—First’s POV—
“Mark!” Hindi ko ito pinansin o nilingon man lang.
“Mark, ano ba! Tumigil ka nga mun—aray!” Agad akong napalingon dito. Nakita ko itong nakadapa sa sahig kaya agad ko itong nilapitan.
“Mae, okay ka lang ba? Saan masakit? Patingin ng tuhod mo.” Pag-aalala ko dito, hindi ko Makita yung tuhod nito kung may sugat dahil tinatakpan nito iyon. “Patingin nga ako! tsk. Bakit kasi tumatakbo ka?! Mag-ingat ka naman!” Bigla itong tumingala sakin at ngumiti. Yung ngiti nito, takte, ang ganda niya talaga. >_____>
“Joke lang, hahahaha! Akala mo nadapa talaga ako? Tingin mo sakin lampa? Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis eh.” Tumayo na ito habang nakangiti pa rin. Ang galing talaga nitong umarte. Tsk. Tsk! Nahuli nanaman niya ako, alam talaga nitong hindi ko siya matitiis kahit pa galit ako sa kanya. Tatalikuran ko na sana ito pero hinawakan nito ang kamay ko at hinarap dito tapos yumakap sakin.
“Sorry na kung may nasabi man akong masama.”
Argh, nakakainis talaga ito, ayaw na ayaw ko talaga kapag pinipikon niya ako tapos konting paglalambing lang nito sakin lumalambot na agad ako. =________=
“Badtrip talaga! Oo na, okay na!” Wala na akong magagawa, niyakap na niya ako eh. Isang yakap lang niya nawala na yung pagkabadtrip ko.
“The best ka talaga, hindi naman talaga kita boyfriend eh, Tatay nga diba kita? Hahahahaha!” Pang-aasar nanaman nito. Kumalas na ito sa pagkakayakap sakin.
“Ah, ganon?” Tinalikuran ko na ito ulit.
“Asar talo ka talaga, biro lang eh. Tsk.” Sumabay na ito sa paglalakad sakin.
“Mark?”
“Oh?”
“Inaantok ako.” Pagkasabi nitong yon ay agad akong umupo sa harap nito patalikod.
“Sakay na.”
Wala pa rin siyang pinagbago. Ganito kasi kami noon pa, bago ako nito iwan. Basta kapag nagsabi itong inaantok siya, kailangan kong ipasan ito dahil sa likod ko na ito matutulog. Pumasan na ito sakin, ilang sandali lang ay nakatulog na nga ito.
Dumiretso na lang ako sa Office ni Ate Mylene, siya kasi ang Principal dito. Kilalang-kilala ni Ate si Mae kaya siguradong hindi ito magagalit kapag don ko ito ihihiga, baka nga matuwa pa ito dahil bumalik na ito
Pagkarating sa Office ni Ate ay hiniga ko na si Mae sa kama ng kwartong pinagawa nit Ate Mylene. Nagpagawa ito ng kwarto sa Offce niya para sa anak nitong si Melvin. Ang sabi nung Babaeng hindi ko kilala, Assistant ata ni Ate, umalis daw ito. Kilala naman ako dito sa school kaya hinayaan niya lang kaming makapasok dito sa Office. Hindi muna ako umalis, umupo ako sa tabi ng kama at pinagmasdan ko lang ito, ang himbing talaga nitong matulog. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti, ang sarap niyang tingnan, hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na siya. May mga nagbago na sa pangangatawan nito, tuluyan na siyang naging dalaga, mas gumanda siya ngayon.
Napatingin ako sa labi nito, naalala ko tuloy yung paghalik ko sa kanya ng magpaalam ito sakin. Hiinawakan ko ang labi, hindi ako nagsisising hinalikan ko ito, siguro kung hindi ko yon ginawa hinanap ko na ito noon pa. Ako ang First kiss niya kaya ako din dapat ang last.
…………
“Hmm…” Unti-unti nitong binuksa ang mga mata nito. Halos tatlong oras na itong natutulog.
“Sh*t, anong oras na?” Tanong nito kagad pagkabangon.
“11am.”
“11 na?! Bakit hindi mo ako ginising! Hindi ako nakapasok sa tatlong subjects ko!”
Wow, sisihin daw ba ako. =___________=
“Saan ka pupunta?” Tanong ko ng tumayo na ito at maglakad papuntang pintuan.
“Sa room ko, meron pa naman akong last subject eh.”
“Huwag ka na kayang pumasok?” pambabad-influence ko dito. Nakakatamad kasing pumasok, siguradong kapag pumasok ito, wala na akong magagawa kundi pumasok na lang din.
“Mukha mo, hindi na nga ako pumasok kahapon eh.”
“Tsk, okay, papasok na rin ako.”
“Okay, pero baka hindi tayo magkaklase. Ano ba section mo?”
“Section uno.” Imposibleng hindi kami magkaklase kas—
“Ah okay. Hindi pala tayo magka section.”
“Ano? Bakit?!” O______O
“Ang pangit mo! Hahahaha!”
Ang babaeng ito. =_________=”
“Biro lang, ang initin pa rin ng ulo mo.”
“Bakit hindi ka section uno?!”
“Dahil ayaw ko? Diyan naman talaga ako dapat kaya lang ang sbai ko kay Papa ilipat ako ng section, nakakasawa na kasi.” Paliwanag nito.
Bata pa lang kami palagi na kaming nasa unang seksyon, kaya hindi ako makapaniwalang naging section dos ito. Matalino kasi siya pero mas matalino ako, palagi kaming nag-aagawan sa Ranking pero palagi siyang natatalo.
“Tara na, sumabay kana sakin papuntang room mo.” Sabi nito, mali pala, UTOS pala nito. =______=
“Ano pa nga ba. Tsk.”
Ang totoo, minsan lang ako pumasok sa room ko. Kapag lang sinipag ako na minsan lang mangyari, kapag exma days lang ako hindi umaabsent, tinatamad man ako o hindi. Sa mga exams lang kasi ako bumabawi, marami ring nagtataka kung bakit palagi akong nangunguna sa section namin. Kasalanan ko bang matalino ako? Tsk. Hindi naman talaga ako ganito katamad pumasok dati, nagsimula lang akong tamarin ng iwan ako ni Mae. Ewan ko ba, naging boring para sakin ang school simula ng mawala ito, hindi ko alam kung bakit nga ba kailangan ko pang pumasok.
—Joanna’s POV—
Sabay na kaming naglakad papuntang building kung saan nandon yung Rooms naming dalawa, magkalapit lang daw kasi yung section uno at dos. Malamang naman, diba? Magkasunod lang numero eh. xD
Hindi ko alam kung anong meron pero bakit padami ng padami at yung mga studyanteng nakakasalubong namin, ang iingay din nila. Tsk.
“Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!! Si First Ko!!”
“Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!! AKIN ka na lang, First!!”
Kung ano-ano sinasabi nila, parang mga baliw, ang sakit nila sa tainga. Ano bang meron? May artista ba? First? Sino naman yon?
“Sino yung Girl na kasama ni First!?”
“Akala ko nakikisabay lang? Kasama ba ni First?!”
“Kung makalapit naman ito kay First, parang linta!!”
Teka nga, kami ba pinag-uusapan nila? -____________-???
“Hoy, panget, sino ba si First?” Tanong ko kay Mark na parang walang naririnig kahit ang ingay-ingay nila.
“Ako.”
“Weeeh? Ah! Oo nga pala, First nga pala tawag nila sayo.” Enebeyen, oo nga pala’t First ang pangalan niya dito. Dami kasing pangalan. Tsk. Hindi ko maiwasang mapangiti sa naiisip ko. Tumigil ako sa paglalakad at humarap dito na ngiting-ngiti. “Sikat ka pala? Yeah, First pala, ha!”
“Ganon talaga kapag gwapo.” Yabang nito. =__________=
“Yabang! Pero may naisip ako.” Hindi pa rin mawala yung ngiti ko. “First na lang din itatawag ko sayo! Hohohoho! Ang cute nung name mong yon eh. First? Ang cool! Mas gusto ko yon kesa sa Mark. ”
“Bakit?” Tanong ko dito dahil nakatingin siya sakin ng seryoso.
“Huwag mo akong tatawaging First.”
“Kawawa naman yung girl, ayaw ni First na tawagin ito nung Girl sa pangalan niya. Api! Hahahahaha!”
“Oo nga, siguro ayaw sa kanya ni First! Kawawang nilalang!”
“Masyado kasi syang piling.”
“Pero bakit kinakausap ito ni First?”
“Baka wala lang magawa si First.”
“Tama, basta ang mahalaga ayaw ni First na—”
Ang ingay nila, nakakasura! =_____________=”
“MARK lang ang itatawag mo sakin.”
Napatingin naman ako sa mga palaka sa tabi-tabi na nagbubulong-bulungan na rinig ko naman, bigla kasi silang tumahimik.
O_______O ßSila
-________-??? ßAko
“Bakit sila nagulat?”
“Ewan? Huwag mo na nga lang silang pansinin. Tsk.”
[EmbiNote: Ayaw po kasi ni Mark este First na tinatawag na Mark ng iba, alam ng lahat yon sa Campus, alam din ng lahat na iisang tao lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng ganon. Ang First love ni First. ^^]
Tulad na sinabi nito hindi ko na lang sila pinansin at ang mga sinasabi nila. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.
“Mae, gusto mong Ice Cream?”
Ice cream?! *_________________*
“Waaaaaaah~ libre mo?!”
“Kaya lang diba may pasok pa tayo?”
Ha? Pasok?
“May pasok ba?”
—First’s POV—
Tiatamad talaga akong pumasok! Tamad na tamad na nga ako ang iingay pa ng mga tao dito. Tsk! Kapag sinabi ko naman sa babaeng ito na magcutting kami sasapukin nya ako, ang lakas pa naman nitong manapok. =________=
Bigla kong naalala yung lalaking nakatapon sakin ng Ice cream kanina. May naisip tuloy ako dahil sa kanya, hahaha! Akalain mong may pakinabang din pala ang lalaking yon!
“Mae, gusto mong Ice Cream?” Nanginang ang mga mata nito.
“Waaaaaaah~ libre mo?!” Excited na sabi nito.
“Kaya lang, diba, may pasok pa tayo?”
“May pasok ba?”
Gumana! Sabi na nga ba Ice cream lang katapat nito. xD
“Oo, may last subject pa tayo.” Ipina-alala ko na rin sa kanya, sigurado namang hindi na kami papasok! Ang talino ko talaga.
“Oo nga pala, kaya lang Ice cream! Waaaaaaaaaaah!!!!” T___________T
“Pagkatapos na lang ng last subject natin, mga ISANG ORAS LANG naman yon eh.” Diniinan ko talaga ang pagsasabi don sa ISANG ORAS.
“Isang oras!? Ang tagal, nalalsaw na ako! Waaaaah, ikaw naman kasi! Dapat mamaya mo na lang ako inalok! Tsk! Okay wait lang….” Bumubulong ito at nagmamini-minimo.
Minimini may nimo babalik babalik sa kanya/Tumapat sa Subject.
Ang pinagpipilian nya kasi ay Ice cream o Subject, kumanta ulit ito.
Totoo baga? Oo, peks man mamatay man si Batman/Tumapat ulit sa Subject. Dinamay pa talaga si Batman, ang cute talaga nito! Hahahaha!
Ang naging desisyon niya?
.
.
.
.
.
.
.
.
“Tara Ice Cream!!” Masayang-masayang sabi nito.
Napatawa naman ako dahil don, isang araw pa lang ulit kami nagkakasama pero napatawa na kaagad ako nito. Sa subject kasi tumapat pero Ice cream pa rin pinili nito. Nag-aksaya lang siya ng oras sa pag-iiniminnieminniemooo.