Kabanata 19

2103 Words
Gigi “Ano ba Gigi? Makipagbati ka na,” kumbinsi ko sa aking sarili habang nakapangalumbaba at panay ang buntonghininga. “Pero wala naman ako kasalanan, masama ba na tumanggi? Haist!” “Why? What happened?” Bumalik ako sa ulirat sa mukha ng kaibigan kong nakatitig na pala sa akin. “Huh? W-Wala lang ‘yun.” Iniwas ko ang aking nangangamatis na mukha sa kaibigan ko. Panigurado sa daldal niya’y baka mahulaan pa kung ano ang nasa isip ko. Wala pa siyang nalalaman sa nangyari sa akin nung nasa resort kami. Patuloy na bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari sa amin na tuwing sumasagi sa isip ko’y para akong nilalagnat ng wala sa oras. Flashback Ang labi’ng nasa aking leeg ay bumaba nang bumaba, hanggang dumampi sa aking nakalatad na dibdib. Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan at tila nakaramdam ako ng kakaibang kiliti. Nakasandal ang uluhan ko sa dulo ng upuan kaya’t kitang-kita ang lantad na katawan ni sir Mathew habang nakasubsob sa aking dibdib at salitan niyang pinapapak. Tigas na tigas na ang aking magkabilaang u***g sa walang sawa niyang pagsisib habang ang isang kamay ay dumadagdag sensasyon ang pagpisil niya sa isa. Ganito pala ang pakiramdam ng niroromansa, parang may namumuong masakit at basa sa aking harapan lalo pa’t kanina ko pa nararamdaman ang matigas na kinikiskis niya sa aking gitna. “Gigi, stop me now, or else I don’t want you to regret this,” namamaos na boses ni sir Mathew. Subalit tila wala akong naintindihan at lunod na lunod na ako sa makamundong nararamdaman. Nagpalitan muli kami nang walang kasawa-sawang tapatan ng dila na dumagdag sa mas matinding sensasyon lalo pa at naglakbay nang naglakbay ang kamay niya hangga’t umabot sa tapat ng suot kong short na nalihis na niya pala pababa. Hindi ko man lang naramdaman. Hinayaan ko siyang damdin niya sa labas ang aking p********e sapagkat may suot pa naman ako. Subalit nang unti-unti niyang ipasok ang kamay ay doon na ako nataranta at bigla ko siyang naitulak. “Sandali!” hingal na hingal kong sabi habang siya’y nakakunot ang noo at mukhang takang-taka sa aking ginawa. “What? Please don’t tell me–” “A-Alis na ako!” natataranta kong sagot. Isinuot ang bra na nahubad niya at inayos ang suot kong short. Tumayo ako agad at nagmadaling lumapit sa hagdanan. Subalit bago ako tuluyan bumaba ay nilingon ko muna ito na halatang dismayado. Nakatapat kasi ang dalawang mga braso niya sa kaniyang noo. “Sorry, hindi pa ako handa,” aniko at tuluyan siyang nilisan. Nagmamadali akong pumunta sa nagkakasiyahan subalit sa may kusina ako dumaan kaya’t walang nakapansin sa akin. Dumiretso ako sa kwarto namin ni Gabie. Mabuti na lang at wala pa siya kaya minabuti kong naligo na lang upang maibsan ang init na naramdaman ko. End of Flashback Muntik na akong mawala sa sarili nang mga oras na iyon. Mabuti na lang at tinubuan ako ng hiya sa isipin na kapag mahawakan niya ang loob ng suot kong panti ay baka pagtawanan niya ako dahil sa basa na ito. Sa sobrang kahihiyan ko’y bumalik ako sa mansyon ng magulang niya kaya’t ngayon nga isang linggo ko na siyang iniiwasan sa hindi malamang dahilan. Nakapatay pa lagi ang cellphone ko. “Gi, sa bahay ka matulog, tutal weekends naman please,” pakurap-kurap na matang pakiusap ni Gabie. “Nakakahiya sa magulang mo, at saka exam na natin sa Monday ‘di ba?” tanggi ko. Gusto ko mag-aral kaya’t ayaw ko muna ng distraction. Kasama na si sir Mathew. “That’s why, group study tayo. Magpaturo tayo kanila Kuya Rhys, remember graduating na sila,” pakiusap pa niya sa akin. Uwian na rin naman at medyo malayo pa ang biyahe ko. Magta-taxi ako dahil hanggang 9 pm pa si Dustin. Speaking of Dustin, nasa iisang village lang pala sila ni sir Mathew kaya’t naisasabay niya ako minsan papasok o kaya pauwi. “B-Baka kasi may trabaho si Sir Mathew—” “I asked Kuya Charles, and he said, Kuya Math is in Singapore with Belinda for some taping.” Natigilan ako, kaya pala hindi na rin niya ako tinawagan o ni text man lang. Sa bagay ako naman ang unang umiwas at nagpatay pa ng phone. Akala ko nagtatampo rin siya dahil sa ginawa kong pag-iwan sa kaniya, kaya naman pala kasi kasama ang girlfriend niyang diyosa. So, ano tawag niya sa aming dalawa? Kabit na girlfriend? “Sige na nga, pero paalam muna ako kay Ma’am Lorna. Bukas mo na lang ako sunduin para by Sunday ang uwi ko,” sang-ayon ko na lang. “Eh, ba’t sad ka? Are you not happy?” biglang lungkot niyang tanong. Kaya’t pinilit ko na lang ngumiti. Ayaw ko muna malaman niya ang bumabagabag sa isip ko lalo’t hindi pa gaano malinaw sa akin ang estado nila ni Belinda. “Hindi naman ako malungkot, alamo naman ang sitwasyon ko ‘di ba?” tukoy ko sa klase ng trabaho ko. “Oo nga pala, sorry. Don’t worry ipapaalam kita kay Tita at Tito.” “Salamat, sige mauuna na ako.” Umuwi akong mag-isa at inabala ang gabi ko sa pagtulong kay Nanay Cindy. Late na ako nakatulog dahil hinintay ko pa ang mag-asawang amo ko para makapagpaalam. Mabuti na lang din at nasabi na pala sa kanila ni Gabie. Wala naman daw problema sa kanila, pero dapat magpaalam din daw ako sa anak nila. Kaya heto’t ala una na nang madaling araw ay gising na gising pa ang diwa ko habang abala sa hawak kong cellphone. “Nakakainis ka talaga!” kausap ko sa litrato niya sa cellphone na hawak ko. “Ano? Galit ka na agad kasi ayaw kong magpahawak sa ano… haist kainis ka,” sabi ko pa bago pinatay ang cellphone ko’t itinago na lang sa bag na dadalhin ko sa bahay nila Gabie. Humiga akong nakasimangot at halatang dismayado. “Hindi ka man lang nag-text, tumawag tapos kasama mo pa si Belinda. Grrr, may pa celebrate ka pang nalalaman.” Ang akala ko ako ang umiiwas dahil sa laging nakasara ang cellphone ko iyon naman pala nasa Singapore siya para gumawa na naman ng milagro kasi ‘di ko pinagbigyan. Kahit inis pa rin ako’y pinilit ko na lang matulog. Alas diyes ng umaga nang sunduin ako ng driver nila Gabie. Napakalaki rin ng bahay nila. Pagpasok mo lang ay hindi na maitatago ang karangyaan ng nakatira. Puro salamin ito kayat kitang-kita ang magagandang bulaklak na nasa paligid nito. May malaking swimming pool din sila kung kaya’t inaya muna ako nitong maligo. Masyado pa raw maaga kung mag-aaral kami agad. Saktong tanghalian nagsidatingan ang apat na prinsipe. Base sa nakikita ko’y mukhang sanay na sanay na ang mga ito kumain sa kanila, sa bagay magpinsan buo pala si Rhys at Gabie. Magkapatid ang daddy ni Rhys pati ng mommy ni Gabie. Sa buong maghapon ay hindi ko na muna inisip si sir Mathew. Inabala ko ang sarili sa pag-aaral habang panaka-nakang nagtatanong sa mga seniors namin ng mga bagay tungkol sa aralin namin na hindi namin maintindihan. Kaya’t natapos ang buong araw ko ng magaan at masaya, walang sir Mathew sa isipan ko, gaya ng dati nang mga panahon na hindi ko pa siya kilala. Sumapit ang Lunes, Martes at Miyerkules ang huling araw ng examination week ay hindi pa rin nagpaparamdam si sir Mathew sa akin. Dismayado ako sa pag-aakalang susuyuin niya ako. Ngunit sa tatlong araw ko sa condo niya’y hindi man lang siya nagpakita sa akin o nag-message man lang. Kahit ‘yong pinadala kong mensahe sa kaniya ay hindi niya pa rin nababasa. Nakakalungkot pero mas mabuti na siguro ang ganito. Mabuti na lang at halik lang at hawak ang nakuha niya sa akin. Kaya’t napagtanto kong tama ang naging desisyon ko. “So, what’s the plan, ngayong tapos na ang exam? Nood tayo ng movie!” tanong ni Gabie sa amin kasama ang apat na prinsipe na abala sa kanya-kaniyang hawak na cellphone. “Pass ako, I have a date,” tanggi ni Rhys. “What's new, umandar na naman ‘yang pagka perv mo,” si Arlo. “Me too, hindi ako pwede. You guys enjoy,” sabay na sabi ni Jasper at Rhys bago kami iniwan. “Double date na lang tayo babe,” paglalambing naman ni Arlo kay Gabie. “Kayo na lang, dinamay n’yo pa kami ni Dustin–” “Tama sila Gisselle, besides wala naman masama, it’s a friendly date, ‘di ba, brat?” tanong ni Dustin habang nakatutok ang mata kay Gabie na kitang-kita ang pamumula ng mukha. “That’s right, kaya pumayag ka na.” “Sige na nga, maaga pa naman,” sang-ayon ko lang. Kaya’t heto sama-sama kaming nanood ng movie sa mall na pagmamay-ari nila kuya Charles at Rhys. Hindi ako masyadong interesado sa pinapanood namin. Maganda naman ang action movie at magaling ang mga amerikanong bida pero sa kabila nito’y nababagot pa rin ako. Samantala ang mga kasama ko’y tutok na tutok sa pinapanood. Tumayo ako’t napansin ito ni Dustin. “Saan ka?” “Magbabanyo lang,” sagot ko. Iiwanan ko sana ang bag na dala ko pero mukhang masakit ang puson ko kaya’t gusto kong makasiguro. Mabuti na lang pala at may dala akong napkin. Kaya pala sumasakit ang puson ko dahil may dalaw na pala ako. Nagtagal ako sa banyo ng higit trenta minutos bago lumabas. Subalit muntik na akong mapasigaw nang biglang may humablot sa aking lalaki na nakasumbrero. “It’s me. Don’t make a scene, baka makilala nila ako,” bulong ni sir Mathew. Nakatakip ang kanang kamay niya sa aking bibig. “Sumunod ka,” aniya at naglakad na ito palabas na hawak na ang aking kamay. Parang holding hands while walking lang ang peg. Nakasumbrero siya at nakalasamin. Kung titingnan mo sa unang tingin ay hindi mo mahahalata na si Mathew Alonzo nga ito, pwera na lang kung titigan mo ng malapitan. Sumama ako ng tahimik papunta sa parking hanggang makasakay kami. Pinaandar niya ang sasakyan at aircon bago tinanggal ang sumbrero at salamin sa mata. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa kaya’t inabala ko na lang ang sarili na magpadala ng mensahe kay Gabie upang hindi naman sila mag-alala. Ngunit ganoon na lang ang pagkakagulat ko nang bigla niya akong yakapin, kasabay ng nagsusumamo niyang boses. “I so damn missed you. Tapos heto ka at ‘di mo pa rin ako pinapansin.” Hindi kaagad ako nakasagot sa higpit ng yakap niya. Matangkad siya kaya’t nakapatong ang ulo niya sa buhok ko na panay naman nitong hinahalikan. “Miss na miss din naman kita.” Gusto ko sanang sabihin iyon ngunit naunahan ako ng inis at selos. Hindi ba at magkasama sila ni Belinda. Humiwalay siya sa akin at hinawakan naman niya ang aking magkabilang mukha. “Galit ka pa rin ba sa akin because of what I did?” maalumanay niyang tanong. Umiling ako pero nakasimangot pa rin. Haist masyado akong pabebe alam ko, ‘di pa rin mawala sa isip ko na magkasama sila ni Belinda ng ilang araw. “Then bakit mo ako hindi kinakausap–” “Tse, magtigil ka nga. Ikaw nga riyan ‘di mo ako ni-message tapos… tapos mabalitaan ko pa kasama mo pala ang girlfriend mo na si Belinda,” tampo ko pang sagot at tinulak siya ng bahagya. Sumandal ako’t pinagsiklop ang aking mga braso’t tumingin sa bintana. Dinig ko lang ang buntong hininga niya bago nagsalitang muli. “She is not my girlfriend.” Nagdiwang ang tenga ko’t binaling ang seryoso ko pa ring mukha sa kaniya. “Tsk, ‘di raw girlfriend, kung gano’n pala ano mo siya?” giit ko pang tanong. “A friend, we both help each other for our careers and a…” “Ano?!” “S-She’s just my Fu-Bu?” pagsuko niya. “Fu bu? Ano naman ‘yon?” galit ko pang tanong. E, sa hindi ko naman alam talaga ang kahulugan ng sinabi niya. Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong hininga saka muling nagsalita. “Next time, for now we need to celebrate, kasi bati na tayo.” Iyon lamang ang kaniyang sinabi saka pinaharurot ang sasakyan papunta sa kung saan. Marami pa sana akong gustong itanong pero gaya nga ng sabi niyang bati na kami’y na-excite na lamang ako sa pupuntahan naming dalawa. Kung saan man iyon ay bahala na, makasama lang ang isang Mathew Alonzo ay isa ng katuparan ng sinumang mga babae, at sa kaalamang ako ang kasama niya’y masasabi kong napakaswerte ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD