Chapter4-First

1608 Words
—Joanna's POV— “Mam, gising na po.” “Hmm?”   “May pasok po kayo ngayon.”   “Anong oras na ba?” inaantok na tanong ko kay Joan, maid namin. Kasing edad-an ko lang din ito. “7am na po, baka po malate kayo.” “Okay.” Bumangon na ako at dumiretso sa banyo. Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin at paghahanada sa pagpasok. “Si Mike?” tanong ko kay Joan pagkababa ko. “Maaga pong umalis.” Maaga nanaman?! Anak ng tinapay! Halos hindi na kami magkita ng lalaking yun kahit na nasa iisang bahay lang naman kami.  Piling ko may kabalbalan nanaman iyong ginagawa sa buhay niya. Tsk. —Fast Forward—  JMA University.  “Woah! Sino sya? Ganda ah!”—Boy1  “Oo nga, Brad! Bagong studyante ata.”—Salot2 Bago? Kahapon pa ako nandito ah, bago pa ba yon? Tsk. Ay ewan, dire-diretso na lang ako sa pag pasok papunta sa room ko. 1st day ko pumasok sa room na ito dahil tinamad na ako pumasok kahapon, paano naman kasi mukhang wala namang magandang mangyayari. Sina Janna nga pala, nasan na kaya ang tatlong yon?! Baka magcutting nanaman ang tatlong yon ah! -_____-“ Lakad Lakad Lakad Lakad La— “Joanna!” napalingon naman ako  dahil sa pagtawag ni Bianca sa pangalan ko.  “Mornin g!” bati ko. “Morning,  Bakla!” nagulat naman ako ng bigla akong i-hug ni Annie. Hindi naman niya ako masyadong namiss? xD “Ganyan ba talaga yang mata mo, Joanna?”—Bianca Napalayo naman sakin  si Annie. “Ha? Bakit?” tinitigan  naman ako nito. “Oo nga, noh. Bakit ang cold?”—Annie “Natural bang ganyan na yung mga mata mo o may nangyari sayo na hindi maganda kaya naging ganyan yan? Ganon daw kasi yon eh.” –Janna. “Natural ito, ganto rin kasi yung mata ng Mama ko. Namana ko lang sa kanya.” Paliwanang ko. “Wow~  ang astig naman!” ~(*Q*)~  “Tara na.” Hinila ko na sila papasok, konti na lang kasi tutulo na mga laway nila. Haha. xD Room71 Nagkwentuhan kami habang naglalakad, sa tingin  ko kahit abutin kami ng taon, hindi sila mawawalan ng kwento sakin. Nang makarating kami sa room namin ay sakto namang bell na. Ako na ang nagbukas ng pinto, pagkabukas ko ay biglang nanahimik sa loob habang nakatingin samin. Anong meron? “Bakit sila tumahimik?” Tanong ko kay Bianca. “Kasi dumating tayo?” sagot na tanong din nito sakin. Aish. Oo nga naman, diba? Tss, ewan, dumiretso na lang kami sa pagpasok pero saan nga ba ako uupo? =_____=  “Joanna, dito ka.” tawag sakin ni Janna na tinuturo yung bakanteng upuan na kalapit nya kaya naging magkakatabi kami. Sa hulihan nga pala kami nakapwesto, mga halataang tamad ang mga ito. Sa hulihan daw ba pumwesto, mga halataang hindi nakikinig.   Pero may napansin lang ako…  “Bakit tayo lang ang nakapwesto dito?” tanong ko. Kaming apat lang kasi ang nasa hulihan, kaming apat lang ang magkakatabi. Para tuloy kaming others. “Dahil pinaalis namin sila. ^_______^”—Annie. Hindi naman siya masaya?   “Bakit?”   “Wala, trip lang.” Wow~ nice. Sa totoo lang, mas gusto ko yung ganito. Mas sanay kasi akong wala masyadong kasama. “Buti pumayag sila.”   “Takot lang nila kay Mike!”—Bianca  “Mike? Diba member sya ng PBG?” Ano ba yan, ang dami Kong tinatanong. Ang hirap palang magkakaibigan. Andaming kailangan itanong para mas makilala p asila. >_______>  “Ayt! Hindi nga pala namin nasabi sa iyo na kapatid ni Annie si Mike!” Ehh. O_____O??? “Teka nga, kapatid naman pala ni Aniie si Mike, bakit pinapaiwas nyo sila sakin?” Ang gulo nila! =______= “Baka kasi makabangga mo sila tapos mapag-initan ka nila. Wala silang pakielam sa ibang tao lalo na si First. Nag-alala lang ami na baka mapaano ka kapag nakasalubong mo sila o nabangga man lang, wala kasi silang kinatatakutan o kinaaawaan babae ka man o lalaki tsaka hindi pa nila alam na friend ka namin, hindi kasi nila kami ginagalaw o pinag-iinitan kasi kapatid nga ni Mike si Annie.” Paliwanag naman nila. Grabe naman pala sila! Kahit naman gangster ako hindi ako ganon kasama. Nakikipag bugbugan ako pero kapag hinahamon lang. “Ganun ba.” Yan na lang nasabi ko. Naiinis talaga ako sa mga taong ginagamit ang lakas nila para makapanakit ng iba. Aish! Nabwi-bwiset ako sa gruponmg yon!   “Ang tagal naman nung Teacher natin!” reklamo ni Janna. “Oo nga, kanina pa nagbell ah! Pero nawawalan lang naman ng teacher o klase kapag…” “PBG!” sabay-sabay na sabi nila. “Section Dos, walang klase dahil sa PBG!” anunsyo nung isang studyante na kararating lang. Agad namang nagtakbuhan yung iba naming kaklase palabas. “Anong meron? Bakit dahil sa PBG?” tanong ko. Waaaaaaaaaaah! Ano ba yan! Bakit walang Klase?! “Basta, sumunod ka nalang, malalaman mo rin kung bakit.”—Janna Hinila na ako ng mga ito para lumabas, pumunta kami sa soccer field.  Ang daming studyanteng nandito, halos lahat nga ata ng studyante nandito eh. Lumapit kami don sa mga nagkukumpulang mga studyante. “Excuse me.” sabi ni Annie sa isang girl na nakatalikod samin. “Huwag ka ngang magulo! Nauna—Annie!” Biglang nanlaki ang mga mata nito tapos agad din itong tumabi para makaraan kami. May ilang napatingin samin at binigyan din kami ng daan. Lumakad na kami papunta dun sa pinapanuod nila, may nakita naman akong limang lalaki, yung tatlong lalaki nanunuod lang habang naka cross-arm pa. Yung isang lalaki nakatalikod samin habang may binubugbog itong isa pang lalaki.   Tumingin samin yung isang lalaki na gwapo. Pare-parehas kasing gwapo yung tatlo ewan ko lang yung isang nakatalikod na may binubugbog. Halataang mayayaman ang mga ito.  “Annie, bakit pumunta ka pa dito?” tanong nung isa sa tatlong lalaking nagmamasid lang kanina. Lumapit kasi ito samin. “Bawal na ba ako dito? Bakit binubugbog ni First yung lalaki?” Ito pala yung Mike na kapatid nya. So, yon pala yung First? Grabe, ang panget niya! Chos, di ko naman kita mukha eh, nakatalikod pa rin kasi ito. =_________= “Yan ba, nakabanggaan kasi ni First kanina tapos natapunan yung damit nito ng Ice cream na hawak nung lalaki. Medyo naaawa na nga rin ako don sa lalaki eh, kanina pa nito yon binubugbog.” ICE CREAM! (*O*)/ Napailing naman ako, ano ba itong iniisip ko, pero dahil lang natapunan ng Ice cream? Napakunot-noo naman ako, dahil lang don? Akala ko ay hinamon ito nung lalaki kaya nagkaroon ng away, ganon naman kapag gangster, diba? Pero nagkamali ako, hindi ko maiwasang hindi mainis sa First na yon. Bading ba siya?! Ayaw na ayaw ko talaga sa lahat ay yung mga taong nambubully. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, naglakad na ako papalapit dun sa lalaking walang awang nambubugbog ng dahil lang sa natapunan sya ng ice cream! =__________=” “Hoy, anong gagawin mo?! Huwag ka—” sinubukan akong pigilan nung Mike pero hindi ako nagpapigil. Sinisira ng First na ito ang araw ko.  “Woah! Anong ginagawa nya, nagpapaka bayani?” “Madadamay lang sya.”   “Kawawa naman ang babaeng yan, madadamay, maganda pa naman!” Ang dami namang palaka dito. =_________= Yung First naman dire-diretso pa rin sa pagsuntok sa lalaking bugbogsarado na. Wala talaga siyang awa, nakatalikod pa rin ito sakin kaya di niya napansin ang paglapit ko. Akmang susuntukin nanaman nito yung lalaki ay hinawakan ko yung kamay niya kaya napaharap ito sakin. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sakin tapos... O___________O!!!  “M-mae.” Biglang naging maaliwalas ang mukha nito, ako naman ay gulat na gulat pa rin.  T-teka, nananaginip ba ako?! “Mae!” ngumiti ito ng malawak. ^_________^ “Oh, my gosh! NGUMITI SI FIRST!!” sigaw nung isang girl, napatingin naman ako sa paligid ko habang hawak pa rin yung braso nung First. Gulat na gulat ang lahat, yung iba kinikilig. Maging sina Annie at yung ibang members ng PBG ay nanlalaki din ang mga mata. Anong bang meron at ganyang mga reaksyon nila? =__________=  Napatingin naman ako dun sa lalaking binugbog nito dahil sa pag-ubo nito. Kumulo nanaman ang dugo ko at napatingin kay Mark… First? Takte! Ano na bang nangyari sa lalaking ito? Bakit iba ang pangalan niya dito? Binitiwan ko na ang braso ni Mark. Sa sobrang inis ay hindi ko na napigilan ang sarili kong suntukin ito sa mukha. Napaupo ito dahil sa lakas niyon, hindi pa rin ako makapaniwala. Si Mark yung tinutukoy nila na First? Kung ano-ano naman ang naririnig ko sa paligid dahil sa pagsuntok ko dito. Nakakaawa daw ako… lagot daw ako sa lalaking ito. Baka daw hin din a ako sikatan ng araw. Tsk. Mga walang alam! Muli ko itong sinuktok, hindi naman ito nabawi, hindi rin ako nito pinipigilan. Naiinis talaga ako! Hindi ko kasi akaling magagawa nya ito. “Ano, Mark?!” sigaw ko dito. Pinahid  naman nito yung labi nitong may dugo. “Bakit ka nanakit ng ibang tao ng dahil lang sa mababaw na kadahilanan?!” “D-dahil,” tumayo na ito. “Dahil ano?!”    “DAHIL INIWAN MO AKO!”napatigil naman ako dahil sa sinabi nito. Dahil sakin? Ako pa ang may kasalanan? Alam kong magiging rebelde ito sa pag-alis ko pero, pero hindi ko naman akalaing ganito ang mangyayari sa kanya. Hindi ko akalaing magiging ganito sya kalala! Bigla akong nakonsensya sa pang-iiwan dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD