Gigi
“Good morning, my sunshine. Always missing you, Mathew.”
Pangatlong araw na ito simula nang makatanggap ako ng mga bulaklak pagkagising sa umaga. Sa umaga at maging sa pag-uwi ko sa hapon ay kung anu-anong chocolate at teddy bear naman ang nadadatnan ko. Ngunit ni anino niya ay hindi ko makita. Talaga namang pinanindigan nito ang hindi na pagpapakita sa akin.
Aaminin ko, nami-miss ko na siya. Ang kakulitan at pang-iinis niya lagi sa akin. Ang paghahanda ko sa kaniya ng pagkain, pag-aasikaso ko sa kaniya sa taping at lahat-lahat sa kaniya.
Hindi ko rin maipagkakaila na labis na sumasaya ang puso ko sa pagpaparamdam niya sa akin kung gaano ako sa espesyal. Pakiramdam ko ay sobrang ganda ko naman para suyuin ng isang Mathew Alonzo. Ngunit sa kabila ng sayang nararamdaman ko’y nangingibabaw pa rin ang lungkot. Nalulungkot ako kasi hindi ko na siya nakikita. Sana hindi na nangyari ang mga nangyari. Sana kasama ko pa siya.
Hindi ko naman hinahangad na magustuhan niya ako. Ang gusto ko lang ay ang masilayan siya, ang tingnan lang siya sa itaas, hangaan ng isang kagaya ko.
Ngayon, hindi ko mawari kung ano ba itong pinapahiwatig niya sa akin? Bakit siya ganito? Ano ang ibig sabihin nang lahat ng ito? Ayaw kong mag-isip na may gusto na siya sa akin. Mahirap umasa, baka lalo lang akong masaktan.
Nagpatuloy ako sa aking pang-araw-araw na gawain. Naglilinis, naghahanda ng pagkain para sa kaniya. Alam ko naman na pumupunta pa rin siya kapagka wala na ako’t nasa eskwelahan na. At aalis naman kapag ka pauwi na ako. Gusto ko pa rin gampanan ang trabaho ko bilang assistant.
May tatlumpung minuto pa ako para umalis papuntang eskwela. Nagpadala ng mensahe sa akin si Dustin at sinabing sabay na raw kami. May sabay kaming oras sa klase ngayon kaya wala naman masama kung sasabay ako.
Habang hawak ang cellphone ko’y nakatitig lamang ako sa huling mensahe ni sir Mathew sa akin. Ang mensahe kung saan humingi siya ng sorry sa nagawa niya sa akin nang gabing iyon. Nag-aagaw ang kagustuhan kong magpadala ng mensahe sa kaniya at kawalan ng lakas. Ano ba ang dapat kung sabihin? Dapat ba sabihin ko na “sir, balik na kayo dito. Hindi na ako galit,” haist, iniisip ko pa lang ay parang matutunaw na ako sa hiya. Kaya’t napapailing akong nilagay ang telepono sa bag at nagpasyang bumaba na lang. Sa lobby ko na lang hintayin si Dustin.
“Is something bothering you, Gisselle?” tanong ni Dustin nang mapansin niya ang panay buntonghininga ko sa sasakyan.
Dapat ko bang sabihin sa kaniya na ang kuya Math nila ang bumabagabag sa isip ko nitong nakaraang araw? “Wala lang ‘to.”
Hanggang makarating kami’t mag-umpisa ang klase’y naging tahimik lang ako. Mabuti na lang hindi ko kaklase ang makulit na si Gabie ngayon. Hindi ako tatantanan nun hangga’t ‘di niya ako napapaamin.
Lunch break, magkakasama kaming anim. Sina Arlo, Rhys, Jaspert at Dustin pati ng kaibigan kong walang tigil sa pag-iinarte at asaran kasama si Arlo. Hindi ko akalain na magiging malapit ako sa mga ito. Kung tutuusin sino ba ako kumpara sa kanila? Kaya’t naniniwala akong hindi lahat ng mayayaman ay matapobre.
“It’s a long weekend, right?” si Rhys.
“Yah, so?” takang tanong naman ni Jasper. Kahit kailan talaga ang lakas niyang mang badtrip.
“Oo nga, ano naman kung… O My G. Cuz, may pakinabang din pala ang pagiging babaero mo minsan,” biglang saya ni Gabie. Nakatingin lang ako sa kanila dahil wala naman ako maintindihan.
“Tsk! Anong connect?” si Rhys.
“Babe, tell them,” hirit naman ni Arlo. Samantalang kami ni Dustin ay napapailing lang. Pinagtitinginan na kami’t lahat ay wala man lang sila pakialam. Pansin ko ang talas ng mga tingin ng mga babaeng naghahabol sa mga prinsipeng kasama ko.
“What should I say? Ah! Oo nga pala. Since it's a long weekend naman kaya what if we go out of town?”
“Nope aside from that… okay since nahihiya si babes sasabihin ko sana na Gabie and I are dating,” si Arlo.
“What?!”
“Ano?” halos sabay-sabay naming sabi.
“H-Hoy you’re so annoying Arlo. K-Kailan pa naging t-tayo?” nagkandautal na sabi nitong kaibigan ko habang namumula at panay ang hampas kay Arlo. Nang tingnan ko naman ang mga kasama ko’y napapangisi. Parang may alam sila na hindi ko alam.
“Okay that’s enough!” biglang saway ni Dustin. Hala nagalit ba siya? “I think kailangan nga natin ng out of town since malapit na ang exam.”
Kaya ayon na nga, wala na akong nagawa. Tatanggi sana ako, pero ipinagpaalam na nila ako kay sir Mathew. Niyaya pa nga nila kaya’t sobra akong kinabahan. Naghahalo ang saya dahil makikita ko na siya at kaba na hindi ko maintindihan. Subalit hindi daw pala siya makakasama dahil may shooting daw siya sa Singapore. Haist, sayang kasama sana ako.
Holiday sa Monday kaya long weekend. Sabado ng umaga ay sinundo nila ako gamit ang van na si Jasper ang nagmamaneho. Bago umalis ay dumaan muna kami sa grocery para mamili ng mga baon namin sa byahe. Kumpleto na naman daw sa pagkain ang pupuntahan namin kaya wala ng problema.
Nasa parking na kaming lahat. Hindi ko alam kung sino pa ba ang hinihintay namin. Bale, driver si Jasper, katabi ang girlfriend niya na ngayon ko lang nakita. Nasa gitna ako na katabi naman si Dustin. Si Gabie sana kaya lang sumiksik itong si Arlo kaya ang ending nasa pangatlong upuan siya naupo katabi ni Arlo.
Nasa dulo si Rhys katabi ang bagong babaeng binobola niya. Maluwag pa talaga kami kasi singlaki ng sasakyan ni sir Mathew itong sinakyan namin. Kung titingnan couple kaming lahat, pero sila lang naman dahil wala kaming relasyon ni Dustin.
“Nasaan na ba si Kuya— oh, there he is.” Bumukas ang pinto at tumambad sa amin ang humahangos na sir Mathew. Napakagat labi ako sa pagkakagulat.
“Sorry guys, I'm late.” Akala ko ba nasa Singapore siya.
“Where is Kuya Charles and Ate Jas?” tanong ni Rhys. Hindi kaagad nakasagot si sir Mathew dahil nakatingin sa akin at sa bakanteng upuan sa tabi ko. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ako naupo sa dulo. “Makipagpalit kaya ako kay Dustin?”
“S-Sir akala ko po nasa–”
“Well, I changed my mind. I mean na re-sched ang taping sa Singapore. Si Charles susunod lang daw sila ni Jas,” sagot niya saka naupo sa tabi ko.
“Okay, so let’s go?” si Jasper.
Nagsimulang umandar ang sinasakyan namin na panay kwentuhan ng mga kasama ko. Tinanong pa nila kung bakit wala ang girlfriend niyang si Belinda, pero ‘di naman sinagot nitong si sir Mathew, sa halip iniba ang usapan at sa kay Dustin tinuon ang tanong.
“So Dustin, what’s your standing?” tanong nito sa katabi ko. Natigilan ang lahat at naghihintay sa standing na tinanong ni sir Mathew. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko may kinalaman sa akin o asumera lang ako.
Tumagilid siya kung saan sa amin siya nakatingin ni Dustin partikular sa akin. Pakiramdam ko’y natutunaw na ako. Lalo pa’t pinatong nito ang kamay sa kamay kong namamawis na sa kaba.
“You mean standing ko kay Gisselle?” Sinasabi ko na nga ba. Anong standing ba e ‘di naman nanliligaw sa akin ‘to.
Kipitbalikat lang si sir Mathew at maya-maya’y sumandal ng maayos. Nakahinga ako nang sa wakas wala na sa akin ang mata niya.
“Not yet, but I’m getting there. Ayaw kong madaliin si Gisselle,” sagot ni Dustin. Pinagpapawisan na ang buo kong katawan. Nasa gitna ako kung saan hawak nilang pareho ang aking bagkabilaang kamay.
Tumahimik na lang ako’t isinandal na lang ang ulo sa upuan at pumikit. Kung alam ko lang ganito ang mararanasan ko’y ‘di na lang sana ako sumama. Hindi ko alam gaano katagal akong nakapikit hanggang makatulog ako.
Naalimpungatan ako nang may narinig akong nagbubulungan. Gusto ko sana idilat ang aking mga mata subalit narinig ko ang aking pangalan at siguradong boses ng dalawa kong katabi ang siyang nag-uusap.
“Kuya Math, I respect you, but I will not give up when it comes to Gisselle,” boses ni Dustin.
“Marami pang babae riyan Dustin–”
“How could you say that? Alam na alam naman natin kung ano kayo ni Belinda.” Bumukas ang pinto at boses ng mga kasama ko ang nagsidatingan. Kaya napagtanto kong nakatigil pala kami at wala ang mga kasama namin. Tumigil ang dalawa sa pag-uusap.
Gustong-gusto ko nang ibuka ang aking mga mata pero baka mahalata nilang gising ako kanina. Kaya nagtiis pa ako ng trenta minutos saka ko pa lamang binuka ang aking mga mata at nag-inat inat.
“Here’s your snack,” si Dustin.
“Nag take out ako ng food para sa ‘yo,” si sir Mathew nang sabay nilang inabot sa akin ang pagkain.
Pakiramdam ko’y matutunaw ako sa kahihiyaan. Ayaw kong mag-isip ng masama ang mga kaibigan ko. Pero ano ba ang gagawin ko? Ngayong hayagan na nilang pinapahiwatig ang sarili sa akin.
“Haba ng hair,” sabay-sabay sabi ng mga ito. “Lupa kainin mo na ako.”
Ako lang ba ang walang alam sa nagaganap ngayon? Kailangan ba matuwa ako? Hindi ko naman hinangad na magka boyfriend. Pero bakit kailangan dalawa pa?
“Sir, ito muna kakainin ko ‘yong kay Dustin. Busog pa kasi ako. Salamat.”
“Fine!” nakasimangot niya akong tinalikuran at pabalibag na ipinatong ang hawak. Paktay na naman ako nito. Kung anuman ang mangyayari pa? Bahala na.
AN: PAKIHILA NGA PO ANG HAIR NI GIGI. ANG HABA KASI EH. HAHAH. BUMUTO AKO KAHAPON KAYA DI NAKAPAG UPDATE.