—First’s POV— Dahil sa kabaliwan ng tatlong iyon ay naliwanagan na ako. Ano naman kung hindi ako pinapansin ni Mae? Edi ako na lang ang magpapapansin sa kanya! Gagawin ko ang lahat para lang pansinin ulit ako nito. Lahat naman ng sabihin nito ginagawa ko, kahit na ang sinabi nitong ako na mismo ang hindi magpakita sa kanya. Ayaw na ako nitong Makita kaya mas pinili ko na lang na tingnan ito sa malayo, ilang lingo pa lang itong nakakabalik sa buhay ko. Limang taon siyang nawala kaya naman paano ako lalayo dito. Pagkapasok na pagkapasok ko ng canteen nagbulungan na agad yung mga studyante, tinatanong nila kung anong nakain ko at pumunta raw ako dito. Bakit ba parang kilalang-kilala na nila ako kung magbulungan ang mga tao dito. Ayoko talaga sa lugar na ito pero gustong-gusto ni Mae sa lu

