Ibang-iba si Shanely kay Virgilio, na-realize ni Wendy. Hindi nakikipag-away sa kanya ang substitute bodyguard. Hindi rin niya magawa ang ginagawa niya kay Shanely Ang hirap pigilan ang sariling tumawa sa sobrang kalokohan ni Virgilio. The guy was funny. Sa mga moments na galit at nagtataray si Wendy, walang pakialam si Virgilio. Habang dumadaldal siya, kinakausap rin nito ang sarili na parang baliw. Nakakatawa ang mga pinagsasabi kaya nadadala siya. Nakahalata yata nito na madali siyang mapatawa. Iyon na ang laging ginagawa—para siyang may kasamang comedian kaysa bodyguard. Hindi rin siya nito pinagbawalan sa anumang gusto niyang gawin. Sinasabayan pa nga siya. Sinamahan siyang mag-bar na hinding-hindi gagawin ni Shanely. Napansin nga lang niya na may tinawagan si Virgilio. Nang papunta n

