Almost Over You 9

1676 Words
*** Marg's  POV "Okay lang ba Ate?" tanong ko kay Ate Myles. "Aprub" aniyang ngiti habang kalong ang bunso niyang anak. "Hmm... mukhang masyadong pormal ang pupuntahan ninyo" puna niya. "Eh, naisp kong magbestida kasi sabi naman ni Gene fine dine restaurant daw" sagot ko habang nagsuklay ng huling beses sa mahaba kong nakalugay na buhok. "Ah... okay" sagot ni Ate Myles na napangiti, kita ko ang ekspresyon nito mula sa repleksyon ng salamin. "Friendly date lang Ate..." paliwanag ko. "Okay,  I'm just glad that you're back to your normal self" sagot nito. "Opo" ayon ko, dahil pagkatapos naming makalipat noon ay di pa rin ako agad nakarecover panay ang iyak ko at pilit na nagpakakatatag. Halos namatay ang emosyon ko noon, sumusunod ako sa agos ng oras at nakapokus ako sa trabaho. Naalala kong kahit si Ate Myles noon ay ilag akong kausapin, matiyaga lamang si Eugene at nakakatiis sa kasungitan at malamig kong pakikitungo sa tao kaya siya ang naging malapit sa kin hanggang isang araw ay natutunan kong ngumiti muli. "Siya, kanina pa naghihintay si Gene sayo sa ibaba, ako na ang bahala kay Daddy. Dito kami matutulog ni Jules" aniyang sagot muli. Nagsuot ako ng simpleng bestida at nag ayos ng kaunti, ayoko namang hindi maging presentable sa pupuntahan namin, alam kong maayos manamit si Eugene. Naunang bumaba si Ate. Tumingin ako ng isa pang beses sa salamin kung ayos lang ba hitsura ko at saka kinuha ang gamit ko palabas. Tanaw ko ang pakikipag usap ni Eugene kay Daddy sa ibaba. Matiyaga niya itong kinakausap kahit na panay tango lang ang sagot ni Daddy at medyo nauutal pa sa pananalita. Napangiti ako, kung meron siyang katangian na pinakagusto ko ay yung pagiging matiyaga niya sa ama ko. Tumikhim akong umangat ito ng tingin. Tumayo itong ngumiti ng malapad na napatitig. Katulad ng inaasahan ko ay medyo pormal din ang ayos niyang na polong suot na hanggang siko ang tupi at nakamaong na pantalon. Napangiti akong lumapit sa kanya at iwinagayway ko ang kamay ko sa mukha niya. Napahawak ito sa batok niyang napailing na nag ayos ng salamin niyang suot. "'Dy, aalis na po kami, kelangan kong itreat si Eugene eh, kasi lagi akong iblablackmail nito at kokonsensyahin araw araw" ani kong tumango si Daddy. Silay ko ang pilit nitong ngiti. Humalik ako sa noo niya. "Tito, mauna na po kami, pinilt po ako ng anak ninyong I date siya eh, mahirap naman pong tanggihan" biro nitong hinampas ko sa braso. "Ayan po, nagiging bayolente siya kapag hindi napagbigyan" aniya pang muli. " Gene!" saway ko. Natatawa si Ate at Kuya Jules sa gilid. " Naninigaw pa po...anak niyo po ba talaga ito? Kasi po kayo naman eh malumanay at si Myles" aniya pang muli. "Oo nga eh" segunda ni Kuya Jules. "Kuya..." "O siya aalis na po kami, sayang naman po eh nagbihis po siya eh," aniyang akbay sa akin at hatak palabas. "Ginaganyan mo na ako ngayon ha" irap ko dito. Napangiti ito. Pinagbuksan ako nito ng pintong iginiya sa loob ng sasakyan niya at saka umikot sa driver's seat. Naglagay ito ng mahinang musika sumulyap sa gawi kong ngumiting muli. "Hindi ba mapupunit ang mukha mo sa kakangiti mo?" ani ko. Umiling ito. "Ganito ako eh, kapag kinakabahan sayo" aniyang sagot habang nagmamaneho. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. "Kabado ka pa sa lagay na yan eh panay ang asar mo sa akin kanina" irap ko. "Pantanggal kaba" tipid nitong sagot na napailing na lamang ako. "Nga pala pumirma ng formal contract si Mr. Narciso" aniyang pinanlakihan ng mata ko. Napapalakpak ako. "Ibig sabihin-" ani kong tumango ito agad. "Yeah, it's official, nakuha mo ang pinakamalaking deal sa company, kumpanya natin ng magsusupply ng ilang medical supplies sa ospital niya and parang nirecommend din niya sa ibang doktor na kakilala niya ang mga gamot na handle mo" aniyang napatakip ako ng bibig. "Talaga?" halos naluluha kong tanong. "Yes...' ngiti nito. "Oh my..." ani kong di napigilang nagtanggal ng seatbelt at napayakap sa kanya. "Wait! Marg!" aniyang tawa na iginilid ang sasakyan sa isang service road. Yumakap ako ng mahigpit. Dinig ng Itaaas ang panalangin ko sa problemang pinansyal namin, makakatulong ito sa pag aaral ko at sa maintenance ng gamot at therapy ni Daddy. "Thank you Gene" ani kong inihilig ako sa dibdib niya. "No worries Marg... magaling ka talaga. It's two way, ako pa nga dapat ang magpasalamat sayo, asset ka ng kumpanya, tuwang tuwa si Mommy" aniyang ramdam ko marahan nitong haplos sa ulunan ko. Inirekomenda lang naman ako ni Gene na kung tutuusin ay pwede naman siya ang makipagdeal sa kliyente namin. "Tara na, at mahuhuli na tayo sa reservation natin" Ramdam ko ang saya sa dibdib. * Medyo malayo ito sa tinitirhan namin, isang fine dine restaurant na open area ang kainan. May tumutugtog sa isang grand piano sa gilid at nag va violin. Napahawak ako sa braso niyang napaangkla, sa hitsura nitong napakaeleganteng lugar. Sigurado akong mamahalin dito. Kinuha nito ang kamay kong pinagsiklop niya at tumungo sa upuan na pinareserve niya, nakasunod sa amin ang server. Ipinaghila niya ako ng upuan. Nagpasalamat ako. Isang full course meal ang nakareserba sa amin. "Ikaw na balaha Gene, basta light lang sa akin" bulong ko, dahil parang wala akong ideya sa mga pagkain dito at klase ng inumin nila. Tumango ito. Napatingin ako sa paligid na halos ang mga kumakain ay mga couple at may mga edad ng babae at lalake. Nakakatuwa silang tingnan, siguro kami lang ang naiiba sa edad sa mga costumers na naandito ngayon. Medyo classic ang lugar, romantic at kumportable ang ambiance, tanaw mo ang kalangitan. Masarap ang simoy ng hangin at tahimik. Napapikit ako. Sa ilang buwang lumipas parang ngayon lang ako nakaramdam ng kaluwagan at nakahinga ng malalim. Rinig ko ang soft music na itinutugtog. May ilang couple ang nagsasayaw sa gilid. "Hey..." ani ni Eugene na humawak sa kamay ko. "Did you like it?" tanong nitong ngiti. Tumango ako. "Papaano mo ito nakita?" tanong ko. "Dito madalas mag date sina Mommy at Daddy" aniya. "Ang sarap ng ambiance, tahimik" ani ko. "I'm glad nagustuhan mo" aniyang ngiti. "Couple's night ngayon, kung mapapansin mo puro couple ang naandito, at medyo may edad na ang ilan sa kanila. May pagka classic" aniya pang muli na inayunan ko. Sinerve ang soup at starter. "Masyadong pormal" tawa ko. "Malayong malayo siya sa karinderya ni Aling Maria" bulong kong muli. "Still, gusto ko pa rin kay Aling maria" bulong nito pabalik. Nagserve na ng main course at wine. " Sa inyo matutulog sina Jules ngayon?" tanong nito habang nagpupunas ng bibig. Tumango ako. "Mabuti naman, at least may kasama si Tito, hindi tayo mag aalala habang naandito tayo" sagot nito. Tayo? Napahawak ako sa kamay niya. "Thanks Gene" sinsero kong sagot. Napakunot noo ito. "Sa deal? Okay na yun" tawa nito. "No, for always there for us..." sagot ko. "Salamat at napakabuti mo kay Daddy" ani ko pang muli. "Thank you for being patient with me... bearing with me" dagdag ko pang muli, dahil alam kong wala ako sa hulog ng mahigit isang taon. "Don't mention it... it's my pleasure and joy to take care of you, believe me masarap kang alagaan" aniyang sagot na humawak pabalik sa kamay kong humalik sa likod ng palad ko. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. "Still, I want to thank-" ani kong sumabad ito agad. "Tama na yang kakathank you mo, baka maningil na ako niyan" biro nitong tumayo. Naglahad ito ng kamay. "May I..." aniyang lingon sa podium. Tumango akong tinanggap ang kamay niya. Ramdam ko ang marahan nitong hawak sa likuran kong iginiya at inalalayan ako sa papuntang podium. Inilagay niya ang kamay ko sa balikat niya at siya naman'y humawak ng marahan sa magkabilang baywang ko. Nakatitig itong nakaangat ako ng tingin. "You're beautiful..." bulong nito habang mahinay kaming nagsasayaw. "Thank you" sagot kong medyo kabado. "And sorry kanina sa pangaasar ko sayo, hindi ko lang makontrol ang kaba ko kaninang nakita kita pababa ng hagdan" aniya pang muli. "Gene..." "Honestly, I was mesmerized, natulala ako eh" aniyang napangiti, napangiti ako pabalik na napailing. Yumuko itong ipinagdikit ang pisngi namin katulad ng pagsasayaw ng mga katabi naming may mga edad na. "I hope you're okay now" bulong nitong ramdam ko ang mainit nitong hininga sa gilid ng mukha ko. "I am Gene..." sagot ko. "Good" aniyang napahinga ng malalim. "I am nervous right now" aniyang mahinang tawa. Ibinaba niya ang kamay kong inilagay sa baywang niya inihilig ako sa dibdib niya. Ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso niya. Napapikit akong ramdam ko ang mahinay naming sayaw na parang hindi kami kumikilos at nakatayo lamang. "I am in love with you..." bulong nito. Napangiti ako. Alam ko na yun. "I am inlove with you...the first time I saw you..." aniyang napaangat ako ng tingin. "... sa kasal ng Ate mo, that's the first time I laid my eyes on you, but you were so young that time, hinintay kitang magdalaga kaya tuwing lumuluwas si Jules sa Manila sumasama ako, and I regret na I didn't pursue you right away, naunahan ako" mahina nitong sabi. Naalala kong siya ang best man ni Kuya Jules at ako ang maid of honor ni Ate noon. Tinuwid nito ang pagkakakunot noo ko. "Please... give me a chance" bulong nito. Ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso ko. "Just a chance Marg... to prove myself to you" bulong nitong muli. Ang lakas ng t***k ng puso kong parang nagkakarera sa bilis. Napailing akong napangiti sa sarili, ngayon ko lang narealize at napansin ang pagtibok ng puso kong akala ko tumigil na. "I want to court you Marg, I'll be patient... alam kong marami kang iniisip ngayon, hindi kita iprepresure, basta payagan mo akong ligawan ka at patunayan ang sarili ko" bulong nitong ramdam na ramdam ko ang sinseridad nito. Ngumiti akong tumango. "Thank you" sagot niyang ramdam ko ang labi niya sa sentido ko. Napahinga akong malalim na pumikit at yumakap pabalik. **** -tbc-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD