Chapter2-Home

891 Words
—Joanna's POV—  “Mag-iingat kayo palagi. Wag kayong lalapit sa gulo, saka kumain ng maayos. Ikaw, Joanna, bantayan mo itong kapatid mo. Kapag nambabae na naman bugbugin mo na nang magtino naman! Mag-ingat kayo palagi, ha? Lalong-lalo kana hija, babae ka pa naman.” Pag-aalala at paalala ni Mama samin ni Mike. “Okay, Ma.” sabay na sagot namin ni Mike. “Okay na yung Universidad na paglilipatan nyong dalawa, umayos kayo don. Umiwas muna kayo sa gulo dahil wala kami ng Mama nyo para ayusin yon.” Habilin naman ni Papa na halatang ayaw naman talaga kaming paalisin, sasama pa nga sana ang mga ito kaya lang masyado silang maraming inaasikaso dito. “Ma,Pa. Tama na nga ang kadramahan nyong dala—aww naman Mama!” Reklamo ni Mike. Binatukan kasi ito ni Mama. “Drama ka dyan, kung hindi dahil sa pambababae mo hindi sana kami nagdradrama ngayon!” pinalo pa nito si Mike sa braso. Ngayon alam nyo na kung kanino kami nagmana kung bakit kami naging siga. “Tama na yan, alis na po kami.” Putol ko sa paglalambingan nilangg mag-ina. Masyado ng napapatagal eh. Piling ko nga pinapatagal talaga nila ang usapan naming mag-anak. Tss. “Okay.” sabi ni Papa tapos nag group hug kami. Aish. Mga ka kornihan ng pamilya namin eh. *FAST FORWARD—BAHAY* “Sawakas, nakauwi na rin!” masayang bulalas ko bagkababang-pagkababa sa kotse tapos sininghot ko pa ang sariwang hangin. Woooh~ ang sarap sa pakiramdam. Ang Pilipinas talaga ang tinuturing kong tunay kong tahanan. “Hindi ka naman masyadong masaya, Ate?” Panira nitong asungot sa tabi ko. “Gulpi gusto mo?” banta ko dito. “Ayaw syempre, bahala ka nga dyan magpapahiga na ako sa dati kong kwarto!” Excited na itong pumasok sa loob ng bahay. Oo nga pala ang aking beautiful green room. Excited na rin akong pumasok sa loob at ang unang sumalubong sakin ay ang pagbati ng mga katulong, mga nakahanay pa ang mga ito sa magkabilang gilid ng malaking pintuan.  “WELCOME HOME, YOUNG LADY.” hindi ko na sila pinansin, dumiretso na ako sa aking silid nung highschool pa ako. Waaaaaaaaaaaaaah! Namiss ko itong kwarto ko, ang aking green bed, green pillows and Woah! Ang aking mga cute stuff toys! Mahigpit kung niyakap ang mga ito. Wala pa ring ipinagbabago ang kwarto ko, buti naman. Favorite ko kasi ang green, obvious ba? Parehas kami ng bestfreind ko.. dark, light, apple green etc. basta may GREEN! Oo nga pala! Yung pangit na yon, di pa pala nya alam na nandito na ako sa Pilipinas, kinuha ko yung phone ko para sana tawagan sya kaya lang wala nga pala akong number ng pangit na yon. Almost two 2years na rin kaming walang communication sa isa’t-isa, nawala kasi yung phone ko dati nung nakipaglaban ako, nandon pa naman yung number nya. Hindi ko kasi saulado yung number nito, hindi ko rin naisulat sa papel dahil kinatamaran ko. Tss! Stupid me! Bahala na nga, makatulog muna. (Pagkalipas ng sobrang daming Segundo, mga katumbas ng isang araw! xD)    *Kriiiiiiiiiiiiiiiing Kriiiiiiiiiiiiiiiing Kriiiiiiiiiiiiiiiing* Napabangon ako sa pagkakahiga. s**t! Ang ingay naman. *Boogs* (Tunog yan ng binatong alarm clock.) Tiningnan ko kung anong oras na sa phone ko, 6:30am palang. Bwiset na orasan yan, sino kayang nagset nito? Potakte! Makatulog na nga lang ulit. Sumalampak na ulit ako sa kama. *Knock  knock  knock* Anak ng tikbalang! “Mam Joanna, maghanda na po kayo para sa pagpasok.” School? Sh*t, ngayon na ba agad yon? Ang lupit ni Papa, hindi manlang kami pinagpahinga ng mga isang linggo. Kahapon lang kami nakauwe ah. Kaenes~ pero wala na akong magagawa. Tss! Pumasok na ako sa banyo at ginawa ko na ang mga dapat gawin. Matapos mag-ayos ay bumaba na ako para kumain. Mukhang maganda nga ang school na nilipatan namin ni Mike kasi freestyle. Oo, maganda na para sakin yon! “Nasaan ang magaling kong kapatid?” tanong ko sa Mayordoma ng bahay. “Maaga pong umalis, maaga daw pong papasok dahil excited na daw po siyang makakilala ng bagong kaibigan.” Excited? Si John Mark Martinez… EXCITED PUMASOK?! Kabaliwan! Siguradong naglalakwatsa nanaman ang isang yon, humanda sya sakin mamaya kapag wala sya sa school. —FAST FORWARD— Nandito na ako sa “JMA University”, ang weird nung name nitong school, pero infairness sobrang laki nito. Bumaba na ako saking Super Cute na kotseng apple green ang kulay. Unang pasok ko pa lang ay pinapanapunta na agad ako ni Papa sa Principal Office! Sabi nito kilalang- kilala ko daw ang may-ari ng Universidad na ito kaya puntahan ko daw agad yung Prinsipal. Aish, paki ko naman don? “WOW ang ganda nya!”—Boy1... Tama, hindi siya mali. xD “Ang amo ng mukha nya!” Boy2... Mukha lang yang maamo. “Para syang anghel na bumaba sa lupa.” Boy3... Masyado namang honest ang mga tao dito. Dire-diretso na lamang akong naglakad at ang dami ko pa ring naririnig na papuri, baka naman malunod na ako. Pero syempre meron ding humuhusgang mga etchoserang palakang babae. Napatigil ako ng maalalang hindi ko nga pala alam kung saan ang Principal Office. Nakalimutan ko kasing dalhin yung Mapa na binigay sakin kanina ng isa sa mga katulong sa bahay. Tss. My Gulay! Nasaan na ba ako?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD