HINDI makapaniwala si Wendy sa mga naririnig niya. Ang galing rin talaga ng beastly bodyguard niya, alam na alam nito kung paano makukuha ang loob ng kanyang ama. Para lang sumipsip ay ginamit pa siya. Nagpapanggap na professional ang kapre sa harap ng ama niya gayong kapag siya ang kausap nito, kayang-kayang makipagsabayan sa ayon dito ay ‘tantrums’ niya. Mahaba na ang inabot ng usapan ng dalawa. Parang mas lumakas ang Daddy niya pagkatapos ng mga narinig nito kay Shanely. Gusto na niyang mag-walk out na nag-uusap ang mga ito na parang wala siya roon. “Ang kawalan niya ng tiwala sa good side ng mga tao sa paligid,” sagot ni Shanely nang magtanong ang ama niya ng isang negative trait niya na napansin nito. “Para siyang rosas sa ilang na bahagi ng gubat, Sir. Pakir

