ALAM ni Rigorr na magiging mahaba ang gabing iyon para sa kanya. Pigil lahat ng kilos niya—ang higpit ng yakap, ang gaan ng hawak, maging ang haplos niya. Pati paghinga ay pinigilan niya matiyak lang na panatag si Wendy para makatulog na. The next seconds seemed like eternity. And when finally she drifted off, it was only then that he allowed himself to relax. He exhaled and closed his eyes. Kung nagkataong nakilala niya ang Jojo na iyon ngayon ay binugbog na niya hanggang maubos ang lakas niya sa katawan. Nagawang pagtangkaan ng hayup ang isang kinse anyos. Walang kapatawaran ang kahayupan na iyon para sa kanya. Hindi nababagay ang isang iyon sa propesyong pinili. Walang kuwentang tao. Demonyo sa lupa. Niyuko niya si Wendy na payapa na

