*** Abo't abot ang hingi ng pasensiya ni Tita Norma sa gawa ni Gene. "Pasensiya ka na Marg, naabala ko pa ang trabaho mo" aniyang kinausap ako sa labas ng kwarto. Pagkatapos kong turukan ng pain reliever si Gene ay nakatulog siya. "Naintindihan ko po, normal lang naman po iyon sa bagong opera na pasyente" ngiting sagot ko. "...baka po buka sililipat na rin siya sa private room" dagdag ko. "Salamat anak" aniyang napatango ako bago nagpaalam. Maayos naman ang progress ni Gene, walang komplikasyon bukod doon ay hindi na niya kailangang mag undergo ng chemotherapy. Maayos ang pagkakaopera ni Mike sa kanya na natanggal ang kabuuan ng tumor. Kailangan lamang niya ng ilang therapy at rehab sessions. "Marg" pasalubong ni Dr. Villamor pagbalik ko ng ER. "Ikaw ang assisting ko sa case ko sa

