“Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago.” napatingala ako dito. Natigilan ako pero agad ding nakarecover. “Bakit nandito ka?” Hindi nito pinansin ang tanong ko. “Baliw ka talaga.” sa halip ay sabi nito. Umupo ito sa tabi ko at sinara yung payong na dala-dala nito. “Wala namang kwenta ang payong na ito.” bulong pa nito bago ilagay yung payong sa tabi at nagpakabasa na lang rin sa ulan. “Bakit ka nandito?” tanong ko ulit. “Dahil nandito ka?” Kahit naguluhan ako sa sinabi nito mas pinili ko na lang manahimik. Ayoko ng umasa. Tsk. Nanatili lang kaming tahimik pero parang wala na yung pader na pumagitan samin nung sinabi kong mahal ko ito, mas komportable yung katahimikan—walang ilangan. “Natatandaan mo pa bang sa park din tayo unang nagkita noon?” bagas nito sa katahimikan. Napatin

