*** Natapos ang duty ko ng matiwasay. Sapo ko pa rin ang batok kong palabas ng lobby, ramdam ko ang pagod at puyat. "Marg" bati ni Ma'am rose na kasabay si Doc Chris at Mike. Tumango ako sa kanila. "Heading home?" tanong ni Doc Chris. "Opo" magalang na sagot ko. "We'll drop you off" prisinta ni mam Rose na nakatingin lang si Mike. Umiling ako, ayaw kong makaabala ng tao. "Hindi na po, malapit lang dito ang tinitirhan ko" sagot kong may nakaparada naman taxi sa labas. "Are you sure?" tanong muli ni Mam Rose na tinanguhan ko. Napatingin ako kay Mike na nakatitig lamang. Ngumiti ako ng tipid. "Okay then, mauna na kami" paalam ni Mam Rose na sinundan ni Doc Chris at Mike. Tinanaw ko sila ng tingin palayo saka dumiretso ako paradahan ng taxi. Literal akong napansandal sa taxi. Masyado

