--* PUMUNTA ULET KAMI SA BAHAY ni Toto pero hindi na sumama si Julio kasi hindi naman siya kilala ng mga tao do'n kaya naman ay hindi kona pinilit pa. Nando'n lang siya sa kwarto ko at nagce-cellphone. Mabuti na rin iyon dahil maraming tsismosa do'n. Kasama kona lang si Inang saka si Betty at ang jowa nito. Inasikaso naman kami ng nanay ni Toto at pinapasok sa loob dahil wala masyadong tao do'n. Atsaka maraming nagyoyosi doon kaya sa loob ng bahay na ako naupo. Samantalang ang nanay ko ay nakipag-tong it. Si Betty naman ay nakipag-inuman sa mga kakilala niya kasama ng ibang tropa. Hinahanap nga nila si Julio. Mabuti na lang talaga at hindi na sumama si Julio dahil mga lasing na sila. Mga wild pa naman sila kapag nalalasing. Alam niyo naman, malibog si Julio kaya iniiwas ko lang. Maya-

