Almost Over You 1
***
"O bakit ganyan ang mukha mo?"
Napatingala akong napangiti, pagod at puyat na ako sa kakareview.
"Ang hirap ng Biochem at Pathophysiology na subject na ito" yamot kong sabi sa dami ng kakabisaduhin kong mga terms at function ng iba't ibang parte ng katawan ng tao, ganundin ang kaakibat na mga sakit at dagdag pa ang biochem na hirap akong kabisaduhin.
"Patingin nga" hila ni Mike sa hawak kong libro.
"Sige, tutulungan kitang magreview, gagawan kita Mnemonics" ngiti niyang sagot na nakapagpaliwanag ng madilim kong mukha kanina.
"Talaga?" panigurado ko dahil alam kong busy rin siya sa sarili niyang pagaaral.
"Oo naman Love, pero may kapalit ito ha" sagot nitong may malapad na ngiti habang naglalabas ng papel at ball pen.
"Huh? anong kapalit" kunot noo kong tanong.
"Kiss pwede na... or ganito na lang kapag mataas ang nakuha mo dito, sasama ka sa akin sa weekend, date tayo outside Metro" sabi nitong sumulyap sa gawi kong ngumiting muli.
"Okay lang sa akin, ikaw kaya ang mas busy no... may panahon ka pa ba? alam kong ubos na ang oras mo sa practicum ninyo sa hospital tapos dagdag pa ang mga exams mo dito sa school" sagot ko.
"Syempre naman, bibihira na tayong nagdedate. I missed you,and i need to unwind, stressful na ang huling taon ko sa medisina" sagot nitong humalik ng mabilisan sa sentido kong diretsong nagsulat para sa reviewer ko.
Nasa huling taon na ng proper med si Mike samantalang ako ay nasa premed kong course pa lamang. Hindi ko maiwasang titigan siya habang nagsusulat.
"Wag mo akong masyadong titigan, napaghahalataan kang inlove na inlove sa akin" tawa niya habang nagsusulat. Napailing na lamang akong ramdam ko ang pamumula ng aking mukha.
"Conceited mo naman" irap ko.
Tumigil itong humarap sa akin.
"Love, kahit di ako nakatingin...sa peripheral vision ko pa lang ay alam kong nakatitig ka" mahinang sabi nitong yumayakap sa gilid ko.
"Talaga lang ha? " sagot kong irap pa rin.
"Bakit hindi ba?" bulong nito.
"Hinding ano?" tanong kong humarap.
"HIndi ba't inlove in love ka naman talaga sa akin" bulong niyang lalong ramdam kong pamumula ng mukha ko. Ramdam ko ang init ng hininga nito sa tenga ko.
"You're blushing" bulong niyang muli na idinidikit ang tungki ng ilong niya sa tenga ko.
Nasa school grounds kaya kami! PDA talaga?!
"Mike..." saway ko dito, maigi na lamang at nasa pinakagilid kaming bench na konti lang ang estudyanteng dumadaan.
"I love you Margarette, I want to hear it" bulong pa uli niyang yumakap sa gilid kong ikinukulong ako sa bisig niya.
"O-oo na, alam mo naman yun, mahal na mahal kita" sagot kong humarap sa kanya at binigyan ng mabilisang halik sa labi.
"Good, and i love you more Love. I am your first and definitely will be your last" bulong pa nitong idinidikit ang noo niya sa aking humalik sa marahan sa labi ko.
Napangiti ako.
Masyadong sweet si Mike, sabi nila babae daw ang nagdadala ng relasyon ngunit sa aming dalawa, napagtanto kong madalas si Mike ang mas matured marahil sa agwat ng edad namin. Sa kabila ng pagiging abala niya sa pagaaral ay madalas pa rin siyang naglalaan ng oras para sa amin, kapag may mga panahong bakante siya ay madalas siya ang naghahatid at sumusundo sa akin sa University. Sa isang taong mahigit naming magkarelasyon ay hindi rin siya gumagawa ng mga bagay na alam niyang ikasasama ng loob o ikakaselos ko. Madalas din sa mga tampuhan namin ay siya ang magpapakumbaba para magkabati kami.
Nagkakilala kami ng minsang nag iintay ako sa lobby ng ospital pagmamay ari ng pamilya niya. Nagtratrabaho sa Finance Department si Daddy sa kanila. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay natapunan ko ito ng mainit na inumin.
"Anong iniisip mo?" aniyang makita akong nakapangalumbaba.
"Wala naman, naisip ko ko lang ng una tayong magmeet" ngiti kong sagot.
"Yeah, it sounds cliche, pero hindi ko makakalimutan yun. Ang matapunan mo ako ng hot choco" tawa nito habang nagsusulat pa rin.
Magmula ng pangyayaring yun na abo't abot ang hingi ko ng tawad ay hindi na uli kami nagkita, hanggang nagkaroon ng Family Day Gathering sa Hospital na isinama ako ni Daddy at nagkita kaming muli hanggang ng magenroll ako sa University na pinapasukan rin niya, niligawan ako at naging kami.
Napailing na lamang ako.
"Oh ayan na, just follow that clues then hindi ka na mawawala, yan din ang ginamit kong technique noon" aniya inilapag ang ginawa niya.
"Salamat" ngiti kong binasa iyon, mas madali nga ito sa pagkakabisado!
Ilang sandali pa ay inaral ko ito at siya rin ay naglabas ng ilang mga reviewer na humiga sa hita ko.
*
"Miss Abad" seryosong bigay ng prof ko ang test paper ko. Kabado akong napatingin sa papel ko, napangiti akong makitang mataas iyon. Dali dali akong nag text kay Mike ng mapansin ko ang pagkaway niya mula sa malayo.
"What's your score?" ani nitong patakbo mula sa corridor ng buiding namin.
"91%" sagot ko.
"Yes!" aniyang yumakap na mukhang mas excited pa sa akin.
"Naipaalam na kita sa Daddy mo" aniya.
"HUh?" sagot ko, dahil hindi ko naipaalam kay Daddy, kaya kay Ate Miles ako nagsabi.
"Yeah, and pumayag naman siya basta daw ibabalik kita ng buo" halakhak nitong umakbay sa akin palabas.
Nagtungo kami sa bandang Norte.
"Bakit bigla kang nag aya?" tanong ko nasa mataas na lugar kami ng Baguio habang nakatingin sa kalawakan ng lugar. Isang transient place ang aming tinuluyan. Madalas kami dito noong panahong hindi pa kami masyadong abala sa pagaaral.
"Wala naman, gusto ko lang mag destressed, nakakapagod din ang school stuffs tapos toxic pa sa hospital" sabi nitong yumayakap mula sa likuran ko.
"... and most of all, namiss kita" bulong niya.
"Alam ko ring bawas na ang panahon ko sayo, next year mag bo board exams na, tapos magreresidente na ako" sabi nitong muli na humahalik sa likuran ng buhok ko.
"Naintindihan ko naman yun saka ako din naman abala sa school, ang importante nagkikita at nag uusap pa naman tayo" sagot kong nilingon ito. Humalik ito ng banayad sa labi ko at saka umikot para mapaharap siya sa akin
"I love you Margarette" bulong nitong humawak sa magkabilang pisngi ko.
"Mahal din kita Mike" sagot ko.
"I love you more, I promise na kapag nakatapos na ako at kaya na kitang buhayin sa sarili kong pagsisikap ay pakakasalan na kita at hindi ka na makakawala sa akin. Ilalayo kita na hindi ko na kailangang magpaalam sa Daddy mo, at pwede na kitang iharap sa kanila kahit hindi ka na buo" sagot nitong halakhak na ang tinutukoy nito ang bilin ni Daddy madalas sa amin ay ang pagpapadala sa init ng katawan na gawain lamang ng mga kasal na.
Medyo mahigpit si Daddy sa dahilang siya na lamang ang naiwang magulang sa amin ng Ate ko, na maagang nag asawa. Malaki din ang tiwala ni Daddy kay Mike sa dahilang sinusunod ni Mike ang mga kundisyon ni daddy sa amin. Ang mga curfew hours, at madalas din ay nagpapaalam si Mike ng maayos sa kanya tuwing lalabas kami at bukod din dito ay makalumang nanligaw si mike noon sa akin, na sa bahay siya nagpupunta. Sabi ni Daddy, isang batayan daw yun ng pagiging sinsero ng tao kaya naman madali niyang nakuha ang loob ng ama ko.
"Thanks Mike, salamat sa respeto" sagot kong sinagot ang halik nito.
"You're worth to wait love" sagot nito.
"Halika ka na, baka hindi na ako makapagtimpi" halakhak nitong inihahatid ako sa kwarto ko.
***
-tbc-