Chapter7-Seven rules

1066 Words
—Jake's POV—  "Nasan na ba si First? Ang aga-aga niya tayong pinapasok tapos siya itong wala dito!" mainit ang ulong reklamo ni Kuya James. Kagabi kasi ay tinawagan kami ni First para ipaalam na may meeting kami ngayong umaga dito sa headquarter namin sa school. "Chill ka lang, Kuya, baka may dinaanan lang yon." Pangkalma ko muna dito. Kahit ilang taon na ang nakalipas hindi pa rin ako sanay sa naging ugali nito ngayon, hindi naman kasi siya dating ganyan. Simula ng iwan nito yung ex-girlfriend nito dati ay naging ganito na siya kainitin ang ulo. Hindi din nito nasabi samin ang dahilan kung bakit niya iniwan ang babaeng yon pero may duda na akong may kinalaman dito ang pamilya nito. Saming apat ito ang pinakamatanda kaya nasanay na kaming tinatawag itong kuya. Kahit na nagbago na siya sa ugali ay hindi pa rin nagbabago ang pagiging kuya nito samin. Noon ay ito ang pinakamatino samin pero naging rebelde na rin ito lalo na sa pamilya niya. "Kung may dadaanan pa siya dapat hindi niya muna tayo binulabog ng ganito kaaga. Tsk." "Relax ka lang, magkikita rin kayo ni First. Huwag mo masyadong mamiss, Kuya. Hahahaha!" biro ni Mike.  G*** talaga ang potek! Saming apat siya ang pinaka walang kwenta, hahahaha! Pero syempre siguradong magrereklamo ito at sasabihing ako ang pinakawalang kwenta samin kaya habang POV ko pa ito ay sasabihin ko nang si MIKE ang PINAKAWALANG DIREKSYON ANG BUHAY SAMING APAT!  xD "Gusto mo na bang mawalan ng mana?" seryosong tanong dito ni Kuya James. Hindi alam ng pamilya nito ang pagiging babaero nito kaya siguradong madi-disappoint ang pamilya nito kapag nalaman nilang ang inaakala nilang matinong anak ay loko-loko pala. "Biro lang! Masyado ka namang seryoso!" -_____-" Si Mike ang pinakanakakasundo ko dahil parehas kaming babaero. Hindi ako katulad ng iba na tinatanggi ang pagiging babaero. Mga bakla lang ang nagkakailang hindi sila playboy kung ganon naman talaga sila at hindi ako bakla. Pero syempre ibang usapan na kapag sa babaeng nilalandi mo na aamining babaero ka. Walang babaerong inaamin sa babaeng pinaglalaruan nila na babaero sila lalo na kapag matinong babae ito. Hindi pa naman ako ganon kabobo. Hindi naman talaga ako Playboy dati kaya lang sabi ng mga magulang ko ay may nakatadahana ng babae para sakin. Kilala ko sila kaya kung anong sinasabi nila ay yon ang masusunod, kaya habang malaya pa ako kailangan ko munang magpakasaya. Hindi ko rin hinahayaang mainlove sa mga babaeng nagiging girlfriend ko, hindi ako baliw para mainlove sa kanila. "Aalis na ako. Tsk." Nagsimula na itong maglakad papuntang pinto pero bago pa niya mabuksan ang pinto ay nabuksan na ito ni First. "Let's start." Bungad nito samin na nilagpasan lang si Kuya James. Hindi man lang humingi o nagbigay ng dahilan kung bakit late siya ng dating. Ang bait talaga nang Leader namin, sobrang nakakaproud siya. =______= Akala ko pa naman medyo magbabago na ito dahil sa babaeng yon—yung babaeng sumapak dito. Kinakayan-kayanan lang siya ng babaeng yon at wala itong pakielam kahit na ginaganon na siya nang isang babae. Piling ko rin mabait ang babaeng yon dahil tinulungan nito yung lalaking binubugbog ni First. "Ano bang ipapagawa mo? May laban ba tayo mamaya kaya pinapunta mo kami dito ng maaga." iritadong tanong ni Kuya James. "May bago tayong Rules." Tipid na sagot nito, may nilapag naman siyang papel sa lamesa, mukhang doon nakalista yung mga Rules na tinutukoy nito. "I have to go." Pagkasabi non ay walang pakundangang umalis na ito.  Sanay na kami sa pagwa-walk-out nito ng walang pakundangan kaya hindi na lang namin siya pinansin o hinabol pa.  "Ano ito gag***n?! Ginising niya tayo para lang sa mga basurang yan?!"—James Dinampot naman namin yung papel na iniwan nito.  [PBG] Seven rules to follow: [1] No more bullying. Teka, para sa kanya lang ito ah? Sa pagkakatanda ko si First lang naman ang nambubully samin. =_____= [2] Before 8am, PBG members must be here at JMA University. 8am?! Gising ko lang yan!  [3] No more p********e girls. Ang panget naman nung terms na ginamit nito... p********e? Hindi naman p********e yung mga dinadala namin ni Mike ah? Mga flirt lang sila? Ayos lang naman sakin itong rule #3, marami namang lugar na pwede kong pagdalhan sa mga babaeng nakakalandian ko, malaki naman itong school. Marami ring tagong lugar sa school na ito kaya madali ng magtago, tsaka mukhang dito lang naman hindi pwede magdala sa headquarter namin. Ang talino ko talaga, hahahaha! [4] You have to attend all of your subjects and classes. Pwede bang alisin ito? Tamad pa naman akong pumasok sa klase! [5] Cutting classes is now forbidden. Parang parehas lang ito nung rule #4 ah? Tsk.  [6] Vandalism is now forbidden.  Pati ba naman ito kasama?! Palagi pa naman kaming nagdra-drawing sa kung saan-saang pader ni Mike dito sa school! Sobrang linis kasi ng mga pader dito, nakakatuwang sulatan. Tsk. Bigti na. =______=  [7] Eating in School Canteen is now permitted. Langya sawakas may maganda ring nakasulat sa papel na ito! May konsensya rin pala ang halimaw na yon? Banung-bano kasi talaga akong kumain sa canteen, ayaw kumain ni First sa canteen kaya pinagbawalan niya rin kaming pumasok doon, bwiset din talaga sa buhay ang lalaking yon dinamay pa kami sa ayaw nito! May CCTV dito sa school kaya kahit gustong-gusto kong pumuslit sa canteen ay hindi ko magawa. Takot ko lang sa ipapagawa sakin ni First, baka kalbuhin ako nito. Hindi ako nagbibiro, kaya ako nitong kalbuhin ng hindi man lang ako nakakapalag! Palagi kaming dito nakain sa headquarter namin, hindi na kami umuuwi ng bahay kapag lunch dahil dito na rin kami kumakain. Ang itsura nga pala ng hedquarter namin ay two story house na kulay green, si First ang may gusto na kulay green ang kulay ng hedquarters/house nang PBG at syempre dahil sya ang leader kailangang naming siyang sundin. Isa pa, wala rin naman talaga kaming panama sa First na yon. =_____= "Langya yung pang seven lang ang nagustohan ko dito!"—Mike. Sabi ko naman sa inyo magkasundo  kami nyan. "Tsk, ito lang pala pinagising niya pa ako ng ganito kaaga!"—James  Kung makapag 'lang' naman ito. Malamang hindi naman kasi ito mahilig sa babae kaya baliwala lang dito itong mga kalokohan ni First. "Matutulog na ako! Tsk. Diyan na kayo mga bata." Pagkasabing yon ay tumaas na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD