Pagkatapos ng halos isang linggo na wala na silang ginawa kundi magbangayan ni Shanley, isinusumpa na ang lalaki ng bawat himaymay ng maganda niyang skin. Makita lang ni Wendy kahit anino nito, automatic na umaakyat lahat ang dugo sa ulo niya—at ganoon rin ang epekto niya rito. Natatahimik lang sila pareho sa harap ng kanyang ama, o kaya kapag may naramdamang panganib sa paligid ang beast bodyguard niya. Ramdam na ramdam ni Wendy na hate rin siya ni Shanely pero sa oras na may banta sa kaligtasan niya, biglang nagta-transform ito, nagiging Knight niya—Dark Knight, na parang handang isangga pati ang sarili sa balang para sa kanya. Ipinagpapasalamat ni Wendy na patapos na ang Semester, hindi na niya kailangang lumabas ng bahay para pagtiyagaan ang mukha nito. Hindi na rin naulit ang ilang

