Gigi Para akong nalagutan ng hininga sa pagkakagulat. Kumukurap ang aking mga mata subalit pigil ang aking hininga. Dinig ko ang pagngisi nito kasabay ng sarkastiko nitong sinabi. “Breath, Miss Giling. Mukha ba akong nangangain…?” putol nito sa tanong. “Oh, yeah I forgot. I once ate you.” Napapikit ako’t nag-umpisa manginig ang aking kamay. Bakit kailangan pa niyang ipaala ang nakaraan? “S-Sir, I’m sorry po. Babalik na lang ho ako bukas para sa start ng OJT ko. Excuse me,” sabi ko sabay ng pag-martsa palabas. Saka pa lamang ako nakahinga ng maayos nang malayo sa kaniya. Bakit pakiramdam ko may galit siya sa akin? Dahil ba hindi ako nagpaalam? May ninakaw ba ako sa kaniya na hindi ko alam? Kung ito man ay tadhana’y sana hanggang dito na lang ang lahat ng ito. Nagpaalam ako kay Mrs. Ba

