Puting kisame at amoy ng ospital ang unang nakita at nalanghap ko pagkagising. May swero sa kamay ko at nakasuot pa ako ng hospital gown. Pinakiramdaman ang sarili kung may masakit ba dahil huli kong naalala ay ang nangyari sa bahay kanina. "Mommy, how's my babies?" Hindi ko rin nakita ang tatlo kaya nag-umpisa na akong mag panic, tapos bakit naiiyak si mommy na nakatingin sa akin! "Anak." Kinuha ko ang inabot na tubig ni mommy. Labis ang pag-aalala niya sa akin at tumawag siya agad ng doctor. "Calm down, Khalista." Umiling ako dahil hindi niya ako sinasagot! How can I calm down? Hindi ko alam kung okay lang ba ang mga anak ko! "Mommy! Answer me!" Malaki parin naman ang tiyan ko kaya nasa loob lang sila. I can feel it kaya bakit siya umiiyak sa harap ko! "They're fine." Hindi ako m

