THREE YEARS AGO
“I’m so sorry, Sab. P-pero... p-pero ayoko na,” narinig niyang wika ni Chase sa kabilang linya. Kausap niya ito sa cellphone. Overseas call. He's calling her from the States.
He left for US after he graduated from College some three years ago. Para magtrabaho.
“What do you mean ayaw mo na? Are you... a-are you breaking up with me?” Nagsimula nang gumaralgal ang boses ni Sab.
“Sab... Sab, listen...” Gumagaralgal na rin ang boses nito. He was crying. Alam niyang umiiyak na rin si Chase sa kabilang linya. “Mahirap sa akin ‘to pero...”
“So you are really breaking up with me?” ang putol niya sa sinasabi nito.
Sab was now starting to really cry though pinipilit pa rin niyang magsalita kahit hirap na hirap siyang ilabas ang mga salita sa nanginginig niyang mga labi.
"Sabi ko naman sa ’yo, ‘di ba? Susunod din ako sa ’yo sa Amerika," she said in between sobs. "Hindi ko lang talaga maiwan-iwan si Mommy ngayon. May problema si Mommy. She needs me. Pero susunod ako sa ’yo riyan, Chase. Nag-promise ako, ‘di ba? And I’m gonna keep that promise.”
“It’s not that, Sab. It’s not that...”
“Kung hindi iyon, eh, ano?”
“Sab...”
“Hindi. Yun ‘yon, eh! Galit ka kasi hindi ko natutupad iyong pangako ko sa iyo. Isang taon ko nang sinasabi sa iyong susunod ako riyan pero ‘di ko naman magawa-gawa. I promised to go there when I graduated pero isang taong na akong graduate, nandito pa rin ako. Kaya ka galit sa akin ngayon kasi hindi ko natutupad ang pangako ko sa iyo. But I’m gonna keep my promise, Chase. Swear. Na-delay lang. Nagka-aberya lang. Pero tutupad ako. Huwag mo namang gawin sa ’kin ‘to, please,” she begged.
“Sab, it’s not your fault, okay?” he said in a more shaky voice. “Hindi mo kasalanan ang nangyari. Stop blaming yourself, please. It’s not your fault. It’s mine.”
“I swear, pinilit ko talaga si Mommy na pumunta na kami riyan,” she went on explaining. “If I can’t leave her here, at least I can bring her there with me. Pero ayaw niya. Ayaw niyang umalis. Hindi ko naman siya maiwan. But that doesn’t mean na hindi na ako tutupad sa pangako ko sa ’yo. Susunod ako riyan, Chase. I swear, I will,” ang humihikbi niyang wika rito.
“Sab... Sab... please listen to me...”
“Don’t do this to me, Chase, please. Please don’t. Alam mo naman ang rason ko, ‘di ba? May problema sina Mommy at Daddy. Hindi ko maiwan-iwan si Mommy. But that doesn’t mean na hindi ka na importante sa akin, na hindi na kita mahal, na kinakalimutan ko na ang pangako ko sa ’yo. Please, give me another chance. Please don’t break up with me. Please...” Sab kept on begging.
Hilam na hilam na ng sariling luha ang kanyang mga mata’t pisngi. Their conversation was becoming more and more painful that it was making it harder for her to speak. But she needed to speak up. Kailangan niyang pigilan si Chase. Kailangan niyang ipaglaban ang limang taon nilang relasyon.
“I’m so sorry, Isabella,” anito.
“Please, no. Don’t say that. Please don’t break up with me. Nakapaghintay ka naman ng two years, ‘di ba? Can't you wait for another more year?”
“I wish I could. But... Oh, my god...” Muli ay gumaralgal ang boses nito. “I’m so sorry, Isabella, but I can’t. I just can't. And it’s not you, okay? Hindi mo kasalanan. Ako. Ako ang may kasalanan. Huwag mong sisihin ang sarili mo. You have to put the blame on me. I’m so sorry.”
“Don’t say sorry! Please don’t! I don’t need to hear your ‘sorry’, Chase. Hindi ko kailangan ng sorry mo. Ang kailangan ko’y pang-unawa mo. Please give me another chance. I’m begging you, please,” she kept on begging.
“Oh, god. Pa’no ko ba i-explain sa iyo? How am I gonna make you understand? Please forgive me, Isabella. You don’t deserve me. You deserve someone better.”
“Please, Chase, no! Let’s talk about that! Pag-usapan natin ‘to, please,” she begged some more.
“I’m so sorry. I’m so sorry,” he kept saying before the line went dead.
“Chase? Hello, Chase?” aniya pero wala na. Naputol na ang linya.
Pakiramdam niya’y binagsakan siya ng langit at lupa.
How? Pano nangyari ang lahat ng ito? Paano humantong sa ganito?
Pakiwari niya’y unti-unti siyang nawalan ng lakas sa katawan. Napasandig siya sa kanyang drawer at saka malakas na humagulhol habang yakap-yakap ang kanyang cell phone.
Did Chase really give up on her? Talaga bang itatapon na lang nito ang limang taon nilang relasyon? Dahil lang hindi niya matupad-tupad ang pangako niya rito?
Dahan-dahan siyang dumausdos pababa hanggang sa tuluyan na siyang napasalampak sa sahig. The pain was too much for her to bear. It was killing her, it was making her hard to breathe. Noon binayo ng kung sino mang nasa labas ng kanyang kuwarto ang kanyang pinto.
“Ma’am Sab! Ma’am Sab!” ang tila natatarantang wika ng katulong nila habang patuloy na binabayo ang kanyang pinto mula sa labas.
“Ano ‘yon, Myra?” aniya sa nanginginig pang boses. Dali-dali siyang nagpunas ng mga luha.
“’Yong Mommy n’yo po, Ma’am Sab, hindi na humihinga! Tulungan niyo po ako, Ma’am Sab!”
Dali-daling tumayo si Sab at saka binuksan ang pinto. They raced towards her mom’s room and there, they found her mom’s almost lifeless body, lying on her bed, with medicines of all sorts scattered around her. It looked like she overdosed herself.
“Mommy! Mommy, gumising ka!” Niyugyog niya ang ina ngunit wala siyang response na nakuha mula rito. “Tulungan mo ako, Myra! Dalhin natin si Mommy sa kotse!” aniya sa katulong.
“Opo! Opo!”
At pinagtulungan nilang madala ang ina sa kotse bago niya pinaharurot ang saksakyan papunta sa pinakamalapit na ospital. But it was too late. Her mother was proclaimed DOA.
And that was the saddest day of her life. Halos isumpa niya ang araw na iyon. It took two of the most important persons in her life. Para na rin siyang namatay ng araw na iyon.