—First’s POV— Dahil alam kong simula sa araw na ito ay magiging maaga na ang paggising ko ay dinamay ko ang tatlong yon kaya gumawa ako ng mga bagong rules para sa kanila. Siguradong magugustuhan ng tatlong yon ang ginawa kong Rules lalo na yung #7, baka mahalikan nila ako sa tuwa kaya nilayasan ko na sila para mapuntahan na si Mae. Bilang isang makatarungang Leader syempre may mga dahilan naman ako sa bawat Rules na ginawa ko. Rule#1—No more bullying. Kaya lang naman ako nambubully ay dahil naging libangan ko na ito simula ng mawala si Mae at ngayong umuwi na siya wala ng dahilan para gawin ko yan. Isa pa, ayaw ng babaeng yon sa mga taong nambubully. Rule#2— Before 8am, PBG members must be here at JMA University. Tulad ng sinabi ko kanina, palagi na akong magiging maaga ang gising k

