Hi! My name is Joanna Mae Martinez, 17 years old, half Filipina and Koreana. Mayroon akong isang cute little brother na si Mike Martinez. Mas matanda ako sa kanya ng isang taon pero hindi halata, bukod sa kadahilanang maganda ako at panget ito, isa pang dahilan ay walang hustisyang tangkad nito sakin. Isn't it amazing na yung dating tutoy ay mas matangkad pa sayo ngayon? Minsan nga napagkakamalang kambal ko ito dahil magkamukhang magkamuha DAW kami kaya kapag sinasabi niyang gwapo sya, hala, OO na lang!
Hindi kami magkaparehas ng ugali, dahil binuhay ata ito para maging kasalungat ko! Ang pamilya namin ay naninirahan ngayon sa Korea, karamihan kasi nang business ng pamilya Maritnez ay nandito kaya pinili ng mga magulang namin na dito na lang manirahan sa ayaw o sa gusto man namin ni Mike. Simula ng lumipat kami dito five years ago, hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang kagustuhan kong bumalik sa Pinas. Hindi sa hindi maganda sa Korea, mas pakiramdam ko lang ay sa Pilipinas ang tunay kong tahanan. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil parang may kulang, para bang lagi na lang may nawawala sakin simula ng dito na kami manirahan.
Simula nang hindi ako mapagbigyan ng mga magulang ko na sa Pilipinas na lang kami manirahan ay natuto akong magrebelde sa kanila, pumasok ako sa isang Gang group, madali akong nakasali dahil dati na rin naman akong gangster, kami ng bestfriend ko. Ang nag-iisang lalaki at taong hindi ko pa natalo sa buong buhay ko! Para sakin siya ang pinaka matindi kong karibal. Naiinis ako dahil kahit kalian hindi ko pa siya natalo, maraming beses ko na itong hinamon noon pero kahit kailan ay hindi pa ako nanalo.
Muli akong nakaramdam ng lungkot, sa tuwing maaalala ko ang bwiset na iyon nagkakaganito na ako. Medyo na-miss ko nanaman tuloy yung pangit na yon, naalala ko tuloy nung last day na nagkasama kami at nagpaalam ako dito, iyakan ang mokong! Syempre pati ako napaiyak na rin, nakakahawa ang pangit na yon eh! Nakakamiss din palang matalo, isa pa yon sa kinaiinisan ko, never pa kasi akong natalo sa lahat ng labanan ko dito. Hindi ko alam kung lumakas lang talaga ako o talaga mahihina lang yung nakakalaban ko. Tss. Sabi ng iba ang lamig-lamig ko daw tingnan, para daw akong walang puso, ang una kasing napupuna sakin ay yung cold eyes ko na namana ko sa aking butihing Ina. =________=
*Knock . knock . knock*
"Mam, kakain na po." Rinig kong sabi nung katulong namin, marunong itong magtagalog dahil Half Filipino/Chinese naman ito. Halos lahat ng katulong na mayroon sa bahay namin ay mga Plipino din o half Filipino, ayaw kasi ni Papa na hindi Pilipino ang makasama nya sa bahay o walang lahing Pilipino.
"Okay." simpleng sagot ko.
"Good evening, Mam Joanna." Tumungo pa ang mga ito bilang paggaling sakin. Ganito sila sinanay ni Papa, gusto kasi nitong igalang kami ng lahat nang nandito sa bahay. Sa halip na bumati ay dire-diretso na akong pumunta sa Dining table at umupo. Katulad ng inaasahan, wala ang parents ko, mukhang may pinuntahan nanaman sila. Si Mike kaya?
"Si Mike?" tanong ko sa isang katulong na naghahanda ng pagkain.
"I'm here. Good Evening, Ate!" masayang bati nito sakin.
Napataas naman ang kilay ko, himala ata ah. Nandito pa ito sa bahay, samantalang gabi na? Nakakalito ba? Baliktad kasi ang utak ng nilalang na yan, ang umaga sa kanya ay gabi ang gabi naman ay umaga. Gets? Bahala kayo kung hindi nyo gets.
Mukhang alam ko na kung bakit sya nandito, siguro wala na itong mahanap na babaeng mapaglalaruan? Napailing ako, imposible yon, baka naman wala itong laban ngayong gabi? Katulad ko ay Gangster din ito. Teka, maaari kayang...
"Anong malaking kasalanan ang nagawa mo?" tanong ko, napatigil naman ito sa pagsubo ng pagkain at namutla. Masyado naman itong halataan. =__________=
"Ha? A-anong kasalan? Wala akong malaking kasalanan na nagawa!" hindi ito makatingin sakin ng diretso, hanggang ngayon hindi pa rin sya magaling magsinungaling, pinagpapawisan pa oh!
"Talaga?" nginisian ko siya. "Hmm, sige, eh kung magpustahan na lang tayo? Kapag meron kang nagawang kasalanan, mapupunta sakin ang allowance mo ngayon buwan na ito at syempre kung wala naman sa iyo na yung sakin, deal?" seryoso kong alok dito. Namutla siay lalo. Sorry My little cute bro, paano kita tutulungan kung hindi ko alam ang problema.
"Aish! Oo na, oo na, suko na ako! May nagawa nga akong malaking kasalanan, teka, hindi pala! Hindi naman kasalanang naging ganito ako kgwapo ah! Anyway, isa lang naman iyong kasinungalingan na inimbento ng babaeng yon!"
"Ano iyon?"
"Yung babaeng desperadang yon, sabihin ba naman na-" hindi na nito natuloy ang sinasabi nito dahil sa pagsingit ni Papa.
"JOHN MIKE MARTINEZ!!" galit na sigaw nito.
Mukhang malaki nga ang problemang napasok nito, minsan lang kasi sumugaw at magalit si Papa. Ano kayang meron? Mukang masaya ito ah? Lumapit si Papa samin sabay galit pa ring hinarap si Mike.
"Ano itong nabalitaan kong nangrape ka daw ng isang babaeng walang laban?! Isa pang anak nang Mafia lord? Tapos kailangan mong pakasalan?!" sigaw ni Papa, namumula na ito sa galit. Kumunot ang noo ko, yung totoo, dahil lang doon?
"Dad, I can explain. Unang-una sa lahat, hindi ko sya ni r**e! Kasinungalingan lang yon! Baliw na baliw kasi sakin ang baaeng yon dahil sa kagwapuhan ko kaya pinalalabas na ni-r**e ko sya at nabuntis ko." Agad na paliwanag naman ni Mike.
"Kung hindi mo nga ginalaw ang babaeng iyon, bakit nabuntis?! Huwag mong sabihing nabuo iyon sa sariling sikap lang niya?! Aba, Mike Martinez, hindi kan aba talaga nada-" hindi ko na pinatapos si Papa sa pagsasalita nito. Sumingit na ako dahil masyado na nilang naaabala ang pagkain ko. Nakakawala sila ng gana, sa harap pa ng pagkain nag-away. Tss.
"Stop it. Ano bang apelyido niyang Mafia Lord na yan?" naiinis kong tanong dito.
"Ebarvia." Lalong kumunot ang noo ko, bwiset, ang mga Ebarvia lang pala!
"Ako na ang bahala." Simpleng-simpleng bagay pinapalaki. Kilala ko ang Mafia na yon, minsan na silang natalo ng Grupo namin.
"H-hah? Anong ikaw na ang bahala?!"
"Ayaw mo, Pa? Eh di sige, magkakaroon ka na ng biyenan na Mafia Lord. Ang saya-saya!" =_________=
Bigla namang sumimangot lalo ang muka nito. Ayaw kasi talaga ni Papa sa mga ganyang mga mafia at gangster. Pero alam nyang gangster kami ni Mike at wala na syang nagawa para pigilan pa yon.
"Okay, ikaw na bahala." tatalikod na sana ito pero nagsalita ulit ako.
"Kaya lang, kailangan naming bumalik sa Pilipinas." Pahabol ko, bigla naman itong napalingon.
"Ano?! BAKIT?!!!" halos umusok na yung ilong nito. Hindi naman sya galit? Makasigaw eh.
"Yung babaeng baliw kay Mike, hindi ko sya kayang kontrolin, kilala ko ang babaeng yon. Habang alam nitong nandito lang si Mike sa malapit, hinding-hindi ito titigil."
Grabe, ako na talaga ang dakilang sinungaling! Tulad ng sinabi ko, magkaibang-magkaiba kami ni Mike kung pag-uugali lang din ang pagbabasehan. Unang-una sa lahat kaya ko namang kontrolin yung girl. Tss, takot lang nya sakin! Napaka talino ko talaga, noh? xD Syempre wala ng libre ngayon. Bakit ba ngayon ko lang naisip ang paraan na ito para makauwi na nang Pilipinas?!
Lumungkot naman ang itsura ng Papa ko . "Okay, bukas na bukas din pwede na kayong umalis kung gusto nyo." tapos tumalikod na ito. Parang medyo naguilty ako don ah. >________>
"Ang sama mo, Ate." Pangongonsensya sakin ni Mike na nakatingin sa likod ni Papa habang papalayo.
"Ganon? Sige magpakasal ka na lang." napalingon naman ito sakin.
"Biro lang, ikaw naman! He-he-he!" Ang lapad nanaman ng ngiti nito. "Siguradong marami nanaman akong Girls nito!" hindi ko maiwasang mapataas ang kilay. Babae pala, ha!
"Bawal ka nga pala mambabae nang dalawang buwan." utos ko dito.
"WHAT?!!!!" sigaw nito. Sinamaan ko naman ito ng tingin "Ate naman please, please, please! Hindi ko iyon kaya!" T__________T
"Kaya mo." matipid kong sagot at nagpatuloy na lang ulit sa pagkain.
"Ate naman-" muli ko siyang tiningnan ng masama.
"Oo na!" TwT
Nanlulumong tumalikod na ito.