*** After a month... Nagising ako sa lakas ng boses sa labas. Si Kuya Jules na kasigawan si Gene. Panay ang awat ni Ate Myles at ang kasambahay namin. Kita ko mula sa bintana ang suntok na iginawad ni kuya Jules kay Gene. Dali dali akong bumaba. "Kuya!" sigaw kong kapwa sila natigilan. "Kuya, tama na!" sigaw kong kuha sa atensyon nilang muli. Umiling si Kuya Jules na inawat ni ateng iginiya sa loob ng bahay. Napahinga ako ng malalim na inakay patayo si Gene. "Babe..." mahinang ani nitong napailing ako. "Anong ginagawa mo dito Gene?" mahinang tanong ko. "Gusto kitang makausap" aniyang napahawak sa kamay ko. Lumayo ako. "Wala na tayong paguusapan Gene, please umalis ka muna" sagot kong humalukipkip. "I'm sorry marg" mahinang sabi nito. "I understand, you had doubt on me... but I

