--* NAGYAYA AKONG PUMUNTA NG BAYAN para bumili ng gamit sa bahay. Kaya naman sumama si Betty kasama ng bebe niya dahil walang pasok sa work. Mabuti 'yun para may katulong kami sa pagbubuhat mamaya. At syempre ay kasama si Inang para siya ang pipili ng mga gusto niya. Ibibili kona rin si Betty dahil wala na akong naibigay dito bukod sa pera. Gusto ko bumili ng gamit dahil walang laman ang bahay namin. Ang ganda at ang laki ng bahay ko pero walang kagamit gamit bukod sa TV namin. Pagdating sa bayan ay kaagad kaming pumunta sa bilihan ng mga appliances para mabilis kami makabili. Pagdating doon ay maraming tao. Kaagad kaming pumili ni Inang kung ano ang mga gamit na kailangan. Bibili 'din ako ng gas stove kasi 'di kalan ang ginagamit namin sa bahay bukod sa kahoy. " Gusto mo 'yan, nang?"

