Kabanata 17

2318 Words
Third Person Pov Habang nasa byahe Hindi magawang manukso ng bawat isa ng mga taong nakasakay sa van. Nagpapakiramdaman ang mga ito. Nandiyan kasi ang kanilang kuya Mathew. Si Jasper na pihikan ay nagdala na lamang ng mapaglilibangan kaya’t sinama niya ang babaeng kagabi lang nito nakilala. Lasing siya subalit malinaw naman sa isipan nito na hindi siya lumagpas sa limitasyon. Maya’t maya siyang napapalingon sa babaeng katabi na hindi man lang matandaan ang pangalan. Maganda ang dalagang kasama niya, mukhang inosente, hindi gaya ng mga lumalandi sa kaniya na halos kainin na siya ng buhay. Samantala, si Gabie at Arlo naman ay panay ang simpleng bangayan. Nagpapalakihan ang mga ito ng mata. Hindi kasi nila magawang magsigawan gawa ni Mathew. Oo at close sila sa isa’t isa. Subalit bihira lang kasi ito sumama sa mga lakad nila pwera na lamang kung may okasyon. Mukhang may ideya na rin sila ni Arlo kaya’t nagkakaintindihan ang mga ito sa simpleng pakiramdaman at sikuan. Tungkol naman naman sa estado ng dalawa, nagpahayag ng hayagang panliligaw ang binatang si Arlo sa dalagang si Gabie. Nag-umpisa ang mga ito sa bet kaya’t walang magawa itong si Gabie nang sabihin ng binata na officially dating na ang status nila. Kung alam lang daw ni Gabie na matatalo siya’y hindi ito nakipagpustahan sa binata. Simula magdalaga siya’y wala siyang ibang gusto kundi ang mailap at supladong si Dustin. Subalit tanggap na niya na hanggang kapatid at kaibigan lang ang turing sa kaniya. Kaya masaya na siya sa hayagang pagpapahiwatig ng nararamdaman ni Dustin sa kaibigan na si Gigi. Subalit mukhang kumplekado dahil halatang may gusto rin ang kuya Mathew niya sa kaibigan. Mapapa sana all na lang talaga itong si Gabie. Si Rhys naman ang isa sa pinaka walang pakialam sa lahat. Dahil sa estado at angking kagwapuhan kaya’t walang babaeng hindi nagkandarapa sa kaniya. Well, pwera kay Gigi na hindi naakit sa kaniya. Kaya’t pinalampas niya ito dahil masaya siya na nagkaroon na sa wakas ng totoong kaibigan ang pinsan na si Gabie. Alam niya na mapagkakatiwalaan ang kaibigan ng pinsan. Nai-background check na nila itong si Gigi kaya nalaman nila na ulilang lubos na ang dalaga at si Tita Lorna at Tito Joel ang kumupkop sa kaniya. Subalit sa kabila ng pagiging playboy nitong si Rhys ay may tinatago itong mabuting puso. Nag-aalala kasi siya sa maaring maging resulta ng pagkagusto ng kaibigan na si Dustin at ang isa pang itinuturing nilang kuya na si Mathew, para kay Gigi. Malayo-layo pa ang biyahe ng mga ito. Papunta sila sa Zambales. Isa sa private resort at bakasyunan ng pamilya ni Rhys. Habang nasa sasakyan ay nagaganap ang tensyon ng mga nakaupo sa second row na sila Dustin, Gigi at Mathew. Hindi makapaniwala si Dustin sa natuklasan sa tinuturing niyang kuya na si Mathew. Kung kailan nagka-interest siya sa isang babae ay mukhang magkakaroon pa siya ng karibal. Ginagalang niya si Mathew dahil mga bata pa lamang ang mga ito’y magkakasama na sila. Matalik na magkaibigan ang mga ito simula nurserry hanggang kolehiyo kaya kilalang-kilala na ng mga ito si Mathew. Hindi rin lingid sa kaalaman ni Dustin ang matinding pagkagusto sa kaniya ni Gabie. Subalit wala talaga siya gusto sa kababata. May minahal na siya noong high school pa ang mga ito, subalit kayamanan lang pala ang gusto ng babae sa kaniya. Kaya simula noon ay hindi na siya nag-seryoso sa babae. Para sa kaniya pang one night stand lang ang mga ito. Subalit iba si Gigi. Matapos ang ilang taon ay tumibok muli ang puso niya. Kaya hindi niya ito basta isusuko ang dalaga. May the best man win ika nga nila. Samantala mukhang may tensyong nagaganap sa pagitan nila Gigi at Mathew. Gigi’s Pov “Gaano pa kaya katagal ang byahe namin?” bulong ko sa aking sarili. Simula nang mag salita ng “fine” si sir Mathew ay nanahimik na rin ito. Mukhang nakatulog, sasama-sama pa kasi kahit halatang pagod naman. Pasimple kong iniikot ang aking mga mata sa dalawang katabi ko. Si Dustin na nakasandal sa salamin ng sasakyan at si sir Mathew na nakasandal naman ang buong likuran at ulo sa kinauupuan namin, parehas silang tulog. Ganoon din si Gabie at Arlo na nasa likuran ko. Habang si Rhys naman ay panay bulungan nila ng kasama. “Jasper, matagal pa ba tayo?” mahinang tanong ko sa abalang si Jasper. “I think 30 kilometers pa,” sagot niya. Gaano kaya katagal ang 30 kilometer na sinasabi niya? “Why? Do you need a comfort room?” Pinakiramdaman ko ang aking sarili, “hindi naman ako naiihi, nangangalay lang.” “Malapit na rin naman tayo, I think less than an hour na lang.” Natuwa ako sa nalaman, pakiramdam ko kasi’y hindi ako makahinga sa sobrang lapit ni sir Mathew sa akin lalo pa at nakasandal na ang uluhan sa aking balikat. Dama ko tuloy ang mainit niyang hininga na lalong nagpapabilis ng t***k ng aking dibdib. Hindi pa siya nakuntento at maya-maya’y naramdaman ko na lang ang kamay niyang nakayakap sa akin. Lalo akong nanigas. Gusto ko man siyang gisingin at itulak subalit halatang pagod na pagod siya, humuhilik pa nga ito. “Are you okay?” tanong ni Dustin nang magising. Ininguso niya si sir Mathew na nasa tabi ko. “Ayos lang,” ngiwing sagot ko. “Palit tayo?” “H-Hayaan mo na. Malapit na naman tayo,” mahinang sagot ko. Hindi naman sa natutuwa ako sa posisyon namin ni kamahalan, pero ayaw ko lang siyang maistorbo. Base sa nakikita ko’y mukhang ilang araw siyang walang tulog. “If that’s what you want, wala na ako magagawa,” mahinang bulong ni Dustin. Pansin ko ang pagkadesmaya nito sa aking sagot. “Sorry Dustin, kailangan niya kasi ako ngayon.” Hindi na ako nilingon ni Dustin hanggang sa makarating na rin kami sa wakas. Nagising na rin silang lahat. Bumaba na ang ilan habang ako’y hindi pa rin makaalis gawa ng katabi kong nag-uunat unat pa na halatang bagong gising. “Sir, nandito na po tayo.” “I’m sorry, nakatulog yata ako,” sagot niya bago bumaba. Saka pa lamang ako nakahinga ng maluwag at hindi ito nakaligtas sa katabi kong si Dustin. “Hindi ka ba nangalay? Gusto mo pa-massage–” “Ayos lang ako ano ka ba?” mabilisang sagot ko at bumaba na rin. Dumiritso ako kay Gabie na kanina pang kumakaway sa akin. “Pst, are you still alive?” bulong ni Gabie sa akin nang makalapit sa kaniya. Magkahawak kamay kami habang naglalakad papasok. “Huwag kang maingay, baka marinig ka nila.” Sabay kaming natawa at sabay ring napalingon sa dalawa na nasa likuran. “Welcome, Gigi, since this is your first time, kaya’y you must do the ritual.” “Ritwal? Ano ‘yon?” takang tanong ko kay Rhys na siyang nagsabi nito. “Hey, hindi lang naman si Gigi ang first time na nakapunta rito. How about your date?” sarkastikong sagot ni Gabie sa pinsan. "Great! I'm ready for anything!" malanding sagot naman ng babaeng kasama ni Rhys at walang kaabog-abog na naghalikan ang dalawa. “Ew, perv! Let’s go to our room, Besh.” Hinila ako ni Gabie papasok sa kwartong sinasabi niya. Gaya ng inaasahan ko kung gaano kagarbo ang labas ay hindi rin magpapatalo ang nasa loob ng silid na ito. Malaki ang espasyo at king size bed ang nasa gitna. May malaking tv at refrigerator at sofa. Napapalibutan ng mamahaling muebles gaya ng nasa sala. May malagintong wallpaper ang dingding at magandang design din ang kisame. Namamangha ako sa ganda kaya’t ‘di ko maiwasang magtanong, “pamilya mo ba nangmamay-ari ng lugar na ‘to?” “Mmm, kinda. Kay Kuya Charles at Rhys ang mga ‘to. Palagi kaming nandito since mga bata pa kami,” kipit balikat na sagot ni Gabie pagkahiga. “Nga pala, ano bang ritwal ang sinasabi ni Rhys?” tanong ko pagkaupo sa tabi niya. “Ay oo nga pala. May hinabilin kasi si Lolo.” “Habilin. ano naman?” takang tanong ko. Naupo si Gabie at hinawakan ang aking kamay. “Our Lolo loves to sing so much.” “Lolo n’yo nila Rhys at Kuya Charles?” "We're a family of singers—everyone has a talent! Grandpa's last wish was that the first person to enter this house would sing a song." “Ibig s-sabihin kailangan kong–” “Yes, that’s our Lolo’s wish. Ayaw daw niyang mapuno ng lungkot ang bahay bakasyunan namin kahit wala na siya, kaya please do it for Lolo.” Hindi ko man maintindihan ay kailangan ko na lang sumunod. Bahala na kung anong mangyayari. Puting buhangin, malinaw na kulay berdeng karagatan ang nagpamangha sa aking paningin nang ilibot ako ni Gabie. Bukod sa dagat ay mayroon ding malaking swimming pool na may mahabang slide. Kung titingnan mo ang lugar ay mas maganda pa ito sa mga napapanood ko sa tv noon. At ang pamilya lang naman nila Rhys ang nagmamay-ari nito. Hindi ko lubos maisip kung gaano sila kayaman. Maraming kwarto sa dalawang palapag na kabuuan nito pero isa ang kwartong pinili ni Gabie ang pinakamalaki. Gusto daw niya akong makatabi sa pagtulog. Hapon na rin naman kami dumating kaya’t naghanda muna ng meryenda ang namamahala nito sa pangunguna ni Rhys. Mamayang gabi pa raw kasi darating ang kuya Charles nila kasama ang mapapangasawa na si Jas. “Magbihis muna tayo,” sabay hila sa akin ni Gabie papasok sa aming silid. Napakunot ako nang ihagis niya sa akin ang kakapirangot na kulay puti na hindi ko malaman kong damit o kung ano? Nang tingnan ko ito’y nanlaki ang aking mga mata nang mapagtantong bra at panti pala ang hawak ko. “Ano gagawin ko rito? Meron pa naman ako nito,” sabi ko sabay balik ko sa kaniya. “I know, just wear it. Swimsuit ‘yan gaya nito. Isusuot ko rin,” balewalang sagot niya habang hawak ang kulay pulang hawak naman niya. “Ano?! Isusuot ko ‘to? ‘Di na lang ako maliligo–” “No! Hindi pwede. Isusuot mo ‘yan. Just wear na lang this para ‘di ka mailang,” sabay pakita niya ng puting maikling short. “Kailangan ba talaga ganiyan pa?” “Yap, ako nga itong 2 piece lang and this. Which one do you like?” Pinakita naman niya sa akin ang manipis na puting tela na halos wala kang tinakpan pagsinuot ito. “Sige, short na lang,” walang magawa kong sang-ayon. “Wow! You look… stunning gorgeous May tinatago ka pa lang boobs na kinaiingitan ko noon pa. How I wish I have that too.”. “Seksi? Ako? Ikaw nga riyan eh. Ang puti-puti mo. Tingnan mo nga ‘tong balat ko.” “I like that tan too. So be thankful. Hindi ka maitim. Maybe makukuha lang ‘yan sa bleach. Don’t worry dadalhin kita kay Doc.” Napapailng na lamang ako sa kakulitan ni Gabie. Hindi lang nagtatapos sa suot ko ang pangungulit ni Gabie. Bago kami lumabas ay nilagyan pa ako nito sa mukha ng kung anu-ano at nilugay ang kulot kong buhok. Natuwa naman ako kasi kahit papaano ay pwede kong takpan ang aking dibdib. “Gab, the food is ready. Kayo na lang hinihintay namin,” boses ni Rhys na siyang kumatok sa labas. “Oo, palabas na Kuya Rhys,” sagot niya. “Let’s go. Pakita mo kay Kuya Math na mas maganda ka kay Belinda.” Biglang nagalak ang aking puso sa sinabi ni Gabie. Hindi ako nakikipag kompetensya dahil wala naman akong laban kay miss Belinda. Pero proud akong mayroon din naman akong tinatago. Nagtatawanan habang nasa mahabang hapagkainan na punong-puno ng iba’t ibang pagkain ang bumungad sa amin paglabas. Malapit sa tabing dagat ang mesa na may malaking tent. May mga upuang nakalaan kung saan magkakatabi ang couple na kasama namin. Nakatayo pa rin ako at mukhang tanga pa rin habang namamangha sa ganda ng lugar at pagkaing nasa mesa. Kung kaya wala na akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa akin hanggang sa may sabay na humila sa aking magkabilaang kamay. Saka pa lamang ako natauhan nang makitang ako na lamang pala ang nakatayo habang hawak pala ni Dustin ang kanang kamay ko at kaliwa naman si sir Mathew. “Hey besh. Let’s eat na,” tawag sa akin ni Gabie nang at tinuro ang bakanteng upuan kung saan napapagitnaan na naman ako ng dalawa. Pasimple kong hinila ang aking mga kamay kaya’t nabitawan nila ito. Hindi ko na lamang tiningnan ang malagkit na titig sa akin ni sir Mathew at tinuon na lang ang sarili sa seafood na nakahain. Nagsimulang mag-ingay ng kanya-kanyang mga kwento ang mga kasama ko. Puros ingles ang salita nang mga ito maliban sa babaeng katabi ni Jasper na tahimik lang. Gaya ko’y nakashort lang din ito at itim na bra. Sobrang ganda niya kahit wala siyang make-up. Pinakilala ni Jasper ang pangalan niya at ganoon din ako. Pati ng ka-date ni Rhys na halos kita na ang kaluluwa sa suot. Napukaw ang atensyon ko nang sabay na may naglapag nang nabalatang hipon sa aking plato. Nang tingnan ko ang mga ito’y walang iba kundi ang dalawang katabi ko. Si Dustin na hindi ko mahulaan ang ekspresyon ng mukha at ni sir Mathew na namumula na sa hindi ko malamang dahilan. Tama lang kaya ito ng alak na halatang kanina pa niya iniinom? O baka iba na naman ito na siyang nagpakaba muli sa akin ng sobra. "Finish your meal, we have important things to discuss later." AN: SORRY KUNG HINDI KO NASUNOD ANG DAILY UPDATE. PERO KUNG DI NAMAN BUSY AY MAG UUPDATE AKO ARAW ARAW. THANKS. NGA PALA GAGAWA AKO NG SPECIAL CHAPTER NG MY BOYISH PRINCESS PERO SA w*****d KO I UPDATE THANK YOU ILIT.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD