*** Hindi ako makatulog, alam kong lagpas hatinggabi na at gising na gising pa rin ang diwa kong nakatingin sa kisame. Kahit pakiramdam ko ay hapong hapo ako at pagod ay di ako dalawin ng antok. Inaanalisa ko lahat ang mga nangyari ngayon. Ramdam ko ang pagtulo ng likido sa gilid ng mata ko. I know that he is telling the truth ng sinabi niyang dumating siya ng araw na iyon sa parke ngunit masakit pa rin na iniwan niya ako. Nakakapanghinayanang, he sacrificed for us for nothing, time is wasted... at nasaktan namin ang bawat isa. Napaupo akong sumandal sa headboard. Napatakip ako ng mukha at saka napayakap sa tuhod ko. I should forgive him wholeheartedly for us to move on. I should be healed completely. Regardless of everything, tapos na iyon... hindi na maibabalik ang mga pagkakamali ng

