako saglit upang makahinga, tumayo ako sa gilid upang hindi ako makaabala sa mga taong lumalabas galing sa loob ng function hall.
"I didn't expect na ganitong photo exhibit pala ang makikita ko. Bilib na talaga ako kay Sir Luke," komento ng isang binatilyo na kalalabas lang sa function hall.
Napatingin ako sa gawi nila. Dalawang binatilyo ang aking nakikita, ang isa ay nakasuot ng kulay black habang ang isa ay nakasuot ng kulay puting polo shirt. Napangiti ako sa aking narinig. Luke, he did great. I can't wait to see his masterpiece.
"Naguguluhan lang ako sa title. Madami naman ang mga pictures na naroon bakit isa lang ang title?" nagtatakang tanong ng binatilyong naka kulay black.
Gusto ko na sanang pumasok sa loob ngunit nakatayo pa silang dalawa sa may pintuan kaya hindi ako makadaan. Tahimik ko na lang silang pinagmasdan habang hinihintay na umalis sila nang makapasaok na ako.
"Alam mo, tinigasan ako kanina habang tinitignan ang mga pictures. Grabe, nakakahiya nga kay Sir Luke dahil nakita niya pero sabi niya ayos lang daw kasi normal lang naman daw iyon," tumatawang sabi ng binatilyong nakasuot ng kulay puti.
Kumunot ang noo ko sa aking narinig. Photo exhibit ang kanilang pinuntahan kaya nagtataka ako kung bakit siya tinigasan.
"Akala ko ako lang," nakatawang sabi nang naka kulay black, "kita mo 'yung isang picture na nakadapa siya sa counter top? Nilabasan ako roon. Sh*t, ang sarap-sarap niya talaga ang swerte naman."
Mas lalong kumunot ang noo ko. Masama na ang pakiramdam ko ngayon ngunit hindi ko alam kung bakit. Nakakadiring pakinggan ang mga pinagsasabi nila.
"Sinabi mo pa. Nangigigil nga ako habang tinitignan ang pictures, e. Ang kinis tapos ang puti," komento naman ng binatilyong nakasuot ng kulay puting t-shirt.
I cleared my throat because of my discomfort. Napatingin sila sa gawi ko at halos lumuwa ang kanilang mga mata habang nakatingin sa akin. Masama ko silang tinignan habang naglalakad papunta sa gawi nila. Gusto ko nang pumasok ngunit hindi ako makapasok kanina pa dahil sa pagchichismisan nilang dalawa sa harapan ng pinto.
"P-pwede po bang magpa-picture, Ate?" kinakabahang tanong ng binatilyong nakasuot ng kulay black.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Kitang-kita ang kaba niya habang ginagawa ko iyon. Nag-isip ako saglit kung magkakilala ba kami ngunit hindi ko talaga siya makilala. Umiling ako bilang tugon.
"Picturan mo na lang mag-isa," bulong ng nakasuot ng kulay puti sa katabi.
Binaling ko ang tingin ko sa kaniya at nakita ang kaunting takot nang magtama ang aming mga mata.
"Excuse me, do I know you?" nagtataka kong tanong sa kanilang dalawa.
I don't want to be rude or something. Baka magkakilala talaga kami pero nakalimutan ko lang. Ngumisi ang lalaking naka kulay white habang sinisiko naman siya ng kaibigan niya.
"Ikaw si Davi, 'di ba?" aniya.
Napasinghap ako matapos marinig ang sinabi niya. Kilala ko ba sila? Bakit niya alam ang pangalan ko?
"Papicture naman, Ms. Davi. Idol po kita," nakangising sabi ng lalaking nakasuot ng kulay black.
Pinilit kong ngumiti sa kanilang dalawa kahit na naguguluhan ako sa mga pinagsasabi nila. Umiling ako bilang tugon. Hindi sa pag-iinarte pero hindi ako confident sa harap ng camera.
"Excuse me, dadaan sana ako," magalang kong sabi sa kanila.
Hindi naman sila nagalit noong tumanggi ako sa kanila. Ngumiti lang sila at pumunta sa gilid upang makadaan ako. Habang dumadaan ako ay napansin kong patago akong kinukunan ng litrato ng lalaking naka kulay puti kaya sinita ko siya.
"Can you stop taking pictures of me? I don't like being photographed by someone I didn't know," saad ko.
Sumipol ang lalaking naka kulay black habang ang lalaking naka kulay white ay tumawa lang. Kunot noo ko silang hinarap dahil hindi ko nagustuhan ang ginawa nilang dalawa. I feel harassed right now at dahil iyon sa ginawa nila.
"Ah, oo nga pala, nagpapakuha ka lang pala ng larawan sa mga kilala mo," natatawa niyang saad habang kinakalikot ang cellphone niya.
I tried to calm down. I don't want to ruin this day, ayokong masira ang araw mo at mawalan ng mood dahil importante ang araw na ito para kay Luke. I don't want to make a scene during his photo exhibit.
"Just delete my photos and we're good," seryoso kong sabi sa kanila.
"Sure," mabilis niyang sagot.
Hinarap niya sa akin ang cellphone niya para ipakitang wala na roon ang mga larawan ko. Nakahinga ako ng malalim matapos masigurong nabura na niya ang larawan ko.
"Thank you," nakangiti kong sabi.
Tamad na inilagay ng nakasuot ng kulay white ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa habang ang lalaking nakasuot ng kulay black ay pasimpleng sinasapak ang kasama niya.
"Whatever, b*itch," mapanuyang sagot ng lalaking nakasuot ng kulay puti habang naglalakad sila papalayo sakin.
Napapikit ako dahil sa narinig ko. Mangha kong binuksan ang aking mga mata habang tinitignan silang naglalakad papalayo sa akin. What's with their attitude? Hindi lang naman nagkakalayo ang edad namin, wari ko'y nasa mga bente anyos na silang dalawa ngunit mas matanda pa rin ako sa kanila kaya dapat ay nirerespeto nila ako.
Huminga ako nang malalim at kinalimutan nalang ang mga nangyari. I don't want to create a mess right now. Maingat kong pinihit ang doorknob para makapasok ako ngunit laking gulat ko nang makita ang loob ng function hall.
What the hell is this?
"Davi," I heard someone scream.
I froze when I heard my name. Napatingin ang lahat ng tao sa gawi ko at umingay ang buong function room. Nabitawan ko ang dala kong bulaklak habang dahan-dahang akong tumingin sa aking kaliwa upang makita kung sino ang tumawag sa akin.
"Luke," nanghihinang sambit ko.
Nagtama ang aming mga mata. Masaya siyang naglakad papalapit sa akin habang ako ay gusto nang umuwi para umiyak.
"I'm glad you came," maligayang sabi niya habang nakatayo sa harapan ko.
I looked at him with so much pain and anger. Hindi ko alam kung saan galing ang lakas ng loob niyang kausapin ako na parang walang nangyari. How could he do this to me?
"What's this?" naiiyak kong tanong sa kaniya.
He looked so shocked and confused by my question. Hindi ako halos makahinga dahil sa naging reaksyon niya. I looked away. Pinagmasdan ko ang loob ng venue habang dahan-dahang tumutulo ang luha sa aking mga mata
How dare he do this to me!
"What do you mean?" takang tanong niya.
Binalik ko sa kaniya ang aking tingin. I bit my lower lip while trying to suppress my sobs.
"Are you playing jokes on me, Luke? Anong what do I mean? I mean this, what is the meaning of this?” malakas kong sigaw habang tinitignan ang mga larawang nakasabit sa bawat pader ng function room.
This is ridiculous! Hindi ko alam kung bakit niya ito nagawa sa akin.
"Calm down, Davi. Hinaan mo ang boses mo," padabog niyang sabi habang mahigpit na hinahawakan ang braso ko.
Nakatingin siya sa paligid habang ngumigiti na para bang walang nangyari. Ngumingiti siya sa mga tao upang ipakitang walang problemang nangyayari ngunit kitang-kita ang problema rito. Pinilit kong bawiin ang braso ko ngunit sobrang higpit ng kaniyang pagkakahawak na kapag gumalaw ako ay mas lalong sumasakit.
"Paano ako kakalma sa sitwasyon na ito, Luke? My body and face were exposed all over the room. Anong kababuyan ito?" umiiyak kong sabi.
Sinuyod ko ulit ng tingin ang buong lugar ngunit ganoon pa rin ang aking nararamdaman, galit at kahihiyaan. Napako ang tingin ko sa projector. Napahawak ako sa bibig ko matapos makita kung ano iyon.
'Davi, love and soul.'
Nanghina ang tuhod ko matapos makita sarili ko sa video. It's not an ordinary video, but a s*x video only showing my body and face. The whole function hall is full of my pictures. My naked photos are being displayed. Pictures of me while having s*x, pictures of me while showering, pictures of me while doing nasty and dirty things on him.
How could he! I trusted him.
Isang malakas na sampal ang ginawad ko sa kaniya gamit ang kabilang kamay ko na hindi niya hinawakan. Hinigpitan niya ang paghawak sa akin habang galit akong tinitignan. Nararamdaman ko na ang pagkirot sa aking braso ngunit mas pumaibabaw ang galit ko sa kaniya.
"Let's talk outside," galit niyang sabi habang kinakaladkad ako palabas ng function hall.
Nagpumiglas ako habang naglalakad kami. Gusto kong kumawala sa pagkakahawak niya dahil nandidiri ako sa kaniya. Diring-diri ako sa sarili ko dahil sa ginawa niya. Napatingin ang ilang tao sa amin at gulat nang makita ako.
"What," galit kong bulyaw habang sinasalubong ang mga mapanghusgang matang nakatutok sa akin.
I feel so ashamed right now. Pumunta ako rito upang supportahan ang nobyo ko, hindi ipahiya ang sarili ko. I feel sorry for myself. Hindi ko inaasahan na ganito ang mapapala ko sa kagustuhan kong ipakita ang supporta ko.
"Bitawan mo ako," saad ko.
Nasa loob na kami ng elevator ngayon. Pinindot niya ang huling palapag.
"No, mag-uusap tayo," aniya.
Galit ko siyang tinitignan at ganoon rin siya. Hindi ako makapaniwalang may gana pa siyang magalit sa akin pagkatapos niyang gawin ang lahat ng ito.
Tahimik lang kaming dalawa at tanging tunog lamang ng elevator ang aming naririnig. Ayoko siyang maka-usap sa totoo lang ngunit gusto ko ring maliwanagan ako kaya sumama ako sa kaniya, as if may choice pa ako.
Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. Bumukas ang pintuan at sinalubong kami ng malamig na hangin galing sa rooftop. Malakas niya akong hinila upang makalad na kami, hindi ako umimik at hinayaan na lang siya.
Huminto kami sa gitna ng rooftop. Binitawan niya ang braso ko habang pinipilit niyang pakalmahin ang sarili niya. Mabilis kong hinimas ang braso ko at naramdaman ang sakit doon, this ass!
"Why are you mad? That was art, Davi," malambing niya akong tinignan habang inaabot ang mukha ko ngunit umiwas ako.
I gritted my teeth. I don't want him to hold me again. Kitang-kita ang galit sa kaniyang mukha nang iniwasan ko ang kaniyang kamay.
"This is bullsh*t, Luke. What art are you talking about?" nanghihina kong sagot.
Hindi ko alam kung saan ko pa nakukuha ang lakas ko upang magsalita dahil sa totoo lang ay hinang-hina na ako dahil sa mga nangyari ngayon.
I looked at him with anger and disappointment.
"That's masterpiece, Davi. You are my masterpiece," mas malambing niyang sabi habang ang kaniyang mukha ay puno ng pagsusumamo.
Bumilis ang t***k ng puso ko at napapikit na lamang dahil nagwawala ang puso ko. I tried to remind myself that I'm angry with him ngunit ang puso ko ay hindi ako pinakikinggan.
I've shut my eyes and tried to concentrate but my anger flew away when a soft lip brushed into mine.