Gigi
♫ ♪ ♬
Title: I Don’t Wanna Miss A Thing
I could stay awake
Just to hear you breathing
Watch you smile while you are sleeping
While you're far away and dreaming
I could spend my life
In this sweet surrender
I could stay lost in this moment forever
Every moment spent with you is a moment I treasure
Literal na huminto ang mundo ko pagkarinig ko pa lang ng boses ni sir Mathew. Nasa maliit na entablado siya ngayon dito pa rin sa loob ng resort nila Rhys kung saan pribadong-pribado niya kaming inaalayan ng kanta. Aaminin kong ngayon ko lang siya narinig at nakitang kumanta. Bukod pala sa magaling siyang aktor ay magaling din ito kumanta gamit ang intrumentong piano.
Nakapikit siya habang abala ang mga kamay sa nota kasabay ng boses niyang napakalamig sa pandinig. Nagtama ang aming mga mata nang buksan niya ito kasabay ng lyrikong pakiramdam ko’y sa akin niya inaalay.
Don't wanna close my eyes
I don't wanna fall asleep
'Cause I'd miss you, babe
And I don't wanna miss a thing
'Cause even when I dream of you
The sweetest dream would never do
I'd still miss you, baby
And I don't wanna miss a thing
Bumilis nang bumilis ang pagragundong ng aking puso sa pahiwatig ng kaniyang kinakanta. Pakiramdam ko’y dalawa lamang kami ang nandirito kahit na ba alam kong nakatingin silang lahat sa akin lalo na si Dustin na nakatutok din ang mga mata.
Ganito pala ang pakiramdam kapag ang taong minamahal mo’y pinaglalaanan ka ng oras, panahon at nagpapahiwatig na importante ka sa kaniya. Kung pag-ibig na ba ito’y hindi na rin mahalaga sa akin ‘yon. Hindi naman ako nangangarap na lumagpas pa kami sa pagiging mag-amo.
And I don't wanna miss one smile
I don't wanna miss one kiss
I just wanna be with you
Right here with you, just like this
I just wanna hold you close
I feel your heart so close to mine
And just stay here in this moment
For all the rest of time
Yeah (yeah), yeah (yeah), yeah
Kung pagbabasihan ng isa hanggang sampo ang sayang nararamdaman ko ngayon ay lagpas siguro sa pinakamataas. Damang-dama ko ang pahiwatig ng lyrics ng kinakanta niya. Ang kantang ito ang isa sa paborito ko. Hilig at libangan namin noon ni lolo Jose ang kumanta gamit ang gitara.
Hanggang matapos ang kanta ni sir Mathew ay sa akin lamang siya nakatingin.
“Wow! Ang galing talaga magpakilig ng girls ang isang Mathew Alonzo. It's a privilege to have that awesome song, freely given to us,” si Rhys na siyang tumatayong MC. Nagpalakpakan kaming lahat.
Ganito daw ang tradisyonal ng kanilang pamilya. Kahanga-hanga naman talaga na lahat sila’y magagaling kumanta.
"And now, get ready for a fantastic performance from this beautiful lady! Let's give Gigi a big hand!"
Nagpalakpakan silang lahat. Ako na lang ang hindi nakakakanta. Medyo nahihiya ako pero kakayanin ko naman. Hindi naman ako masyadong magaling kumanta pero masasabi kong may laban din naman ako sa kanila.
Umakyat ako sa entablado at kinuha ang gagamitin kong intrumento na gitara. Naupo ako sa mataas na upuan sa gitna kung saan nakatapat sa akin ang standing microphone. Madilim ang paligid subalit hindi ito hadlang dahil sa naglalakihang ilaw na nakatutok sa akin.
Dinig ko ang hiyawan ng mga kasama ko at nangingibabaw ang boses ni Gabie at Dustin na siyang nagche-cheer mabawasan lamang ang kaunting kaba sa aking katawan.
“Hindi ako singgagaling ninyo kumanta kaya ngayon pa lang pwedeng pass na muna ako,” natatawang sabi ko. Pero lahat sila’y puro go ang sinasabi, nangangahulugang sige lang.
♫ ♪ ♬
Titled: Dance with my Father
Back when I was a child
Before life removed all the innocence
My Lolo would lift me up
And dance with my mother and me and then
Spin me around 'til I fell asleep
Then up the stairs he would carry me
And I knew for sure
I was loved
Hindi ko na mapigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. Hindi ko nakagisnan ang tatay ko subalit lumaki naman ako kay lolo Jose kaya ang kantang ito ay inaalay ko sa kaniya.
If I could get another chance
Another walk
Another dance with him
I'd play a song that would never ever end
How I'd love, love, love
To dance with my Lolo again.
Sa buong durasyon ng kanta ko’y patuloy pa rin ang pagpatak ng aking mga luha. Hindi ko na nga alam kung maganda pa ba ang boses ko. Subalit isang masigabong palakpakan ang inalay ng mga kaibigan ko sa akin.
“Pasensya na kayo. Miss na miss ko lang ang Lolo Jose ko. Kayo kasi kasi’y pinaiyak n’yo ‘ko,” may halong tawa kong sumbat sa kanila. Nagtawanan naman ang mga ito hanggang sa umakyat si Gabie upang gawaran ako ng yakap.
“Sorry, napaiyak ka namin.”
“Ayos lang, masyado lang akong ma-drama,” pag-aalong sagot ko kay Gabie.
“Okay, now let’s get the party started!” sigaw ni Gabie bago mag-umpisa ang malakas at nakakaindayog na tugtog. Umakyat si Dustin na siyang tumayong DJ at nagpamalas ng isa pa niyang talento. Total package talaga silang lahat.
Nakangiti akong bumaba hanggang sa mapaigtad ako sa braso nang taong humapit sa akin. “S-Sir, saan tayo pupunta?”
“Basta, we need to talk to somewhere quiet,” sagot ni sir Mathew habang patuloy akong hinihila.
Walang nakapansin sa amin kaya nag-aalala ako na baka hanapin nila kami. “Sandali, magpaalam muna ako kay Gabie, baka hanapin niya ako.”
Hindi niya ako sinagot at patuloy pa rin sa paglalakad. Malayo -layo na rin ang nilakad namin kaya’t hindi na gaano nadidinig ang tunog kung saan kami nanggaling.
“A-Anong lugar ‘to?” tukoy ko sa pinagdalhan niya sa akin. Isa itong kubo na nakakabit sa puno kaya kailangan mo pang umakyat sa paikot na hagdan.
“Let’s go upstairs,” sagot niya at inalalayan ako paakyat.
“Wow! Ang ganda rito,” mangha kong sabi nang makaakyat kami’t nakatingin sa malawak na dalampasigan kung saan kitang-kita ang kabuuan ng lugar.
Hindi kaagad siya sumagot pero naramdaman ko na lang na may makapal na telang bumalot sa aking katawan. “Masyado ka nang nang-aakit.”
Natawa ako sa sinabi niya kaya’t humarap ako subalit muntik na akong mahulog sa bintana nang mapaatras nang wala sa oras. Ang lapit-lapit niya kasi sa akin na halos magdikit na ang aming mga labi.
Hinapit niya ako sa baywang kung saan napaliyad kaming pareho habang titig na titig sa bawat isa. “I told you, I'm jealous. So please don’t ever do it again,” paos na boses niyang sabi. Napalunok ako’t pakiramdam ko’y kay sarap sa pandinig ang sinabi niyang iyon sa akin.
“H-Hindi na mauulit,” sa halip ay sagot ko. Nakahinga ako ng maayos nang magkadistansya kami, kung saan naupo ito sa pabilog na sofa.
“Come here, let’s talk,” anito sabay turo niya sa upuan kong saan siya nakaupo. Sumunod na lang ako’t dumistansya ng kaunti pagkaupo.
“Ano ba pag-uusapan po natin? Sir Mathew–”
“Things just aren't the same without you, Gigi,” sa halip ay sagot niya habang halos mayupi na ako sa higpit ng yakap niya sa akin.
Gusto kong magdiwang at sabihin na ganoon din ang nararamdaman ko. Pero inuunahan ako ng kaba at takot. “S-Sir, hindi na po ako makahinga,” sa halip ay sagot ko.
“I’m sorry,” mabilis niyang sagot at humiwalay siya sa akin.
Pasimple akong huminga nang malalim, pilit na binabalik sa normal ang lahat gaya ng dati, nang mga panahong wala pa kaming ilangan sa isa’t isa.
“I’m sorry,” basag nitong muli sa katahimikang bumalot sa amin.
Inayos ko ang kumot na pinatong niya sa akin saka ito sinagot. “Saan ka ba humihingi ng sorry?”
Hindi ko alam kung bakit iyon ang naibulalas ko. Medyo disyamado kasi ako sa palaging paghingi niya ng sorry. Saan ba siya nagso-sorry? Sa ginawa niya o dahil nabigla lang siya at walang ibig sabihin ang lahat ng pinapahiwatig niya sa akin kundi pagsisisi sa nagawa.
“I know I’m just a jerk asshole dahil muntik na kitang pagsamantalahan. But I swear, Gigi, this isn't just about lust. I have this feeling na hindi ko maipaliwanag. Nagagalit ako at selos na selos kapag kasama mo si Dustin. If this is love? Then maybe yes!" tuloy-tuloy niyang sabi na nagpagulantang sa akin.
Sinabi ba niyang mahal niya ako? O, isa na naman panaginip? Alin man sa dalawa’y isa lang ang sigurado ako. Na nagdiriwang ang puso ko ngayon. Na sa sobrang saya ko’y hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng aking mga luha, at wala na rin ako pakialam sa anumang kahahantungan nito. Hanggang sa nalaman ko na lang na tinawid ko ang aming distansiya upang gawaran siya ng mahigpit na yakap.
“H-Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya Sir Mathew,” ‘di makapaniwala kong tugon habang patuloy pa rin ang mga luha ng kaligayahan sa aking pisngi. Aba! Mathew Alonzo kaya itong nagtapat sa akin ng pag-ibig, magpapakipot pa ba ako?
“Really! Hindi ka na galit?” naniniguro niyang tanong nang hawakan nito ang magkabilaan kong mukha.
Tumango ako at “na-miss nga rin kita ng sobra,” diretsang pag-amin ko.
Niyakap niya akong muli at pinaghahalikan sa buhok, sa aking magkabilaang pisngi, sa aking noo, sa tungki ng aking ilong bago niya tinuuon ang mga mata sa akin partikular sa aking labi.
"July 19th, 2024, marks the beginning of our monthly celebrations of love, Gigi. I love you."
At pagkatapos ay unti-unting naglapat ang aming mga labi. Ang sarap sa pakiramdam na mahalikan ng taong mahal mo at mahal ka. Sobrang espesyal na nabura nitong lahat ang hindi magandang umpisa naming dalawa. Alam ko umpisa pa lang ito, at alam ko rin hindi madali ang pinasok kong ito. Pero sabi nga nila, hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Sa lagay ko, hindi lang subok kundi makikipagsapalaran gaya ng ibang nagmamahal.
Painit nang painit ang tapatan ng aming mga labi hanggang sa maramdaman ko na lang na nakahiga na pala ako sofa at nasa ibabaw ko siya.
“I fvcking miss you, Gigi,” tila nang-aakit na boses niyang bulong habang abala ang labi sa aking leeg.
Ganito pala ang pakiramdam, ‘yong gusto kong tumigil pero ayaw ng katawan ko. Basta ang alam ko gusto kong magpauba sa kaniya.
Ang labing kaninang nasa leeg ko’y bumaba pa nang bumaba hanggang sa maramdaman ko na lang na wala na pala akong saplot sa itaas.
“S-Sir Mathew–”
“Pss, stay still and trust me,” sabi lang nito hanggang sa tuluyang dumampi ang mainit niyang labi sa aking dibdib.
Kung anuman ang sunod na mangyayari ay wala pa akong ideya, basta ang alam ko mahal na mahal ko ang lalaking gumagawa nito sa akin.
A/N: KUNG MAPAPANSIN N’YO SILA RHYS, ARLO, JASPER AT DUSTIN NA NAISALI KO SA KWENTO. WELL KASI SILA ANG MAGBIBIDA SA “LOVE SONG SERIES NA MAY BUO NG PLOT. ABANGAN NIYO SILA
SERIES 1: MAYBE THIS TIME
SERIES 2: TEARS IN HEAVEN
SERIES 3: CAN’T HELP FALLING IN LOVE
SERIES 4: JUST THE WAY YOU ARE
ABANGAN! THANK YOU. OPS, MAG-ON NA ANG DALAWA, HMM, ANO NA KASUNOD?