Kabanata 30

1714 Words

Gigi “Oh, bunso ba’t busangot ang mukha?” salubong na kilay na tanong ni ate Maria. Alas sais pa lang ng umaga’y nandirito na kami sa Divisoria para mamili ng ititinda. Dahil sa alas diyes ang pasok ko sa M.A, kaya kailangan namin agahan. “Wala ‘to,” maikli kong sagot. Nakasandal ako sa pader kung saan pabukas pa lang ang mga suki naming instek. Tinapik ni ate Maria ang balikat ko. “Alamo, simula nang makilala kita, dalawang beses pa lang kita nakikitang ganyan. Una nang makilala kita sa motel. Pangalawa ngayon, sige nga sabihin mo sa akin. Alam kong meron,” mahabang litanya ni ate Maria. Alam ko naman na mapagkakatiwalaan siya, pero hindi pa ako handa magkwento sa kaniya ngayon. Magulo pa ang lahat ng nangyayari sa akin. “Huwag kang mag-alala, ikaw ang unang makakaalam kapag ‘di ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD