—Joanna’s POV—
“Dahil ano?!”
“DAHIL INIWAN MO AKO!” napatigil naman ako dahil sa sinabi nito.
Dahil sakin? Ako pa ang may kasalanan? Alam kong magiging rebelde ito sa pag-alis ko pero, pero hindi ko naman akalaing ganito ang mangyayari sa kanya. Hindi ko akalaing magiging ganito sya kalala! Bigla akong nakonsensya sa pang-iiwan dito.
“So… sor—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla ako nitong niyakap.
“Nagbalik kana, sawakas nandito kana ulit.” bulong nito habang nakayakap pa rin sakin ng mahigpit, yung yakap nito ay yung tipong ayaw na akong pakawalan.
“Yeh, Im back. Pasensiya kana kung masyadong matagal.” Ginantihan ko ang pagyakap nito sakin.
Naramdaman ko ang bahagyang pag-iling nito. “Ang mahalaga nandito kana.” sabi nito habang nasa leeg ko ang mukha nito, ramdam ko ang pag-amoy nito sakin. “Hindi pa rin nagbabago ang amoy mo.” Bahagya naman akon g nailang. Ang awkward ng feeling ko, dati naman niyayakap din ako nito pero bakit ngayon ang bilis ng t***k ng puso ko? Siguro dahil namiss ko lang ito. Tsk. Baka nga namiss ko lang ito.
*Cough*
Bigla akong napalayo kay Mark, nakalimutan kong may ibang studyante pa nga pala dito tapos nagyayakapan kami! Napatingin ako sa kanila, nakatingin lang silang lahat samin. Ehh?! Kahiya! >_____Letche, bitin! Tsk.”—Mark
“Ano yon?” tanong ko dahil ang hina lang ng pagkakasabi nito.
“Wala.” Humarap na ito don sa mga studyante. “Bakit ba kayo nandito! Bumalik na nga kayo sa mga klase nyo! Mga bwiset!” sigaw nito. Hindi naman sya galit? xD
Mukhang natakot naman yung mga studyante at parang mga kidlat na nawala. Ang natira na lang eh yung mga New Friend ko at yung tatlong members pa ng PBG. Akmang yayakapin na ulit ako ni Mark pero pinigilan ko ito.
“Ano? Wala ng ibang tao.” Reklamo niya.
“So? Tsk.” nilapitan ko yung lalaking binugbog nito at tinulungan itong tumayo. Humingi muna ako dito ng paumanhin dahil sa kabaliwan ni Mark. Wala naman itong imik at umalis na.
“Tsk. Tsk. Bakit kailangan mong magsorry sa lalaking yon? Dinumihan niya ako!” Tiningnan ko ito ng masama.
“Manahimik ka kung ayaw mong makalbo.”
Hindi na ito nagsalita dahil alam nitong seryoso ako.
—Mike’s POV—
Wow, perstym! Paano ba ako magpapakilala? Ehem, ehem, ako si Mike Malabriga/18 yrs old/Matangkad/Sexy/Sobrang gwapo/Matangos ang ilong, basta, artistahin ang kagwapuhan ko! Sa mga SINGLE diyan, ito nga pala number ko 09—
[EmbiNote: Hoy lalaki, umaayos ka nga!]
Maayos ako, ewan ko lang ikaw! Hahahaha!
[EmbiNote: Letche ka! Kung ayaw mong mawalan ng ibon, umayos ka!)
Okay, okay! Kontrabidang Mangkukulam! =_____=
[EmbiNote: Oo nga pala, si Mike po ay kapatid ni Annie. Yung isa namang Mike ay si John Mike Martinez, kapatid naman ni Joanna. Magkapangalan kasi sila sa kadahilanang wala na akong maisip na pangalan, hohoho! Yon lang, baka kasi malito kayo]
Kagaya ng sinabi ni Author kapatid ko si Annie, mas matanda ako sa kanya ng isang taon. Isa ako sa member ng PBG. Ako pinakagwapo samin.
~
Akmang yayakapin nanaman ni First yung babae ay pinigilan siya nito.
“Ano? Wala ng ibang tao.” pagrereklamo nito. Wala nang ibang tao? So, ano kami? PUNO?!
Pansin ko lang, ngayon lang naging ganyan si First simula ng makilala ko ito at mabuo ang Gang namin 4 years ago. Never ko pa itong nakitang ngumiti ng ganyan, sobrang nagulat ako ng ngumiti ito kanina, hindi ko akalaing marunong pala siya non. Isa pa, hindi rin ito pala salita. Pero ang mas nakakagulat ay yung hindi pagbawi ni First sa pagsuntok sa kanya nung Mae, mukhang malakas pa naman yon.
Ayaw din nitong tinatawag siya sa pangalang Mark dahil hindi naman daw namin siya pag-aari. Anong connect lang, diba? Tsk. May pagka-abnormal din talaga ang lalaking yan eh. Aish ewan, basta kapag tinawag mo itong Mark paniguradong Hospital ang uuwian mo. Ganon ko siya nakilala, ganon siya kalupit na tao pero ngayon iba ang nakikita kong First, napapaisip nga ako kung ito ba ang totoong sya.
“So? Tsk.”
Nilapitan nung Mae yung lalaking binugbog ni First at tinulungan itong tumayo. Nagtaka ako dahil humingi ito ng paumanhin don sa lalaki eh hindi naman siya ang nanakit dito. Wala naman itong naging imik at umalis na.
“Tsk. Tsk. Bakit kailangan mong magsorry sa lalaking yon? Dinumihan niya ako!”
“Manahimik ka kung ayaw mong makalbo.”
Tumahimik naman si First, pero nagulat kami dahil sa sunod na sinabi nito.
“Please, Mae. Isana lang?”
Teka, ano daw? P-Please? Sinabi ba talaga nito yon? Nabibingi na ata ako ah. Talaga bang nagsabi siya ng ‘PLEASE’? O_________O???
“Tumigil ka.” Tumingin na ito samin. “Oh! Nandyan pa pala kayo.” Lumapit ito samin habang hila si First.
“J-joanna, ano mo si First?”—Janna
Joanna? Akala ko ba Mae? =_______=
“Ito bang panget na ito? Tatay ko nga pala.”^_________^
Napatingin ako kay First, parang baliwala lang dito yung sinabi nung Mae. Nakabusangot lang ang mukha nito habang nakatingin sa ibang direksyon.
“Biro lang, si Mark nga pala…. BestFriend ko.”
—Janna’s POV—
“Annie, Bianca, Janna si Mark nga pala.” pakilala ni Joanna kay First.
Ano ba ang dapat gawin? >___________<
Napatingin naman ako kay Bianca at Annie na nakatingin din sakin na para bang nagtatanong kung anong dapat naming gawin. Mukha bang alam ko? Tsk. Tsk.
“Hi, Mar—“ sabi ko pero pinutol agad iyon ni First.
“Huwag mo akong tawaging Mark, hindi tayo close.” Cold na sabi nito. Waaah~ sabi na nga ba pagsusungitan lang ako nito!
“Tsk, masakit yon, Mae.” pagrereklamo ni First habang hinihimas ang ulo nitong sinapok ni Joanna.
Nagulat naman kami dahil sa pananapok ni Joanna dito. O___________O!!!!
“Umayos ka nga, para kang batang bwiset ka! Gusto mo na bang mamatay?” Banta pa nito, tumingin na ulit ito samin . “Bakit ganyan mga mukha nyo? Oo nga pala, pasensya na kayo, ha! Topak lang talaga ang lalaking ito, ayaw nya kasing tinatawag na Mark. Dapat daw ako lang, baliw nya, diba? Tawagin nyo na lang syang kahit anong gustuhin nyo. Pwede pangit, tipo, lamok, kupal, tipaklong, kulugo etc. Bahala na kayo, ayaw nya naman na tawagin nyo sya sa pangalan nya eh. Okay lang kahit ano huwag lang Mark, baka kasi bugbugin kayo nito tapos mapatay ko sya.” Pinanlakihan nito ng mata si First na para bang pinagbabantaan ito.
“First na lang itatawag namin sa kanya.” Alanganin ang ngiting sabi ni Bianca.
Waaah~ ayaw ko ng magsalita! Hindi inaasang napatingin ako kay James, nakatingin din ito sakin kaya bigla akong umiwas. Nakakainis talaga, bumibilis nanaman yung t***k ng puso ko.
“Okay, bahala kayo, pero ayaw nyo talaga ng PANGET?” suggest ni Joanna. Panget? Baka magkaroon kami ng trip to hell kapag ganyan tinawag naming sa kanya. Tumingin naman si Joanna kena Mike. “At kayo naman! Kaibigan ba kayo ni Mark?” tumango naman yung tatlo. “Ako si Joanna.” Nilahad nito ang kamay nito, kukunin na sana iyon ni Mike nang magsalita si First.
“Subukan mo lang!” napatingin naman dito si Mike.
Ngayon naniniwala na akong mag bestfriend sila, kanina kasi hindi. Mabait kasi si Joanna kaya parang imposibleng magkasundo ang dalawang ito. Sa pagkakakilala ko kasi kay First, hindi ito ang klase ng taong makikisalamuha sa mabubuting tao
Napatigil si Mike sa pakikipagkamay kay Joanna pero ito na mismo ang nag-abot sa kamay ni Mike, maging kay Jake at James ay nakipagkamay din ito at nagpakilala.
“Kainis!”
“Ano ka ba, pati ba naman sa mga kaibigan mo pinagdadamot mo ako? Hindi naman kita Boyfriend.”
Nandilim naman yung aura ni First. Waaaaaaah~ lalo itong naging nakakatakot! Sa totoo lang, sayang kagwapuhan nito, paano naman kasi lagging seryoso ang mukha nito. Yung mukhang palaging nakahandang pumatay, sino ba naman ang hindi matatakot sa kanya? Akala ko magwawala na ito pero tumalikod na siya at naglakad na palayo.
Piling ko gusto ni First si Joanna, kaya lang MANHID si Joanna eh. Kawawang First.
“Hoy, saan ka pupunta?!”—Joanna
“Papatay!” Galit na sagot nito habang naglalakad palayo samin. Malas naman ng makakasalubong nito.
“Ang arte talaga ng lalaking yon, may nasabi ba akong mali?” Tanong pa ni Joanna habang nakatingin kay First na papalayo. Yung totoo, hindi nya pipigalan si First? Akala ba ni Joanna nagbibiro lang ito?
“Alis na muna ako, sundan ko lang yung panget na yon. Baka magbigti, wala siyang tali! Hahaaha!” Biro nito bago tuluyang tumakbo para sundan si First.