Almost Over You 2

1354 Words
A/N : Susubukan ko lang po ang double POV, alternate siya with Marg. Wag masyadong mag expect at mangangamote ako dito. Thank you! *** Mike's POV "Anong problema?" Nagmadali akong magpunta dito sa University ng maramdaman kong may dinadala si Marg at malungkot na  tumawag sa telepono ko. "Wala naman Mike, pansin ko kasi si Daddy parang laging stress at mukhang pagod" sagot niyang pagod. Kilala ko si Marg kahit gaano niya itago ang emotions niya, alam na alam ko kung kelan siya malungkot at namromroblema. "Baka naman panay ang OT sa office?" tanong ko ng pansin ang pagka aligaga pa rin nito. "Oo nga panay ang overtime din niya" sagot nitong may lungkot pa rin sa mukha. I hugged her from the back. Ipinahinga ko ang baba ko sa balikat niya. Amoy ko ang pabango nito at shampoo na gamit niya. I love her scent, naadik na nga ata ako sa amoy niya. Medyo nanlulumo pa rin ito and I hate it! I hate seeing her lonely, I hate when she's crying. "Hayaan mo, I'll check it with Tito Manny" aniyang pumigil agad ito. "No! wag! Ayaw ni Daddy ng ganoon, labas ang relationship natin sa trabaho niya" aniyang protesta. Napatingin ako sa kanyang nag aalala pa rin. Nasa Finance section ang Daddy ni Marg under kay Tito Manny na kapatid ni Daddy sa hospital namin. Nasa unang taon ako ng residente samantalang nasa unang taon ng Proper Med naman si Marg. Naalala kong walang pagsidlan ang tuwa niya ng pareho kaming makagraduate noong isang taon. "How can I make you feel better then?" tanong kong yumakap dito. Ngumiti ito. Sa isang ngiti pa lang niya ay ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso ko. Isang ngiti pa lang niya ay sapat na sa akin para maging maganda at kumpleto ang araw ko. I am so in love with her. It is her smile that caught my attention before kaya sinundan ko siya ng sinundan like a sick puppy just to get her sweet yes. "You know that you're my comfort zone Mike, yung nandito ka lang sapat na. Alam  kong mahalaga sayo ang oras mo, yet hindi ka nawawalan ng oras para sa ating dalawa" aniyang humarap sa akin at humawak sa magkabilang pisngi ko. I can feel the beat of my heart, and it's fast! Nagkaka tachycardia na yata ako! Er... with palpitation? "Konting time pa Love, and we will be together 24/7" sagot kong hinigit ito sa dibdib ko. * "Where have you been Kuya?" sumbat ni  Michelle, nakakabatang kapatid ko. "Why? I'm with Marg" sagot kong kunot noong marinig ko ang ingay sa itaas, boses iyon ng mga magulang ko at kapatid ni Daddy. "What's happening?" tanong ko. "Kanina pa sila ganyan, aalis muna ako baka masira ang eardrums ko dito sa lakas ng sigawan nila" aniyang nagmamadaling lumabas ng bahay. Tumungo ako sa study area ni Daddy. "Dy..." "Mabuti naman, naandito ka na" malamig na tugon nito. I can feel the tension inside the room. Nasa tabi ni Mommy si Daddy na pilit pinapakalma. At nasa kabilang sofa ang mga kapatid niya at pinsan ko. "Ano pong problema?" tanong ko. "We have a problem here " panimula ni Mommy. "The family legacy, we're facing a huge crisis, ang ospital ng lolo mo" ani ni Daddy. Lumapit akong nakinig sa paliwanag ni Daddy. "Nagkaroon ng sabotage sa Finance department, hindi ko alam kung papaanong nangyari na nawalan ng malaking pera ang ospital. I can't reach your Tito Manny" ani ni Daddy na pagod. "We're facing a bankruptcy at baka magsara ang ospital" dugtong ni Mommy na napailing. "Paano po nangyari iyon?" tanong kong napailing at napatingin kay Ate Elaine na tahimik sa gilid. "May mga ahas sa administration, one of those ang ama ng girlfriend mong si Mr. Abad" madiin na sabi ni Daddy. "Dad!" "It's true Mike, nagpaimbestiga ako, sa kanyang account nagmula ang mga transaction na naglipat ng pera sa Tito Manny mo" matigas na sabi ni Daddy muli. "Kilala ko si Tito Art, hindi niya magagawa yan! ang bilis niyo namang gumawa ng conclusion Dad!" protesta ko. "Check this out" aniyang abot sa ilang papel. Napabuntong hininga ako. Ito ba ang dahilan ng pagkakastress ni Tito Arthur na sinasabi ni Marg? "Are you sure about this?" mahinang tanong ko. "Legit ang mga documents na yan Mike" sagot ni Mommy. Inisa isa ko ang mga dokumento. Malaking pera ang nawawala sa Ospital. How are we gonna deal with this? "We have to find a new investor para maagapan man lang, and we have to liquidate ang ibang assets na nasa States" halos mapaluha na ani ni Daddy, nakatungo ito. "What about Tito Manny? Hindi niyo ba siya makontak, hindi ba dapat siya ang managot nito?" tanong kong umiling lang si Daddy. Sandaling katahimikan ang namutawi sa loob ng kwarto. Napatingin ako kay Ate Elaine na nakatungo lang. "I'm sorry Son, pero kalilangn ko ang tulong mo" basag ni Daddy sa katahimikan na may pagod at haggard na hitsura. "Ano po ang maitutulong ko?" tanong ko. "You'll fly to US, ikaw ang magliliquidate ng Assets natin doon, kung kailangan mong I negotiate to a higher price gawin mo, so with our pharmaceutical business doon..." ani ni Daddy na napatakip ng mukha. Ramdam ko ang tensyon ng ama ko. "We have to give up everything..." mahinang saad nito. "P-papaano po ang residency ko?" tanong ko. "Pwede ka pa namang humabol, or yet sa States ka na kumuha ng residency mo kapag hindi maganda ang sitwasyon dito" sagot ni Mommy. "No... No, papaano si Marg? I can't leave her" sagot kong protesta dito. "Break up with her Mike, ayokong makita ng kahit sino man sa pamilya ng umahas sa atin" pagod na sagot ni Daddy na lumabas ng kwarto. I am torn. Torn between the situation of my family and my love for Marg. The situation became worst, nagtanggal sila ng empleyado to cut the cost.  Our hospital is is in huge crisis, we are closing down. * "Hey, okay ka lang ba?" tanong ni Marg. Tumango ako, napatingin ako sa kanyang mukhang wala siyang ideya sa nangyayari, hindi ko pa rin nakakausap si Tito Arthur. "I love you Margarette" ani kong humalik sa labi nito. "Let's elope..." bulong kong napatingin ito sa akin. Ang nakakapagpaliwanag na lang ng araw ko ay si Marg. "What?" tawa nito. "Nagpapatawa ka ba? It's not funny kahit nakakakilig, gusto kong makipagtanan sayo kaya lang ayaw kong iwan si daddy, parang laging maysakit ngayon" aniyang yumakap sa gilid ko. "Yes, nagkakaproblema sa hospital" ani kong pilit ipinapaliwanang sa pinakasimpleng paraan na hindi siya magaalala. "May financial crisis" ani kong muli. "Parang walang nababanggit si Daddy sa akin" aniyang napahawak sa labi nito. "Don't worry inaayos na" ani kong humalik sa sentido niya. "I hope okay lang ang lahat" aniyang sumiksik pa lalo sa gilid ko. I hugged her tight, I love her. Ayaw ko siyang madamay sa lahat ng ito, ayaw kong madamay ang meron kami. * Isang suntok ang natanggap ko mula kay Daddy. "Nagkakaproblema na tayo, nagagawa mo pang makipagkita sa babaeng iyon?!" "Walang kinalaman si Margarette dito Dad!" sagot ko. "Ang ama niya ang may gawa ng lahat ng ito!" aniyang inihagis sa akin ang tickets at details ng flight ko. "I'm not going Dad! Hindi ko iiwan si Marg!" ani kong napagdesisyunan. Napangisi si daddy. "Don't try me Mike, alam mo kung ano ang kaya kong gawin" aniyang napailing. "Since accomplice si Mr. Abad, he's out in the company" dagdag pa nito. "You can't fire him Dad! Wala pa nga si Tito Manny na magpaliwanag ng lahat ng ito!" protesta ko. Naisip ko si Marg, she will be devastated hearing this. "He's fired already Son, at kapag hindi ka pumayag na pumunta ng States, tatanggalin ko ang scholarship ni Marg at ipapakulong ko ang ama niya!" matigas na sabi ni Daddy. "You can't do that!" "Trust me Son, I can do it... ginagawa ko ito para sa inyo" aniyang palabas ng kwarto. Kuyom ang palad ko. "Please understand your Dad Mike" tapik ni Mommy sa balikat ko. *** -tbc-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD